Checkmate!

19 0 0
                                    

“We cannot change our past.We cannot change the fact that people act in a certain way. We cannot change the inevitable. The only thing we can do is to play on the one string we have, and that is our attitude.”

“Ang cute nung bagong transferee,” bulong niya sa katabi niya, si Marco

Nag-nod lang naman ito sa kanya...

Kilala siyang bully sa school nila.

Every month yata pinapatawag ang parents niya sa Guidance.

Pero dahil separated na ang mga magulang niya,

malimit ang tita niya ang pumupunta sa school nila, which is sister ng dad niya.

Para siya mapansin ng transferee student lagi niya itong sinusundan para asarin.

Pero hindi naman ito effective dahil para lang siyang kumakausap sa hangin,

Hindi niya ito kaklase dahil first section ito, siya naman ay last section,

Hindi niya kasi alam kung paano siya nito mapapansin, iniisip niya na kahit guwapo pa siya malabong magka-crush din sa kanya ito dahil bukod sa bully ay tamad pa siyang mag-aral.

In short insecured at mababa ang self-esteem niya. Hindi nga lang halata dahil pinagtatakpan niya ito sa pamamagitan ng pangbu-bully.

Habang nilalayuan siya nito, mas lalong lumalalim naman ang paghanga niya sa babae,

As early as 9 years old pakiramdam niya naiinlove na siya dito.....until,

Nakita niya sa gilid ng pintuan yung crush niya. Para bang nahihiya o ninenerbyos ito. May hawak na parang sobre at hindi mapakali.

Nilapitan niya ito at inagaw ang nasa kamay nito,

isa palang sulat.......

kanino?

Parang nanlamig ang buong katawan niya ng mabasa ang pangalan ng pinsan niya......

CRUSH NIYA SI MARCO?

OO nga naman, ano bang panama niya kay Marco? Guwapo na matalno pa.....

Ako basagulero, tamad pa!!!

Pero pinigilan niya ang sarili niyang umiyak dahil sa sobrang inis, selos at lungkot....

kaya pinili nalang niya ang mas madaling paraan,

At yun ay pahiyain ito para mapagtakpan ang nararamdaman niya.

Pero hindi niya akalain na ang ginawa niyang yun ay pagsisisihan niya habang buhay.......

"Hah!!!" napabalikwas si Dillan sa kama,

another nightmare........

tinignan niya ang orasan, 4:35 am.

"Sh*t! Sobrang aga pa! " sinapo niya ang ulo niya dahil bigla itong kumirot,

bumangon nalang siya sa kama at naligo,

kinuha nalang niya yung books niya para mag-advance reading.

Magmula ng nag-transfer sila sa States ay nakapag-decide siya na mag-aaral na siyang mabuti. Although nasa dugo na niya ang pagiging makulit sa klase, he make sure na hindi siya magpapahuli sa mga matatalino niyang kaklase. Ayaw niyang makumpara nanaman sa pinsan niya. Hindi naman siya bobo eh, tamad lang talaga,

The Bully and The BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon