CHAPTER 8

7 1 0
                                    

Callie's POV

Aray!

Ang sakit ng katawan ko!

Hinawakan ko ang ulo ko at iminulat ang aking mga mata.

Maliwanag ang paligid at puting-puti ang kisame. Hindi ko masasabing nasa langit ako dahil napapaligiran ako ng apat na bruha.

“She’s awake?” rinig kong tanong ni Jasmine.

Inilapit ni Jia ang pagmumuka nya sa akin at sinipat-sipat kung gising na ako kahit kita naman nya na mulat na ako na mulat na ako.

“Lumapit ka pa nang masabunutan kita” lumayo kaagad sya sa akin ng marinig ang sinabi ko.

“Confirm gising na sya”

“I’ll call the doctor” sabi ni Dana sabay alis.

Umayos ako ng upo at napahawak uli't sa ulo ko ng bigla itong kumirot.

“Nasa hospital ba tayo?” tanong ko.

“No. We're in the school clinic” sagot ni Jasmine na ikinakunot ng noo ko.

“School clinic? Bakit mukang nasa hospital ako tsaka may Doctor?”

“Bi-a-tch what do you expect here in Dleis? Lahat ng estudyante dito mayayaman. Expected na magkaroon dito ng mini Hospital pero School Clinic ang tawag” Jia said.

May sense ang sinabi nya.

Dumating si Dana kasama ang Doctor. Madaming inexplain yung Doctor na hindi ko maintindihan. Isa lang ang alam ko nabagok ang ulo ko.

Thank god kasi hindi naman sya malala at pwede na akong umuwi basta huwag munang mag-ga-galaw at magpahinga na lang muna. Trip lang ata nung ulo ko na dumugo. Mabuti na lang at walang internal bleeding na naganap. Paubos na nga ang braincell ko muntik pang mawalan ng ulo.

“Okay na ako. Kayo ba?” tanong ko sa mga kaibigan ko. Hindi lang naman kasi ako ang nakipag-away kundi sila din.

“We're fine. Simpleng galos lang ang natamo namin” sagot ni Dana.

“How about yung mga babae na naka-away natin?”

“Dead.” sagot ni Jia na may galit ang mata.

“What?” gulat kong tanong.

“Suspended. Na-suspended sila” dugtong ni Mony at binatukan si Jia.

“Ouch! It's masakit ha!”

Siraulo talaga.

“Wala pang desisyon ang Principal about sa punishment natin kasi hinihintay ka nilang magising” biglang sabi naman ni Jasmine.

“Girls!” napalingon kami sa mga dumating which is si Mr. Lee–ang Principal ng Dleis– kasama si Nelson–ang SSG President ng Dleis.

“About sa punishment nyo. Dana and Jasmine will be exempted muna dahil kailangan nilang mag-ready for the Schools Annual Fair Quiz Bee’s. Kaya kayong—’

“Mr.Principal ako po kasi ang lalaban sa School Annual Fair Poster Making” putol ni Jia sa sasabihin ni Mr. Lee.

Sinungaling din itong babaeng ito. Akala ko ba puno na ang schedule nya kaya tinanggihan nya yung alok nung teacher nya. Para-paraan din para makaiwas sa punishment.

“Kung ganun Ms.Geneva at Ms.Gonzales…Yes Ms.Gonzales?” tanong ni Mr. Lee kay Mony ng bigla itong mag-taas ng kamay.

“Mr.Lee ako po kasi ang Team Leader ng Budgeting Team. Kami po yung mamamahala para sa gagastusin sa School Annual Fair” sagot ni Mony habang nakangiti na ikinakamot naman ng Principal.

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now