Chapter 9

0 0 0
                                    

"Nandito na ako sa paborito kong puno, pero nasan na siya?" tanong ko sa sarili at umupo sa may puno.
Hinihintay ko parin siya hanggang ngayon
"Hinihintay mo ba ako?" huminga ako ng malalim nang narinig ko ang kanya ng boses

"Bat antagal mo?, a-ayaw mo ba akong makita?" pagtatanong ko sakanya
"Hinihintay mo nga ako. Ahmm kakatulog ko lang e" sagot nito
"Grabe ka, 2am na oh" wika ko na nag-aalala
"Wala naman kasing pasok e, wait nag aalala kaba?"

I snorted. "Slight" wika ko na
Bahagya itong natawa, siraulo pala ’to eh.

"Ang ganda mo hehe. Sorry ah hindi na mauulit, maaga na ako laging matutulog, gusto mo kasi ako palaging makita" wika nito kaya
Bintukan ko ito at hindi pinahalatang namumula ako
"Sakit ah" pagrereklamo niya
"Eh, kaya mo bang panindigan?" tanong ko
"Ewan, pero susubukan ko for you" sagot nito ng mahinahon

Ang corny namin, lord ano ba ’to

Nakaupo parin kami hanggang ngayon sa puno
sumandal ako sa balikat niya at hindi naman siya gumalaw. Akala ko ba may gusto ka na!?

Paasa ata ’tong lalaking ’to

"Tayne" mahinahon niyang sabi
"Hmm?" tanong ko
"What if I told you I like you?"
"What if I told that I like you too?"
"Edi we like each other" sagot nito at tumawa kaming pareho

"Siraulo, pero sana after many years we like each other parin" wika ko
"Pangako, ikaw lang ang gugustohin ko, hihintayin kita kahit gaano pa katagal" wika nito
"Maniniwala lang ako kapag natupad mona yang pangako mo" wika ko
"Susubukan ko, pero lahat ng pinapangako ko ay tinutupad ko e" pagmamayabang niya
"Edi wow" singhal kong sagot sakanya

"Paano kong magkagusto ako sa iba?" tanong ko sakanya
"Hihintayin parin kita, hanggang hindi pa kayo kasal, may pag asa pa ako" sagot nito
"Eh paano kung ikaw yung magkagusto sa iba? paano na 'ko?" dagdag kopa
"Hindi mangyayari yun" sagot niya
"Aasahan ko yan" wika ko
"Yes" sagot niya

I don’t believe in promises but I’m still hoping

"Nak gising na!" sigaw ni nanay kaya nagising ako
Nubayan si nanay ang aga pa naman e
"Mag ayos kana 7:00am na! Ang bagal mo pa naman kumilos" sigaw niya ulit

Luh...

Lumabas ako sa kwarto ko at umupo sa sa upuan kaharap ko ngayon ang paborito kong chicken curry
"Ang bango" bulong ko sa sarili
"Nay ang aga pa naman po e" wika ko
"Ang bagal mo kayang kumilos Nak" wika nito
"Ay sorry po" wika ko at tumawa
"Kumain kana nga at maligo kana" wika niya
"Opo" magalang kong sagot

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag bihis ng white t-shirt at pantalon

Umalis na kami ni nanay sa bahay at pumunta na sa bakery
Pagkarating namin sa bakery ay inayos na namin ang mga dapat ayusin

Inayos na namin ang tables at upuan sa labas ng bakery para sa mga customers

Nag-bake narin kami ng mga ipapaninda at nag timpla na ng mga juice.

We also clean the tables and chairs at nag-walis narin ako para maayos tingnan.

Wonderland Where stories live. Discover now