School
Khyssa
Today is my first day of school and though hindi ko magiging classmates ang mga kaibigan ko ay alam kong may magiging mga bagong kaibigan naman ako doon at mas matino pa sa kanila pero hindi ko rin maiiwasan na mangulila sakanila.
I'm now wearing my school uniform na ipinadala ng university sa bahay namin noong isang araw. Ipinadala ito ng isang delivery guy saamin noong isang araw at maaga rin akong naghanda dahil excited din ako sa bagong journey ko do'n sa university.
Pagkababa ko ay tumambad saakin sila manang Fel‚ ate Suzy, ate Beth na mga kachika ko rito minsan sa bahay kapag bored ako at ibang mga guards na nagkakape.
"Good morning ija‚ ang aga mo atang gumising ngayon?" tanong ni manang Fel saakin habang nagluluto ng agahan.
"Naku manang ngayon yung first day of school niyan‚ chance na nitong si Khyssa na mag ka boyfriend." hirit ni ate Beth.
"Hindi po boyfriend ang pakay ko doon‚ pag-aaral po." sagot ko at dahan dahang umiling.
"Tama 'yan ija wag mong pansinin itong si Beth wala kasing boyfriend yan kaya ganyan," biro ni manang Fel na ikinatawa ko at ni ate Susan.
"Grabe ka naman manang Fel porque ikaw may asawa na."
"At least si manang fel may asawa eh ikaw beth wala ka ngang boyfriend." two versus one ba naman talong talo si ate Beth nito.
"Khyssa tulong, dalawa laban sa isa 'to talo ako."
"Totoo naman po kasi," dahil sa sinabi ko ay napatawa yung dalawang nambubully sakaniya.
"Grabe kayo sakin ha inaapi niyo ako. Pag ako talaga nag ka boyfriend."
"Aba beh never 'yan mangyayari." hirit ni ate Suzy
"Che!" bumalik na sa pag hihiwa si ate Beth at tinanggap na natalo na siya ng dalawa at napatawa nalang din kaming tatlo at ibang mga guard dito.
I took the fresh milk from the fridge and oreos to eat while sitting and looking at the main staircase of the living room where my parents were coming down. I approached both of them and greeted them good morning and kissed them on the cheek like I always do every morning.
"Good morning anak‚ excited kana sa first day mo?" tanong ni Dad.
"Yes dad‚ super po!"
"Let's eat na para makakain na ta'yo." sabi ni mom.
"Nga pala anak‚ hindi kita maihahatid ngayon kase may mga paperwork's akong gagawin sa office. Si tita Khyzél mo muna ang maghahatid sa'yo sa school."
Tumango nalang ako dahil medyo nalungkot ako dahil hindi si Dad ang maghahatid saakin sa first day of school ko pero okay lang. I understand naman dahil busy talagang tao si dad dahil malaking kompanya ang ipinatatakbo nito at may iba pa siyang mga negosyo na kailangang asikasuhin pati si mom ay busy din sa flower shop niya lalo na't marami siyang costumer. Sanay naman na ako pero hindi kase ako sanay na hindi sila ang mag hahatid saakin sa first day of school ko.
"Nak don't be upset ha? babawi kami ni Daddy mo sa susunod." napansin siguro ni mom ang pagbubusangot ng mukha ko.
Sasagot pa sana ako ng may biglang sumigaw sa may front door na ikinagulat ng mga tao dito sa loob pati sila manang Fel ay nagulat din sa pagsigaw nito at mukhang alam ko na kung sino 'to.
"PAMANGKINSSS!! ATEEE!!" pagkalingon ko ay tama nga ang hinala ko. Si tita Khyzél iyon. Si Tita Khyzél ang aga aga pa full charge nanaman yung battery niya napaka energetic nanaman. Nakailang gatorade kaya siya sa isang araw?
![](https://img.wattpad.com/cover/366976619-288-k682865.jpg)
YOU ARE READING
The Gap Between Us
De TodoKhyssa Solane Karssev - a famous, gorgeous, the future heir of the Karssev's and a first year college from Vurtizé University; who just want to meet her childhood friend again but she didn't know that wanting to reunite with her childhood friend wil...