CHAPTER 7

11 1 0
                                    

Callie's POV

It's been a week at humupa na sa wakas ang issue. Akala ko ay magpapa-interview na talaga ako buti na lamang ay nagkaroon isang mahiwagang himala. Isa-isang nawala ang mga picture sa bawat social media platform sa hindi malamang dahilan.

Tinanong ko si Mommy Rich tungkol dun pero hindi pa daw nya napapa-delete ang mga pictures ng mangyari yon. Anyway kung sino man ang may gawa non. Isang malaking thank you.

Papasok na ako sa school ng bigla kong makasalubong si Mama.

“Papasok ka na?” tanong nito sa akin na para bang isang mapagmahal na Ina.

“Oo” walang buhay kong sagot dito tsaka napatitig dito.

Nag-aayos sya ng sarili nya. Masasabi kong maganda pa rin si Mama kahit na nasa late thirties na sya. Isang model si Mama dati na ngayon ay isang Teacher ng kindergarten. May nangyari sa nakaraan nya kung bakit kinailangan nyang umalis at malaki ang parte ko dun.

“Calixta aalis ka na?” napalingon ako sa kwarto ni Lola.

“Opo Ma” lumapit si Mama kay Lola at humalik sa pisngi nito.

“Oh ay bakit hindi mo pa isabay si Callie? Paalis na din ata yang anak mo” sabi ni Lola na ikinagulat ko.

“Ma–”

“Lola magka-iba kami ng daan ni Mama tsaka dadaanan ko pa si Jia bago pumasok sa school” pagsisinungaling ko.

Alam kong ayaw ni Mama na makasabay ako at ayaw ko din naman na makasabay sya. Masyado nang mataas ang pader na naghaharang sa aming dalawa.

Inayos ko na lahat ng gamit ko sa bag at lumapit kay Lola na naka-upo sa couch at nanunuod ng tv.

“Lola alis na po ako” humalik ako sa pisngi nito.

“Sige mag-iingat ka”

Noong isang araw pa nakalabas si Lola sa hospital. Dapat nga noong isang linggo pa pero tumaas na naman ang presyon dahil nalaman nya ang tungkol sa issue ko. Mabuti na lang at umayos na ang lagay nya.

Ihahatid ako ni Mommy Rich ngayon. Hindi pa ako pwedeng magpalakad-lakad kung saan. Kailangan kong pa ring maging maingat kasi may ilan pang tao ang hindi nakaka-move on sa issue ko.

Panay naman ang pabaon ni Mommy Rich ng mga gagawin ko kung sakaling may mga taong guguluhin ako at tanungin ng mga kung ano-anong bagay.

“Callie ang mga sinabi ko ha tandaan mo. Kapag sa tingin may kahina-hinalang tao na sumusunod sayo—”

“Mommy Rich no need to repeat everything you said. I get it. Okay?” tinanggal ko ang seat belt at binuksan ang pinto ng kotse.

“Oh sha! Mag-iingat ka junakis ha?!” sigaw nito kaya madaming mga studyante ang napapatingin sa gawi ko.

“Bye…”

Ang daming students na nakapila bago pumasok ng gate. Mukang may checking na nagaganap. Titingnan ng mga SSG Officer kung naka-uniform ka ba at naka-black shoes. Kung may id ka ba or anything na nasa rules ng school.

Over all maayos naman ang pananamit ko kaya wala silang maii-issue sa akin. Oh wait! Kung SSG Officer ang magche-checking then that means nandodoon ang Antipatikong President Nelson na yon.

Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ang Dior Perfume ko. Hindi sana sya makahinga sa sobrang bango ko. Nagre-touch din ako ng kaunti para hindi ako msgmukang-dugyot sa harapan nya.

It's finally my turn at tama nga hula ko kasama sya sa magche-check sa aming mga student.

“Naka-complete uniform ako at black shoes with I.D. kaya no issue ako”

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now