Prologue
•-•-•
Habang kumakain ako mag isa dito sa may canteen biglang na lang lumapit sakin sina Vincent at ang mga barkada niya. Kahit anong gawin ko na pag-iwas sa kanila nagawa parin nila akong bulihin.
"Yung baboy Oh ang dami nanamang biniling pagkain" tukso nito sakin, habang ako naman ay naka upo lang at naka yuko habang hawak-hawak ko yong binili kong cheese burger.“Oo nga, napaka baboy kumain.” Turan ng kasamahan ni Vince.
"ah baboy," asar naman ng nasa likuran niya. "Amin na nga yan! Hindi ka na dapat kumakain nito dahil ang taba mo na!" Ani naman nong isa sabay hablot nang burger sa kamay ko.
Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan nalang dahil baka mas lalo nila akong bulihin. Ano pa ba ang laban ko sa kanila, oo mas malaki ako sa kanila pero wala pa rin namang binatbat kung pagtulongan nila ako. Marami na rin ang mga kagaya naming mga bata ang nakikinood sa ganap dito ngayon.
"Ang taba-taba mo na nga ang pangit-pangit mo pa" Sambit naman nong nasa gilid ni Vincent. "Alam mo ba naaasiwaan kami sa mukha mo pag nakikita ka namin, kasi feeling namin nasa kulongan kami ng mga baboy na ang baho baho!” asik nong isa.
Aaminin kong nasasaktan ako sa bawat salitang binibitawan nila sakin, sa bawat pang aapi nila, pero anong magagawa ng isang pitong taong batang matabang babae na gaya ko? Bakit ba may ganong klaseng tao na pag hindi maganda sa paningin nila masasamang salita agad binibitawan hindi man lang iniisip na tao din naman kami marunong masaktan, dahil sa ginagawa nila pinapamukha nila sakin na hindi ako karapat Dapat magkaroon ng kaibigan, makapag trato kasi parang tingin nila sa mga kagaya ko isang hayop.
Akala ko tapos na sila sa pangungutya sakin pero hindi pa pala. Dahil biglang tinapon ng isang kasama ni Vincent sa lupa lahat ng pagkaing binili ko, hindi pa talaga ito na kontento pagkatapos non ay tinulak pa nila ako sa lupa at pinagtawanan, napaiyak nalang ako dahil sa ginagawa nila. Halos lahat na andlito ngayon na mga kagaya din naman na bata nakikitawa na rin.
‘Bakit kasi ang hina ko? Bakit ba hindi ko man lang sila kayang labanan para ipagtanggol ang sarili ko?’
Napaiyak na ako ng tuloyan dahil hndi ko na kaya ang pangungutya nila, at pagtatawa sakin .
"Ahhh matabang iyakin!" tukso ni Vincent sakin.“Baboy na iyakin pa!” Dugtong naman ng Kasama nito.
“Ay talunan.”
“Ang laki ng katawan talunan naman.”
Samot saring salita ang naririnig ko dito sa loob ng canteen ngayon.
"Hoyy!" Agad naman kaming napatingin sa batang sumigaw mula sa likuran nila na ngayon ay patakbong lumapit sakin at tinulongang ako sa pag tayo.
"Stay away from her!" Asik nito agad naman akong napapunas ng luha sa pisngi ko. Nakasuot din ito ng school uniform.
"Sino ka ba?! Gusto mo rin bang ma Bully gaya niya!" Ani ni Vincent, pero imbes na matakot ito wala man lang bakas sa mukha nito na natatakot. "Just stay away from her!" Madiin na sagot nito Kay Vincent.
Parang hindi ito isang bata makipag usap dahil sa subrang lamig ng boses nito na kahit anong oras kaya niya labanan ang mga bata na nambu-bully sakin ngayon.
"Aba! Sino ka naman para utosan kami ah!" Ani nong isa sabay sundot nong isang daliri niya sa balikat ng batang lalaking tumulong sakin.
Pansin ko naman ang biglang pag dilim ng awra nitong batang lalaki na tumulong sa akin ngayon.
"Don't touch me!” maarteng sabi nito.“My father is a police man, and I can tell him to put you guys on jail cause you are guys are bad and bad people should put in jail" Wika nito gamit ang English na language.
Bigla namang nagkatinginan sa isat-isa ang mga ito at tumingin sa pwesto namin na may bakas na takot sa muka saka sa isang iglap naunang nagsi takbuhan na ito halos magkadapa na dahil sa pagtakbo.
"Coward" rinig kong bulong nito bago niya ako binalingan. "Are you alright?" tanong nito, yukong Tumango naman ako bilang tugon.
"Tsk!Bakit mo ba kasi hinahayaan na apihin ka nila?" tanong nito, pero hindi ako umimik. "Come on, don't be afraid of me I won't harm you" ani nito gamit ang malambing na boses.
Pero hindi parin ako umimik, hindi lang kasi ako makapaniwala na balang araw may isang kapwa ko bata na mag tatanggol sakin.
"Don't be silent, talk to me." pangungulit nito. "Wala ka bang kaibigan?" tanong nito ulit, inangat ko naman ang ulo ko at saka dahan-dahang umiling.
Bumuntong hinga naman ito."Then let me be your friend" nakangiting sambit nito na kinalaki naman nang dalawa kong mata. "G-gusto mo akong maging kaibigan?" Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya, tumango-tango naman siya sakin.
“Yes, may magagalit ba?”
“W-wala naman, ayaw ko lang na merong madadamay dahil sakin.” nakayukong sabi ko naman.
"D-don't worry, from now own I'll protect you, and I'll be your protector forever." Nakangiting nitong saad sakin na ikinangiti ko narin.“Promise ,simula ngayon Wala nang mambu-bully sayo habang nasa tabi mo ako.” Parang malaking bata ngayon ang kaharap ko.
“What's your name pala?” tanong nito.“Tawagin mo na lang akong Ranran, ikaw anong pangalan mo?”
“Tawagin mo na lang akong popoy.” sagot nito dahilan ng pagngiti ko.
He's the first man na naki pag kaibigan sakin at nangakong p-protektahan ako hanggang dulo.
Simula nang araw na makilala ko ito ay lagi nalang ako nitong binabantayan, at laging pinagtatanggol sa mga nambubully sakin.
Hindi niya binigo yong pinangako niya sakin na p-protektahan niya ako.
Pero ang akala ko habang buhay niyang magagawa yon sakin, naipagtanggol sa mga taong ng bu-bully sakin. Hanggang sa dumating yong isang araw na hindi ko na siya nakita bigla na lang naglaho na parang bula.
Hindi ko na alam kong nasan siya, hindi na siya nagparamdam sakin. Ang huling balita ko lang ay nag transfer na ito sa ibang paaralan, pero bakit ganon kung kaibigan niya ako bakit hindi siya nag paalam sakin na lilipat na siya? At hindi man lang siya sumipot sa tagpuan namin. Pinagasa niya lang ako napaka unfair nga naman.
"Popoy, saan ka ba nag punta? Akala ko ba p-protektahan mo ako habang buhay?" Sambit ko habang nakatanaw sa papalubog na araw habang umiiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/358439994-288-k351933.jpg)
YOU ARE READING
BULLY BOYS
Teen FictionRandal Eia Nacion is a girl who is often surrounded by bullies when she was a child.When Randal Eia Nacion entered Southland University, she met the five men known as the 'Bully Boys.' She also met one of the leaders of the group. His name is Wrevio...