C H A P T E R 4

1 0 0
                                    

"Bagay ba? feeling ko ang revealing nya" I asked while looking at my friends habang suot-suot ko ang nagustuhan kong dress. Isa itong black fitted dress, na square neck at backless. Kitang-kita ang kurba ng katawan ko, saktong-sakto rin saakin ang kulay dahil nae-elevate nya ang maputi kong balat.

"It looks good on you, you look fine Val" Haya complimented me so i smiled at her then look at the others, Jaz is still scanning the dress on me and Maxine also seems thinking for the right words to say.

"If hindi naman sya okay tignan sakin, i'll go look for another dress" I said out of embarrassment dahil kanina pa nila ako tinitignan. 

"Traven!! Liam!! We need help!" Maxine yelled kaya biglang lumapit ang dalawang lalaki sa  kung nasaan kami.

"Oh my goodness... You look stunning Valentina, you should get that" Liam stated while looking at me from head to toe, bigla ring nagsalita si Traven na mas ikinahiya ko.

"If you're not a close friend, i would ask for your number" He said that made everyone laugh. Tinarayan ko ito at saka nilingon ang tatlong babae sa harap ko, i raised my eyebrows as i was asking for a comment.

"There's the answer Val, galing na mismo sa perspective ng lalaki, so if i were you bibilhin ko na yan, it fits you perfectly and you look so elegant honey" Maxine smiled at me at saka nya ako pinapasok sa dressing room para makapagpalit na ako at makpagbayad na kami.

After mag shopping ay syempre kumain kami sa food court ng mall, kahit weekends ay hindi naman ganoong marami ang tao, mas peaceful ang paligid dahil kakaunti ang mga nakatambay sa mall ngayon. Habang bumibili ng pagkain sina Liam at Traven ay nag kwentuhan muna kaming apat para hindi kami mabored kakahintay sa dalawa.

"Kinausap ako ng Head Teacher ng Science department, he's asking me to join a competition, it's about the elements in the periodic table, may cash prize tapos my chance na makakuha ng full scholarship" I started another conversation matapos nilang pagusapan ang magaganap ng pageant sa campus, tinignan nila ako ng may ngiti sa mukha.

"Anong sabi mo? pumayag ka na?" Tanong ni Jaz na nasa tabi ko. Inilingan ko ito at saka yumuko.

"What? why? you should agree, alam naming kayang kaya mo gawen yan, didn't you tell us how good you are at memorization?" Nagsalita naman si Haya na bakas ang pag-aalala sa mukha, tinanguan ko ito pero nanatili parin akong tahimik, ilang saglit lang ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko, pag angat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Maxine na nakatitig sa mga mata ko.

"I know you're scared, but wala namang mawawala kung sasali ka, right? it can really help you sa gastusin kay tita, for sure she would force you to join the competition knowing about your capabilities" She smiled sweetly at bakas sa mga mukha ng mga kaibigan ko na magiging supportive sila ano man ang maging desisyon ko, pagkatapos ay dumating ang dalawa pa naming kaibigan at napansin nila ang pagiging tahimik namin, tinanong ni Traven kung ano ang nangyari kaya ikinuwento ko sakanila ang lahat, gaya nila Haya ay sobra rin ang pagiging supportive nila saakin kaya gumaan ang loob ko.

'At least i have some friends na alam kung paano ako aaluin'

Paguwe galing Mall, ay nag ayos kami ng gamit para makauwe na, dumating ang tita nila Traven at Maxine kaya pormal kaming nakapag paalam dito at nagpasalamat narin, gaya ng lagi kong ginagawa ay inihahatid ko muna ang mga kaibigan ko bago ako tuluyang uuwe sa unit ko.

Pagbaba ko ng sasakyan ay naka receive ako ng message galing sa Teacher na nag-guide saamin sa council.

/New Message-
:[Nak, may bagong papers sa table mo dito sa office, paki review nalang sa Monday, mayron ding transfer student, yung copy ng profile nya nasa tale mo narin, sayo ko na sya ia-assign para sa campus tour. Salamat!]

'Transferee? Sino nanaman kayang rich kid ang nag-enroll?'

Nireplyan ko ang message at saka tuluyang umakyat sa unit ko. Nagpalit ako ng damit at saka muling umalis ng bahay dahil dadalawin ko ang mama ko sa facility kung saan sya inilipat last week.

Naaalala ko pa ang lahat ng sinabi ng doctor saakin tungkol sa sakit nya, talagang dinurog ng impormasyong iyon ang puso ko, ilang araw din akong hindi maka-focus sa lahat ng tasks ko sa campus at nahirapan ding makipag communicate sa mga tao sa paligid ko.

Take a Trip Down Memory LaneWhere stories live. Discover now