CHAPTER 9

3 0 0
                                    

N/A Note:
No edit.
Expect the wrong typo and grammar.
☁️💙☁️





Callie's POV

Days past.

Hindi na muna ako pumasok sa school after the incident. Total tatlong araw lang naman ang pasok ko sa isang linggo. Busy din ang lahat gawa ng Schools Annual Fair kaya ang ibang subjects namin ay ginawa ng online which is sobrang pabor sa akin.

Medyo maayos na din ang ulo ko at tuyo na din ang sugat ko with no scar. Salamat sa gamot na binigay ni Nelson pero feeling ko may side effects yun kasi ang bilis mag-init ng ulo ko lalo na sa babaeng kasama ko ngayon.

“OMG! Look at them! Bagay na bagay sila di ba?! Hindi ako maka-move on!”

Sinamaan ko ng tingin ang babaeng kanina pa nagpapa-init ng ulo ko. Ang tagal na simula nung mangyari ang incident at ang pag-buhat sa akin ni Nelson pero hanggang ngayon ako pa rin and topic ng mga bruha.

Hawak nito ang cellphone at ipinagkikiskisan sa camera ng laptop nya. Nagvi-video call kasi sila. Hindi naman ako nakasali kanina kasi may meeting ako for the brand.

“Aaaaaaaaahhhhh!!” napahawak ako sa tainga ko dahil sa tilian nila.

Akala ko nadelete ko na lahat ng mga picture namin ni Nelson pero mautak ang bruha at isinave sa isa pa nyang cellphone ang picture. Mabuti na lang at walang issue na lumabas about sa amin ni Nelson. Bantay sarado din kasi ang security ng Dleis at sobrang busy ng mga tao. Kaya din siguro ang lakas ng loob ng lalaking yun na buhatin ako.

“What if may feelings pala talaga si Callie kay Nelson? Or si Nelson kay Callie?” tanong ni Jia na nagpakunot ng noo ko.

Ako magkakagusto sa antipatikong yun?! Never!

“Pwede! Pwede!” rinig kong sagot ni Mony sa kabilang linya.

Bago pa magsalita si Jia ay mabilis akong pumunta sa pwesto nito at isinara ko ang laptop. Gulat syang tumingin sa akin na parang trinaydor ko sya.

“How could you?! Ang bastos ha naguusap pa kami!” inirapan ko lang sya bilang sagot at bumalik sa ginagawa.

Gumagawa ako ng infographic for Disaster Readiness and Risk Reduction or D.R.R.R subject as a STEM student. Tapos ko na actually na gawin. Nilalagyan ko na lang ng design para hindi mag-mukang plain yung gawa ko.

“Jia can you order some food?! I’m hungry!!” sigaw ko kay Jia.

“Okay!”

Tumayo ako at pumunta sa kuwarto kung saan ako natutulog. Malaki at kunpleto itong condominium ni Jia. May banyo, wash area, kusina, living room and three bedrooms pero ginawa nyang library and working area yung isang kuwarto pero may couch na nagiging bed samantalang yung isa ay ginawa nyang walk in closet.

Dumeretso ako ng higa sa kama ni Jia at ipinikit ko ang mga mata ko na medyo sumasakit na kasi kanina pa akong umaga nakatitig sa Ipad at Laptop dahil sa meeting at sa paggawa infographic.

And yes, sa kuwarto ako ni Jia natutulog kasi mostly ginagawa nya ang school work and work sa gabi kaya sa may working area and library sya natutulog. Mas inuuna din muna kasi ng babaeng yun ang pagliliwaliw kaysa gawin muna ang mga gagawain nya.

Tsk! Tsk!

Dingdong*Dingdong*

“Jia! Andyan na ata yung pagkain!” sigaw ko dito habang nakapikit.

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Ini-expect ko na si Jia ang pumasok pero bakit ang tahimik nya ata?

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang muka ng isang antipatikong lalaki.

Stringed Hearts (TAHANAN SERIES #1)Where stories live. Discover now