POV: LHIARNNA
Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumama at sumilaw sa aking natutulog na muka.
Pag bangon ko sa higaan ay dali dali akong nag sipilyo ng ngipin at nag himalos ng mukha.
Matapos kong mag hilamos ay bumama na ako para kumain. Pag baba ko ay bumungad agad saakin ang mga maid na nag luluto, ang iba naman ay nag huhugas ng plato, samantalang ang iba naman ay nag pupunas ng mga plato, baso at yung iba ay sa lamesa naman.
Nang lumingon ako sa sala nakita ko ang isang lalaking nakaupo at may dalang bulaklak. Tinanong ko ang mga maids kung nasaan ang parents ko sinabi naman nila na mamaya pa raw uuwe.
Nag lakad na ako patungo sa sala para puntahan ang lalaking nakaupo sa sofa at may bitbit na rosas. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad agad niya akong nilingon at nang makita niyang ako ito nalagyan ng ngiti ang kanyang mga mapupulang labi.
Naka asul siyang polo at ang kaniyang pambaba ay isang short na itim na lagpas tuhod, naka asul din siyang sapatos na talagang bumagay sakanyang porma ngayon. Ang lakas ng dating niya at kitang kita ang kanyang makikinis at mapuputing balat. Napaka gwapo at malinis niyang tignan.
Nag lakad siya papalapit saakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Goodmorning my love" he said softly.
"Goodmorning"
"Here" saad niya at inabot saakin ang kanina pa niyang dalang rosas, inamoy ko ang rosas na kanyang inabot, napaka bago at ang sarap sa ilong, mapupula rin ang rosas na kay gandang pag masdan.
"Thankkyouusomuch, ang aga mo ata ngayon ah? anong meron?" dali dali kong tanong dahil 8 am palang naman wala rin naman okasyon.
"Gusto lang kita makita kaya pumunta ako here, tito and tita agreed naman e na mag go ako here so ayon" pag papaliwanag niya gamit ang salitang conyo kaya dahil don natawa ako ng mariin.
"E hindi pa nga ako maliligo e saka kakagising ko lang ‘no" naiirita kong sambit sakanya saka siya tinarayan.
"You're still so beautiful love, even if it's effortless" sambit niya habang titig na titig sa pag mumuka kong walang ka ayos ayos.
Magulo ang pag kaka-tali ng aking buhok samantalang ang ibang buhok naman ay wala na sapag kakatali, walang make up at walang kahit anong produkto, ang nasa aking muka ay tubig lamang.
" You're so mema" saad ko sakanya at pinahalatang naiirita ako.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kumain ka na Lia, nakapag luto naman na kami" sambit ni manang Jen saka tumalikod para bumalik sa kusina. Inaya ko naman si Lorxtton na sumunod at sumunod nga siya, pag dating sa kusina ay nakahanda na ang lahat ng kailangan ko, plato, baso, ulam, kanin, juice, tubig, at tissue.
Sinabi ko kay Lorxtton na kumain na rin siya at aakmang ipag hahanda ko na siya pero sinabi niyang busog siya dahil kakakain lang daw niya bago pumunta dito, ipag hahanda ko na sana ang saliri ko ng pagkain pero naunahan ako ni Lorxtton sabi niya siya na raw. Para talaga akong walang kamay kapag kasama ko siya, lagi niya akong pinag hahanda. Pinag masdan ko siyang ikuha ako ng kanin at ulam na mahinhin at may maamong mukha.
Ang itsura niya ngayon ay di mo aakalaing he was bad boy and bully before, dahil napaka gentle niya at napaka amo ngayon....ako ba talaga ang nakapag pabago sakaniya??
"Thanks" sambit ko sakanya matapos niya ako ihain ng makakain.
Habang kumakain ako nararamdaman kong titig na titig siya saakin, tila matutunaw ako sa sobrang titig niya, nakahalumbaba siya habang tinititigan akong kumain.
YOU ARE READING
Greatest love, Greatest?
De TodoKung hindi man itinadhana para sa isa't isa sina Lorxtton at Lhiarnna at nag kita sila sa maling oras at panahon baka sakaling sa ibang mundo sila talaga ang para sa isa't isa at mag kita na sila sa tamang oras at panahon.....