Chapter 29

7.5K 292 76
                                    

"Primo?" Zero asked in surprise seeing Primo.

"What the fuck are you doing here?" Asik na tanong ni Primo dito.

Wala talagang pasensya itong taong 'to! Si Phantom din alam niyang wala rin itong pasensya!

Tumayo na siya bago magkagulo. Umalis siya sa pwesto at pinuntahan si Prime. Kinarga niya ito at inamoy.

"I miss my baby! Ang bango-bango! Amoy mayaman!" Pinanggigilan biya ang anak.

Primo supported Prime's weight. Akala nga niya kukunin nito ang bata pero hindi naman sila pinaghiwalay. Sinusuportahan lang nito ang bigat ni Prime.

"He's heavy. Don't lift heavy things."

Ha? Sanay naman siya, 'no! Si Primo, nag-confess lang ang OA na.

"Kaya ko naman."

"Still. Baka mapagod ka."

Ang OA! Ang OA-OA! Sobrang OA! Sa sobrang OA nito kinilig ang kepay niya.

"I didn't know you had a family already. I'm your friend yet you didn't tell me." Pagtatampo ni Zero.

Napatikwas siya ng kilay. May pabebeng side pala ito? She thought he was just pure ruthless. Their first interaction wasn't good. Well, she was Eris back then.

"What are you doing here?" Balik na tanong ni Primo. Mabuti naman at wala na ang ' the fuck'.

"Nagtitinda? I'm helping, Talya. Mukha kasi siyang pagod."

Marahas na bumaling ng tingin si Primo sa kanya. Oo nga naman, nag-promise siya na hindi siya magpapagod. Hindi naman! OA din ang Zero na 'to, hindi lang siya bibo inakusahan na agad siya nito na pagod.

"Mama, sabi mo hindi ka magpapagod." Prime pouted.

Umiling siya sa anak.

"Hindi, ah. Nakaupo lang ako, kung ano-ano na agad iniisip ni Zero."

"Damn. The kid looks a lot like you!" Bulaslas ni Zero ng matitigan si Prime.

"Mag-ama kami, eh." Prime answered.

Bakit ba ang init ng ulo nito kay Zero? Si Prime bibo siya tuwing may bagong mukha. Bad mood siguro.

Hindi niya alam kung saan na sila pupwesto. Si Zero ay nagmumukhang tindero na tapos sila na ang costumer.

"Primo, dalhin mo muna si Prime sa karinderya para kumain ng halo-halo. Uubusin lang namin ang paninda." Sabi niya sabay abot si Prime kay Primo.

Sabay na napasimangot ang mag-ama. Hindi niya alam sino unang susuyuin. Siyempre si Prime! Pero ang mukha ni Primo, kaunti na lang magdadabog na.

"At maiiwan kayong dalawa?" Primo asked sarcastically. Hindi talaga sinubukan itago ang inis at disgusto kay Zero.

"Alangan, Valentino. Sino bang nagtitinda dito?" Zero asked.

Something smells fishy. Natural kasi nasa isdaan sila.

"Naghahamon ka ba ng suntukan, Phantom?" Primo asked dangerously.

"Primo!" Sita niya dito. Hindi na nahiya sa anak!

"Away-pangit! Away-pangit! Away-pangit!" Prime chanted.

She sighed heavily and got Prime from Primo.

"Kayong dalawa ang magtinda, ililibang ko lang si Prime." Sabi niya at hinila na si Prime palayo.

"Natalie!" Primo protest.

Aba, gusto pa nitong iwanan si Zero.

"Talya!" Zero protest, too. Ayaw magpaiwan kasama si Primo.

Fuck Romance: Primo Benjamin ValentinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon