Chapter 18

0 0 0
                                    

Tumingin si Jacob sa kanyang orasan at sumagot  "3:40pm"
"Uwi na tayo" masayang sabi ni Marjorie

Kaming tatlo ni Jacob at Marjorie ay magkasabay, si Betty naman ay sumakay nalang pauwi
Naglakad lang kami pauwi dahil malapit lang naman

Nang makarating na si Marjorie sa tapat nang kanyang bahay ay nagpaalam na siya

"Byeee bes, thankyou sa pagsama, bye din Jacob!"
pagpapaalam niya
"Bye!" sigaw ko naman sakanya

"Halika na" wika ko at hinila ang kamay niya
"Ashie, pwedeng ihatid na kita?" tanong niya saakin
Ngumoso ako at tumango

Hinatid niya ako pauwi saamin at ayon parang ambilis lang nang mga pangyayari
"Bye, Ingat ka!" wika ko
"Bye, see you" sagot naman nito

Pagkapasok ko sa bahay nagbihis na ako at umupo sa sofa
Napaisip ako na bukas pala ay Lunes na magta-trabaho nanaman kami ni Nanay
Wait
Hindi ko na nakikita si Drake, asan na kaya yung babaerong yun
Kinuha ko ang cellphone ko at inis-stalk ko siya
OMAYYYGHOSSTT
Lumipat na pala sila sa Tagaytay
Sana wag na silang bumalik char

Nagugutom ako kaya kumain ako ng kanin may chicken curry pa kaya yun nalang ang inulam ko

Time check: 4:29pm

Pumunta ako sa kwarto ko at naisipan ko muling gumawa nang tula
"Oh sinta, ikaw ang laman ng paksa,
sa aking mga tula
Ako'y sumasaya kapag ikaw ang kasama,

Sana ay ikaw rin ay sumasaya kapag ako ay iyong kasama,
Alam kong alam mo,
ang nadarama ko para sayo

Huwag mag tataka kung ayaw na kitang mawala,
Hanggang sa dulo, ikaw ang gugustohin ko."

Medyo corny pero okay na yan
Inilagay ko ulit ito sa bond paper at inilagay ko rin ito kung saan naroon ang isa pang tula na aking

Naamoy ko ang niluluto ni nanay
Amoy ginataang sitaw na may kalabasa
"Nak! kain na!" sigaw ni mama kaya agad akong pumunta sa kusina para kumain
"Ang bango nay" wika ko na ikinatuwa nito

Kumain na kami ni nanay at pagkatapos nun ay natulog na kami

Bago ako matulog ay inisip ko na sana ay makita ko si Jacob
"Ang paborito kong puno, ngayon ko lang ulit ito na kita" sabi ko sa sarili
"Sayang wala ka" dagdag kopa
"I'm here!" sigaw nang isang pamilyar na boses
Jacob?
Pumunta siya kong saan ako nakatayo
Umupo kami sa malaking ugat ng puno at sumandal doon
"Antagal na nating hindi nag kita sa panaginip ah" malungkot kong sabi at yumoko
"Ngayon ko lang kasi ulit naisipan na bisitahin ka sa panaginip e sorry" paghihingi niya naman ng tawad
"Ikaw lang ba pwede bumisita sa panaginip ko?" mahinahon kong pagtatanong
"Oo siguro, ewan" sagot niya naman
tumango nalang ako at pumikit
Ang daya naman

"Punta tayo dun" turo niya doon sa may dagat
"Tara" sagot ko naman
Kinuha niya ang aking kamay at pumunta papunta doon
Umupo kami sa may dalampasigan at pinanood
ang sunset
Nakatulog pala kami doon
Minulat ko ang aking mga mata akala ko ay nagising na ako saaking panaginip ngunit nandirito parin ako
"R-ryle, asan ka?" tanong ko sa hangin
"Bakit hindi pa ako nagigising?" muli kong tanong
Anong nangyayari
wala akong magawa kong hindi ay pumunta sa mga lugar na nais kong puntahan, maybe I'm stuck?

"Ashie" wika ng isang pamilyar na boses
"R-ryle anong nangyayari?" pagtatanong ko
"I think we're stuck in this lucid dream" sagot niya naman
"Hintayin nalang natin na magising tayo" opinyon niya
"Paano kung hindi na tayo magising" tugon ko naman
"Edi, patay na tayo" sagot niya kaya siya ay aking hinampas "Aray, joke lang naman e" pagrereklamo niya
Nagawa pa mag biro ng loko
"Actually I've experienced this before, kaya I know magigising pa tayo. Maybe three days or kaya naman ay hapon or gabi na" wika nito kaya huminahon nalang ako

"Upo muna tayo doon sa may cherry blossom" wika niya
Umupo kami doon sa may cherry blossom
"May I sing a song for you?" mahinahon niyang tanong
"Hmm yes" sagot ko
ngayon ko lang napansin na may hawak siyang gitara
wala naman siyang hawak kanina ah?
hays ewan
"Watch the sun rise along the coast
As we're both getting old"

Tumigil siya kaya kumunot ang noo ko "Ang cute at ang ganda mo" he chuckled. Nagiging kamatis nanaman ako oh

OMYGOSHHH HIS VOICE!!!
ang ganda nang kaniyang boses
habang kumakanta siya ay nakatingin siya sa aking mata
ako naman ay seryosong nakikinig sa kanyang boses.

Wonderland Where stories live. Discover now