CHAPTER 1

9 2 0
                                    

Callie’s POV

“Okay Callie strike a happy pose!”

“Yan…good……okay!”

I’m in a photoshoot right now in a perfume brand. My project is still on going kahit na wala na ako sa company. Most of my project kasi ay idine-deretso na talaga sa akin. Less hassle daw kasi kailangan pa nilang paki-usapan ang company para ako ang maging model pero kapag direct na sa akin….ako na talaga. Malamang wala naman akong ibang model kundi sarili ko.

“You're a really really great model Callie. I can't wait to work with you again” masayang sabi nung photographer.

“Ayy…”hinawi ko ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga “…it's an easy and simple thing for me. Ako na toh eh. Natural na sakin” tumawa naman yung photographer. Hala! Muka bang joke yung sinabi ko?

After ng photoshoot ngayon ay may photoshoot pa ako mamayang hapon para naman sa clothing line. Nasa dressing room ako ng biglang pumasok si Mommy Rich.

“Haay nako Callie…..stress na stress na ang beauty ko dito sa pinapagawa mo” napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

“Bakit Mommy Rich? What happened?”

“Di ba sabi mo tingnan ko ang email mo kasi baka may mga Company na mag-offer sayo?”

“Oo”

“Ang dami nilang nag-offer Callie pero bigla na lang binawi ang offer nung sasagutin ko na at ito ang chika anakis binayaran daw ng magulang ng tinamaan ng lintik yang si Marie yung ibang mga Company para hindi ka kunin” napahimas sa sintindo si Mommy Rich.

Sabi ko na nga ba. Hinding-hindi makikipagkaro ng patas yang nepo baby na Marie na yun. Madami akong alam na baho ng babaeng yun na kahit parents nya ay hindi alam pero saka ko na ilalabas kapag literal na kinalaban na ako. Inayos ko ang upo ko at kinuha ang suklay para suklayin ang nagulo kong buhok.

“Ano junakis? Bakit ang calm mo? May sumapi bang anghel sa katawan mo at hindi ka nagdadabog ngayon sa nalaman mo?” takang tanong ni Mommy Rich.

Ngumiti lang ako na lalong ipinagtaka ni Mommy Rich.

“Hoy kung sino ka man na nasa katawan ng junakis ko lumayas ka na! Napaka-ganda ba masyado bg junakis ko para sapian mo?! Layas!!” inalog-alog ako ni Mommy Rich na parang tanga.

“Aray naman Mommy Rich! Si Callie talaga toh tanga!!”

“Ayyy…..minura na ako….ikaw na talaga yan. Baka naman may sakit ka?” ipinatong nya ang likod ng kamay nya sa noo ko to check my temperature.

“Mommy Rich wala akong sapi at wala din akong sakit…” tinanggal ko ay kamay nya sa noo ko.

“Sabi ko kasi kay Lord na bigyan nya ako ng sign at ito na yung sign na ibinigay sa akin. Mommy Rich nagpla-plano ako na lumipat na sa  States since nandodoon naman karamihan ng projects ko at balak ko na doon na lang ako maghahanap ng company” iniisip ko pa lang na nagrurunway uli't ako sa States ay kumikinang ng pa-uli’t-ulit ang mga mata ko.

“Ayy so magba-ba-bye Philippines ka na and hello United States of America?”

“Oo”

Napa-isip ng kaunti si Mommy Rich. Since nag-start talaga ako ng model career ko ay sya na ang lagi kong kasama. Best friend sya ni Mama na dati din na model pero may nangyari kaya ako na ang sinasamahan nya as a model. I’m still a minor kaya kailangan ko sya as a guardian and a companion and as a parent.

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now