C H A P T E R 3

1 0 0
                                    

Puno ng ingay ang paligid dahil sa kantahan ng mga kaibigan ko, nandito kami ngayon sa sala at nakatayo si Liam sa harap habang malakas na kinakanta ang 'My Way' ni Frank Sinatra, habang kami dito ay puro tawa lang ang ginawa. Tapos na kaming maghapunan and it's currently 9:23 ng gabi, buti nalang at wala pang kumakatok sa bahay at nagsasabing ang iingay ng mga bunganga namin.

"Tama ka na Liam! Baka mapanaginipan ko na singer nyan!" Sigaw ni Maxine habang tumawa sa gilid ko.

"Lolo ni Liam yang si Frank Sinatra, tamo magkaboses sila" Gatong naman ni Traven na nasa lapag at naghahanap ng susunod na kanta, malakas tuloy na tawanan ang narinig sa apat na sulok ng bahay dahil sa sinabi nya.

'Tignan mo 'tong magkapatid na 'to, ang sasama ng ugali'

Pagkatapos kumanta ni Liam ay sumunod naman si Traven na lalo nagpahalk-hak saamin, kanta kasi ito ng isang Filipino Girl group noong panahon. Sinasabayan nya pa ito ng mga galawang malalambot na kung sa unnng tingin, aakalain mong bading sya.

"Ang baho mo tignan Ten" Komento ni Haya habang pinapanod nito ang kaibigan nya. Kaming nasa gilid ay tawa lang ng tawa lang, mukha namang masaya si Traven sa reaksyion na nakukuha nya mula saamin kaya naging malala pa ang mga kilos nito.

Matapos ang kantahan ay nagkayayaan naman manood ng movie, inilatag nila Jaz at Haya ang higaan at kanya kanya na kami ng taklob ng kumot at yakap sa unan ng i-play ni Liam ang movie, gustong manood nila Jaz, Haya at Maxine ng love story kaso kontra naman sila Ten at Liam dahil masyado raw itong corny at cringe, wala namang nagawa yung tatlo ng mapili ni Liam ang 'The Exorcist'.

"Kung alam ko lang na hindi Barcelona papanoorin natin, 'di nalang pala dapat ako sumama" Reklamo ni Jaz na nasa tabi ni Max at napaka higpit ng kapit sa kumot nya, sandali tuloy kaming natawa sa sinabi nya. Pagkatapos nito ay sunod-sunod ang mga nakakagulat na scene, panay tuloy ang mga tilihan at dumating nga sa puntong umiyak na si Max dahil sa takot. 

Dahil umiyak si Max, inaalo ko tuloy sya ngayon at nanonood kami ng Peppa Pig para kahit papaano kapag natulog kami ay walang managinip,  Nagsuggest pa nga si Jaz na panoorin namin si Dolphy eh.

'Mga bipolar! adik'

"So paano tayo matutulog nito? Ni pagpasok nga sa Cr 'di ko magawa" Tinignan kami ni Liam at bakas sa mukha nito na kahit kaluskos lang ang marinig nito, paniguradong titili sya.

"Kasalanan ba naming kayo may gustong manood nyan?!?!" Sarkastiko namang sagot ni Maxine, kita parin ang pamumugto ng mata nya dahil sa pagkakaiyak kanina.

"Tama na, baka magsuntukan na kayo, laro nalang tayo" Pag awat ko naman sakanila dahil kahit ganon lang talaga sila, kailangan naming i-divert ang isip namin sa ibang bagay dahil kahit ako ay natatakot rin dahil sa pinanood namin.

"Tagu-taguan tayo, ang di makita kawawa" Suhestiyon ni Traven kaya nakatanggap sya ng sipa at batok mula saamin, hinampas pa namin sya ng unan dahil sa sinabi nya.

'Baliw to, lalo pa ata kaming tatakutin'

"Gusto mong ikaw ang di na makita? Mag-isip ka ng iba!" Sigaw ko kaya tumawa ito ng malakas, maya-maya lang ay napagkasunduan nilang maglaro ng nanay-tatay, ewan ko ba sa mga 'to bakit umaakto na parang elementary, pwede namang matulog na kami.

'sana maramdaman nilang inaantok na ako para magsleep nalang kami'

After pumasok sa isip ko ang thought na'yon ay saka namn humikab si Jaz sa tabi ko, kinalabit ko ito at tinitigan, sana lang magets nya ang gusto kong iparating na inaantok na ako. Mga ilang segundo matapos nya akong titigan ay tumango ito at nagsabi sa iba na matutulog na kami dahil hindi na namin kaya ang antok, pumayag naman ang mga ito, ang alam ko bago ako tuluyang macapture ng kadiliman ng pagtulog ay naglalaro pa sila ng kung ano-ano.


______________________________


"Val, gising na!" I heard a voice from my left.

" Huy hindi pa nga luto yung hatdog!" and then another that is far from me.

"Okay lang yan, para kapag gising nya, mag time pa sya maghilamos"

Pinakiramdaman ko ang hinihigaan ko para malaman kung may katabi pa ba ako, pero  nakakapagtaka dahil ang aga-aga pa pero wala na yung katabi ko.

