CHAPTER 6

8 1 0
                                    

Callie's POV

“CALLIE!!!!” napa-ungot na lang ako sa inis at tinakluban ng kumot ng buong katawan.

Umagang-umaga talaga si Mommy Rich napaka-ingay.

Nagpatuloy lang ako sa pagtulog ng biglang may humila ng kumot ko. Inis akong nagpagulong-gulong sa kama.

“Tumayo ka dyan!! Kailangan mong makita toh!!” hinikit ako ni Mommy Rich papunta sa may sala.

Pikit pa ako habang naglalakad at pasuray-suray. Amoy na amoy ko ang almusal namin na ham, sinangag, longganisa at hotdog. Bukas ang tv lalo na sa umaga dahil nakasanayan na ng pamilya ko na manuod ng balita sa umaga.

“At ngayon naman for Star Showbiz News. Is Callie Geneva dating a non-showbiz man? Iyan ang tanong ng karamihan…” mabilis akong napamulat ng marinig ang pangalan ko.

“PUTANGINA!!!” taka akong tumingin kay Mommy Rich na nagtataka din na nakatingin sa akin.

Pinanuod ko ng mabuti ang balita at baka fake news na naman ito na gawa-gawa ng mga walang magawa sa buhay. Lalo na ng mga naka-alitan ko.

“Kahapon lang ay kumalat ang isang picture kung saan may kasama ang SuperModel na lalaki. Madaming fans at supporter ni Callie ang nanghihingi ng statement kung totoo nga ba ang nasa picure o hindi”

Tinitigan ko ang picture na nasa tv at isang malaki at malutong na Pu– ang masasabi ko. The hell we're not even close enough para magdate. Mga tao talaga oh gawang-gawa ng storya wala namang katotohanan. Pagkatapos ng balitang iyon ay pinatay ko ang tv.

I opened my phone at kalat na kalat ang picture in any social media platform. Ang dami ding comment na puro pangba-bash buti na lang at madami akong fans na umaaway sa kanila.

“Akala ko ba may dine-date pa sya? Bakit meron na naman?”

“Malandi naman pala talaga ang loka”

“Ang daming basher ni Callie. Hindi ba pwedeng maganda lang talaga sya at madaming nagkakagusto sa kanya”

“I’m a fan of Callie and even if it's true or not. I still support her” basa ni Mommy Rich sa mga comment.

“Mommy Rich sobrang sakit na ng ulo ko. Wag mo nang dagdagan” hinilot-hilot ko ang sintido ko.

“Jusko ka Callie kung alam mo lang na sobra-sobra na ang stress ko na bata ka!! Anong gagawin natin? Hindi natin toh pwedeng ipagsa-bahala. Hindi pa nahupa ang issue mo dati tapos ito na naman? Callie alam ko naman na talented ka at maganda pa pero kapag lumabas na ang mga inggeterang tao sira ang career mo. Hindi na e-effect ang silent treatment natin na ginagawa dati sa mga ganitong issue.” naghy-hysterical na sabi ni Mommy Rich.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang kamay. “ Kumalma ka Mommy Rich. Hindi naman malala toh eh. Madami lang nakikisawsaw sa issue pero huhupa din yan. If I have to make a statement then gagawa ako” 

“Ay hala kumain ka na at pupunta muna ako sa Hospital at baka napanuod ng Lola mo ang balita. Ayaw kitang iwan pero ang Mama mo kasi may trabaho ngayon at ako ang nakatoka mag-aalaga kay Mamà” sa sinabi ni Mommy Rich ay biglang sumikdo ang puso ko tuwing maiisip si Lola na nag-aalala sa akin at nakakainis na isipin na walang pakialam ang nanay ko sa akin.

“Okay ako na ang bahala sa issue. Hindi na toh bago sa atin Mommy Rich” pangche-cheer up ko sa kanya.

“Oh sya ikaw bahala. Gagawa na din ako ng paraan para humupa ang issue” umalis si Mommy at naiwan ako.

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now