CHAPTER 4

6 1 0
                                    

Callie's POV

“♪Habang may buhay sayo ibibigay♪”

Medyo nakakarindi na ang Singing Club sa totoo lang. Kanina ko pa gustong umalis pero katabi naman nito ang room ng pagau-audition-an ko. After kasi ng Organization ay mga club naman ang sasalihan. Pinili ko ang dance club kasi wala lang. Trip ko lang.

May Beauty Club pero nawalan ako ng slot at kaagad napuno kaya pinili ko na ang Dance club.
Talent ko din naman ang pagsasayaw kaya ito na ang pinili ko. Ayaw ko naman sa singing at baka mabasag lahat ng bintana kapag kumanta ako at mas lalong ayaw ko sa academics club kasi baka lalo akong mabobo kaya sa Dance Club ako pumunta. May Beauty Club pero nawalan ako ng slot at kaagad napuno kaya pinili ko na ang Dance Club.

Naka-upo lang ako sa waiting area ng biglang dumaan ang magaling na Presidente ng DLeis. Tumingin ito sa gawi ko na inirapan ko naman.

Tangina nya kung akala nya nakakalimutan ko ginawa nya last Monday. Hindi. Nagkakamali sya! Anong oras kaya kami nakauwi nun kasi may bubble gum na dumikit sa tiles ng sahig kaya nahirapan kaming tanggalin yun.

“Okay…Next!” ako na ang kasunod kaya kaagad akong pumasok sa loob pero bago ako pumasok at inirapan ko uli't sya. Muka namang balewala lang sa kanya kasi poker face pa rin ang muka nya.

All the time naman.

“Hello po! So I’m Callie Geneva and I’m going to dance Super Shy by Newjeans” pakilala ko sa apat na judges sa harapan ko.

Nagsimula na akong magsayaw. Worth it din minsan ang pag-guest ko sa mga Variety Show kasi bukod sa pagmo-model ay pinapasayaw din nila ako. Muka namang satisfied ang mga Judges sa performance ko kaya pwede na.

Nagkaroon kami ng kaunting meeting bago sabihin kung sino ang mga nakapasa. May babaeng sa tingin ko ay nasa mid thirties ang pumunta sa unahan namin.

“Good day everyone! I’m Ma’am Rhea ang Head at Adviser ng Dance Club. Ang bawat club ay maraming sangay at ganun din ang dance club. Nakapaloob sa dance club ang Ballet, Contemporary dance, Hip-hop, Folk dance at Cheerdance. Most of you guys don't know kung anong kind or genre ng sayaw ang gusto nyong kunin based on our survey kaya we have different coach in different genre na pipili kung sino-sino ang mapapapunta sa team nila” paliwanang ni Ma’am Rhea.

Inuna ang ballet at nagulat ako ng biglang pumunta sa unahan si Jasmine. Yung kasali sa org namin na mukang sophisticated na babae. Sabagay bagay naman sa kanya.

“Go Jasmine!!!” sigaw ko dito at ngumiti lang ito sa akin. Ang ingay ng buong room kache-cheer sa mga students na tinatawag kasi nakapasa sa audition. Sana ako din.

Contemporary dance, Hip-hop and Folk dance is already done. Tanging Cheerdance na lang ang natitira. Medyo madami pa ang students kaya medyo nawalan ako ng pag-asa pero syempre hindi ko pinapahalata.

“We’ll have Miss Callie Geneva!” kunwari hindi ako nagulat na pumunta sa unahan. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Bagay na sanay na ako. Syempre ako na ito eh!

“Congrats!” bati sa akin ni Jasmine.

“Thank you! By the way I don't know you do Ballet!” schock na sabi ko.

“It's my another club aside from English Club. I wanted to try other things kaya I join Ballet”

“Yan tama yan. Try other things para maiba naman” we both laughed sa sinabi ko.

“Nag-chat si Jia. She said ‘Let’s all eat at the canteen. My treat!’ with heart and kiss emoji” umalis na kami at sabay na nagpunta sa canteen.

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now