Chapter 14

347 29 1
                                    

Fee.

"Yes, and thanks," I said. I turned my gaze at his cousin who was still quiet. "Ganyan ba talaga pinsan mo?" I whispered.

"What do you mean?"

"Tahimik."

"Yeah. He's introvert," He answered. "By the way, how did you know that I'm his cousin?"

"Sinabi sa akin ni Gio. Lahat alam niyan e."

"Anong alam ko?" Tanong ni Gio. Sinadya ko talaga na marinig niya iyon.

"Basta chismoso ka," Nakangising sabi ko.

"You're Cauis, right?" Raze's cousin suddenly asked kaya napatingin kaming lahat.

"Ah, yeah. How did you know?"

"Raze told me that..." Sabi niya na ikinakaba ko. "That he has a new friend." He emphasized the word friend.

Tangina, mukha ngang may alam siya.

"Y-yeah, I am."

"I'm Rence, his cousin," Pagpapakilaa niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti. Ang awkward, he opened a conversation out of nowhere.

"I'm Caius but you can call me Cai, and this is Gio and Tobi, my friends," Pagpapakilala ko.

"Yeah, I know them. Sikat kayo e... bilang babaero."

'Yong dalawa ay nasamid, at ako naman muntik nang mabulunan, buti na lang inabutan agad ako ng tubig ni Raze.

"Rence," Saway ni Raze.

He rolled his eyes. "What? I'm just stating the fact," and he looked at us. "Right?" Ngumiti siya pero halatang peke.

"Ah, oo," Awkard na tawa ni Gio.

Kumunot ang noo ko dahil ramdam ko may galit sa aming itong pinsan ni Raze, at hindi ko rin nagustuhan ang pakikitungo niya.

"Calm down, don't mind him. I will scold hime later," Bulong ni Raze sa akin.

"Tss, tara na, puntahan na natin si coach," Aya ko kila Tobi at sinabit ang bag ko sa balikat ko. Tumingin ako kay Raze. "Una na kami. We will talk later."

Tumango siya na may pag aalala.

"May problema ba sa atin 'yung pinsan ni Raze?" Tanong ni Tobi habang naglalakad kami.

"Ramdam ko nga kanina na malaki ang galit sa atin e," Si Gio.

Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin, at sumama rin ang mood ko. Hindi ako nainis sa sinabi niya pero 'yung pakikitungo at ekspresyon ng mukha niya, halatang may problema sa amin.

"Coach!" Tawag ni Gio nang makapasok kami sa court.

"Ogihara, Keasler," Nakangiting salubong ni coach s amin. Tumingin siya sa akin. "Oh, buti sumali ka Norcros?"

"Na-miss ko mag basketball, coach," Ngiting sagot ko.

"Sayang, kung pwede lang sumali si Devins," Si coach.

Bawal kasi sumali sa mga ganito ang mga varsity players. Patakaran iyon sa school kaya hindi pwede sumali si Federick. Si Tobi rin dati, nung first year college kami, kasali siya sa varsity players pero umalis siya, pero hindi niya sinabi kung ano ang dahilan; personal reasons daw.

"Huwag mo na hanapin si Ed, coach. Sure win na 'to dahil nandito kami," Mayabang na sabi ni Tobi.

"Aasahan ko 'yan, Keasler."

One Night Change (Sunshine and Midnight #1)Where stories live. Discover now