Chapter 14

0 0 0
                                    

May nakita akong matanda na nalilimos
May 100 pa naman ako kaya Ibinigay ko ang 50 dito
Nagulat ako nang bigla itong tumingin saakin
tumayo ang mga balahibo ko dahil she's the old woman that I met before
"Long time no see iha" wika nito nanatili akong tahimik hindi ko alam kong bakit
"Kamusta kana iha?" tanong nito
"Ayos lang naman po" sagot ko
"Nakikita mo parin ba siya sa panaginip mo?" tanong niya
"Hindi po, ano pong dahilan?"
"Isa sainyo ang nag kakagusto na sa iba" sagot nito
Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya
What if nag kakagusto na ako kay Drake?
Naging mas close kasi kami kaysa kay Jacob
"Ano pong mangyayari?" tanong ko
"Hindi mo na siya makikita sa iyong panaginip, ngunit kung kayo talaga ang itinadhana, magtatagpo ulit kayo balang araw. Marami ka munang pag dadaanan gaya ng sabi ko sayo, maging matatag kalang. Maaaring magkagusto ka sa iba ngunit hahanap hanapin parin ng puso mo ang tunay mong minamahal, alam ng puso mo kung sino ang tunay mong mahal" wika nito
Inisip ko lahat ng sinabi niya masyado akong naguguluhan ngunit pumasok kaagad sa isip ko si Jacob, ewan ko diko na alam
"Ma una napo ako" wika ko
"Ingat ka iha" sagot naman nito

Nag patuloy na ako sa paglalakad dahil diko na alam anong gagawin ko
"Paano na 'to" bulong ko sa sarili
Habang nag lalakad ako ay nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na pala si Drake "Ambilis mo naman mag lakad" wika ko "Asan na pala si Marjorie at Jacob?" dagdag kopa
"Uhmm cleaners sila e, matatagalan pa yun" sagot nito
"Halika na" wika nito
'Diko alam kong pano ko to magugustuhan 'tong lalaking to e hindi nga ako kumportable kapag kasama siya?

"Tayne" wika niya kaya napalingon ako sakanya
nag tama ang mga mata namin ngunit hindi ako nag iwas ng tingin
Hindi ako kinakabahan gaya ng pagkakaba ko kapag kasama ko si Jacob
"M-may sasabihin ako sayo" utal utal niyang sabi
"Ano iyon?" tanong ko
"G-gusto kita" wika nito
"May iba na akong gusto" sagot ko naman
"I-I know but it's ok, but I'll fight for you" sagot nito
Huminga ako ng malalim
"There is so many girl" wika ko
"But you're different, you are the first person that understand me, always there for me" seryosong sabi niya
"I'm sorry, but I wouldn’t choose you. Stop wasting your time."
"It's ok"

After what happened, wala namang nag bago sa'min ni Drake
Nag lalakad nanaman ulit ako mag isa
ewan gusto ko palaging mapag isa eh
Nakita ko si Drake na may kahalikang babae
ew naman I can't imagine we’re just 14 years old but this boy kissing a girl
Paano natitiis ng babae iyon hays ’di ako nag kamali play boy nga siya
Bibili sana ako ng milktea kaso wag na pala

Pagka-uwi ko sa bahay ay nandoon na si nanay
"Nay, nandito napo ako" wika ko
"Nay, bukas ia-anounce na yung mga kasama sa with honors" dagdag kopa
"Sure ako kasama ka sa with honor Nak" wika nito
"Ayoko pong mag assume nay"
"Sus ikaw pa, sigurado akong kasama ka" wika ni nanay
"Sana ngapo" wika ko

Kumain kami ni nanay at natulog na

Time check: 9:50 am
Hays hindi pala ako nakapag alarm

Pagkatapos kong mag ayos ay pumunta na kami ni Marjorie sa school kasama si Jacob

Umupo na kami sa upuan namin magkakatabi parin kami
Tumayo kami nang dumating na ang aming teacher
Bumati kami sa teacher namin at nag dasal
Umupo na kami

"Okay class" panimula ng aming guro
"Bukas, sabado ay kuhaan ng mga card niyo. I will announce right now kung sino ang mga kasama sa with highest honor, with high honor at with honor" saad ng aming guro
"Yung mga kasama sa honors ay kailangang pumunta dito sa school para ma-ibigay ang awards at medals" dagdag pa nito

"Sure ako kasama ka sa with honors" wika ni Jacob
"Hmm sana nga, sana ikaw din at si Marjorie" sagot ko naman dito at nginitian lamang ako

"So, ang mga kasama sa With Highest Honor ay si Tayne Ashie Francisco at Jacob Ryle Zamora" wika ng aming guro na ikinatuwa ko "I told you, congrats" wika ni Jacob
"Congrats din, I'm so proud of you" wika ko
"Ang ganda mo" namumula nanaman ako
Nag palakpakan naman ang mga kaklase ko

With high honors sina Betty at Drake

Na pinalakpakan naman namin.

Wonderland Where stories live. Discover now