'gising na si Jaz? Bakit?!'

"Gisingin mo na'yan, aalis pa tayo" Muli akong nakarinig ng boses kaya idinilat ko agad ang mata ko at bumangon sa hinihigaan ko.

"Saan tayo pupunta?" Bakas pa sa boses ko na talagang kakagising ko lang, pero biglang suminghap si Liam na nasa tabi ko pala dahil sa gulat.

"Sheez Val, you should've done that, you starled me! geez. Wala ba sa vocabulary mo ang dahan-dahang idilat ang mata at bigyan ng heads up ang mga tao sa paligid mo na gising ka na? aatakihin ako sa puso sa ginawa mo eh!" Sabi nito sabay hawak sa dibdib nya na para bang nalagasan sya ng 5 years sa buhay nya.

"Alam mo ikaw, napaka OA mo! At oo wala sa vocabulary ko 'yon, lumayas ka nga sa tabi ko!" Sinipa ko ito kaya nahulog ito sa lapag. 

"Aray ha! Bakit ang aga-aga mainit ang ulo mo?" Sabi nito sabay tayo sa pagkakahulog, umupo ito sa sofa at sinundan ako ng tingin ng lumapit ako sa salamin.

"Ikaw ba naman ang unang makikita ko sa umaga, paanong di iinit ang ulo ko?" Mataray ko itong tinignan mula sa salamin at nakitang nginingisian ako nito, kaya naman dinampot ko ang tissue roll na nasa harap ko at ibinato ito sakanya, nailagan  naman nya ito at malakas na tumawa.

"Too much hate from you Val, ganyan ba ang ugali ng isang Campus President???" Tinaasan nya ako ng kilay kaya naman tinignan ko ito ng masama, nag peace sign ito atsaka dali-daling pumasok sa kwartong malapit sakanya.

"Wag kang magpapakita sakin ha!!!" Sigaw ko at siniguradong maririnig nya ito. Pagkatapos ng nangyari ay nakita ko si  Haya na kalalabas lang ng kusina.

"Where are the others?" tanong ko dito dahil siya lang at si Liam ang nasa loob ng bahay.

"Umalis na, they went to the Mall. We were supposed to leave at the same time but since tulog ka pa, nauna na sila. 2 hours na silang nandun." Kalmado nitong sabi, nang malamn kong 2 hours na silang nandoon, agad kong tinignan ang cellphone ko at nakitang alas-dose na ng tanghali.

"What?!?! I overslept? Akala ko 9 palang ng umaga! Bakit hindi nyo ako ginising?" nagpapanic ako dahil sa kahihiyan na kaya hindi kami sabay-sabay na nakaputa sa mall ay dahil sa pagiging tulog mantika ko.

"Well, kanina pa kating-kati si Liam na gisingin ka, pero ang bilin ni Jaz ay hayaan ka lang na matulog dahil ayaw mo iniistorbo ang tulog mo kapag weekends" Lumapit ito saakin at inabutan ako ng mangkok na may kanin at ulam. Tinignan ko ang iniabot nya saakin sabay binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.

"Jaz said to feed you bago tayo umalis, she said you need to eat lunch dahil nagbabago raw ang mood mo kapag gutom ka, also yung coffee mo ready narin, nasa table. Inumin mo kapag tapos ka na kumain."Sagot nito kaya napatango nalang ako out of amusement.

'Jaz surely knows me better than myself'


Kumain ako agad at saka nag ayos ng sarili ko, Liam and Haya are done preparing themselves at hinihintay nalang ako matapos.

"Ang bagal mo pala kumilos Val? anong oras kaya tayo makakarating sa mall kapag ikaw rin ang nag drive?" Narinig kong sinabi ni Liam habang nagsusuot ako ng sapatos, binato ko sya ng medyas dahil sa inis ko sakanya.

"Palibhasa kasi, basic at saglit lang ang routine ninyong mga lalaki kesa saming mga babae and FYI, ano namang paki mo sa driving skills ko? at least ako maingat, ikaw barubal!!" Tumawa ito sa naging sagot ko saka lumapit saakin at hinimas-himas ang likod ko.

"Ito naman nagagalit agad, tara na alis na tayo" Isinukbit nya ang mga kamay nya sa braso namin ni Haya, kita tuloy sa mukha ni Haya na hindi sya natutuwa sa nangyayari kaya tumawa nalang kami ni Liam.

Nagmaneho ako papunta sa Mall at hinanap namin ang tatlo pa naming mga kaibigan dahil nag-aya si Maxine na mag shopping dahil kinukulang na raw sya sa damit, sumangayon naman kaming mga babae kaya nandito kami sa mall ngayon, sinama namin ang mga lalaki para maging tagabuhat naman ng mga pinamili namin.

'Ganto pala feeling kapag may alalay, feeling ko rin ang sama ng ugali ko'  

Take a Trip Down Memory LaneWhere stories live. Discover now