Chapter 26

0 0 0
                                    

April 10
Time check: 6:02am
I grabbed my phone and open my messenger

On chat
Me: anong oras kami pupunta diyan

Ryle: Punta nalang me sainyo hehe

Iniisip ko parin talaga ano yung nasa panaginip ko. I think it’s a bad sign. Lord I'm scared

Natulog nalang ulit ako at pag gising ko ay 10am na

Bumangon ako at tanghalian nalang ang kinain

’di pa siguro sila kumakain

Umupo ang dalawa at kumain din

"Nak anong oras pala tayo pupunta?" Tanong ni nanay "Pupunta nalang daw po si Jacob dito nay" magalang ko namang sagot

"Tay sasama kapo?" Tanong ko kay tatay "Syempre naman" sagot nito at ngumiti

It's already 3:50pm nang biglang may nag doorbell

Si Jacob na siguro ’yun

Nakapag ayos na kami kanina pa kaya aalis nalang

"Nay, Tay nandiyan napo si Jacob! Bilis napo!" Pagtawag ko sakanila

Lumabas ako para papasukin muna si Jacob sa loob

God, he’s so handsome, ang bango. He’s wearing a brown sweater and a khaki pants

While I was wearing a yellow dress hanggang tuhod ko ito at parang jacket narin. May shoulder bag din ako at doon nakalagay ay regalong ibibigay ko dito.

"Pogi ko ’no" nabalik ako sa reyalidad nang sabihin niya yon dahil kanina pa pala ako nakatulala sakanya

"Oo na" I uttered "Na pogi ako?" Intresadong tanong nito "Na panget ka" pang-aasar ko na ikinatampo niya

"Tara na!" Sigaw ni nanay

"Ashie" bulong niya saakin

"Ano nanaman?" Iritang patanong ko kay Jacob "Ganda mo palagi" namula ako nang sinabi niya iyon, palagi niya namang sinasabi ’yon pero kinikilig parin ako

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila, woah ang ganda

"Uy bes nauna ka na pala" sabi ko nang makita si Marjorie nginitian ako nito at lumapit saakin "Di kasi ako mabagal kumilos" pabulong nitong asar saakin kaya kinurot ko siya sa braso

"Tara na sa loob" pag-aya saamin ni Jacob.

Pumasok na kami sa loob at nagulat akong magkakilala pala ang mga parents namin. They were friends pala since they were teenager.

Umupo na kami sa medyo malaking mesa at sakto lang kami doon

"Mom, Dad, My girlfriend, siya po yung kinu-kwento kopo sainyo palagi" Ngumiti naman ako sa mama niya nang ngitian din ako nito

"Oo wala yan ibang bukambibig kundi pangalan mo, nagtatanong pa yan kung paano manligaw" Kwento naman ng ate niya sa kabilang linya

"Ate Angel naman e" Inis at nahihiyang sabi ni Jacob

Damn... He's cute

I mean ang cute nilang magkapatid

"Nice to meet you Hija, bagay nga talaga kayo ng anak ko" sabi ni tita at ngumiti saakin

Tumayo si tita at kinuha ang cake at nagsimulang kumanta ng happy birthday

Sumabay rin kami sa pagkanta

Masayang masaya narin ako na makita siyang masaya.

Nang kinuha niya naman ang camera niya para mag picture ay kinunan ako nito ng stolen shot.

Pinakita niya naman ito saakin at pakiramdam ko ang ganda ko sa litrato kong iyon.

"Ang ganda ko diyan ah" sabi ko sabay tawa

"Sus palagi ka namang maganda" sagot nito na ikinatuwa ko naman

"May bibigay pala ako sa’yo" wika ko at hinila siya palabas sa kanilang bahay. Yung mga parents namin ay busy kaka-kwentuhan.

Kinuha ko ang willow tree na umiilaw at ang bondpaper kung saan naroon ang tula na aking ginawa.

Ini-abot ko 'yon sakanya at halata na ito’y nasiyahan sa aking binigay. "Salamat" he uttered and abruptly hugged me. "This the best birthday in my life"

Binasa ko sakanya ang tula at seryoso itong nakinig saakin at niyakap akong muli.

Wonderland Where stories live. Discover now