CHAPTER 1

37 23 0
                                    

Lunes ng umaga, abala ang lahat sa bagong opisina ng L&H Corporation. Isa ako sa mga bagong empleyado na pumasok sa kompanyang ito. Ako si Bea, 25 years old fresh graduate sa kursong Business Administration.

Halos hindi ako makapaniwala na nakapasok ako sa isang Big time na Company  sa bansa. Bihira lang ang mga nakakapasok didto at naka pagtrabaho dahil sa hindi basta basta ang companya na ito.Naka pa swerte ko dahil isa ako sa mga na tanggap didto.

Nang pumasok ako sa lobby, bumungad agad ang modernong disenyo ng building. Ang lahat ng tao ay nakasuot ng pormal at mukhang abala sa kani-kanilang trabaho. Pakiramdam ko’y kaunti na lang at malulunod ako sa kaba.

"Miss Bea Mendoza?" tawag ng receptionist.

"Yes, it's me," sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili.

"Follow me, please," sabi niya at agad akong sinamahan papunta sa aking desk. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapansin ang mga makikintab na sahig at malalaking glass windows na nagbibigay liwanag sa buong opisina.

Pagdating namin sa aking desk, agad kong inayos ang aking mga gamit. Naghanda na rin ako ng ilang notes at mga folder na maaaring kakailanganin ko sa buong araw.

"Good morning, Miss Bea," bati ng aking supervisor na si Ms. Santos. "Excited ka na bang makilala ang bago mong boss?"

"Yes, Ms. Santos. Medyo kinakabahan lang po," sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Mabait naman si Mr. Lucas, kahit medyo strict siya sa trabaho," paliwanag ni Ms. Santos. "Sige, maghanda ka na dahil dadating na siya anumang oras."

Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang bumukas ang elevator at lumabas ang isang matangkad at guwapong lalaki. Siya si Mr. Lucas Villaruel, ang aking bagong boss. May aura siyang nakakatakot ngunit nakakahumaling. Nakasuot siya ng itim na suit at mukhang seryoso habang naglalakad patungo sa kanyang opisina.

"Good morning, everyone," bati niya na habang seryuso ang kanyang mukha.

"Good morning, sir!" sabay-sabay na tugon ng mga empleyado.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay. "You must be Bea Mendoza. Welcome to L&H Corporation."

"Yes, sir. Thank you," sagot ko habang inabot ang kanyang kamay.

"Let's get straight to work. Follow me to my office," sabi niya at agad akong sumunod.

Sa loob ng kanyang opisina, ipinakita niya sa akin ang ilang mga dokumento na kailangan kong pag-aralan. Halos hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng trabaho. Ngunit kahit pagod, masaya ako dahil natututo ako ng maraming bagay.

Habang abala ako sa pagtatrabaho, napansin ko si Mr. Lucas na tahimik na nagmamasid sa akin. Bigla siyang lumapit at tinignan ang aking ginagawa. "You're doing great, Bea. Keep it up," sabi niya na may bahagyang ngiti.

"Thank you, sir," sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili.

Bago matapos ang araw, tinawag niya ako sa kanyang opisina. "Bea, I know this is your first day, but I can see potential in you. Keep working hard and you'll go far in this company."

"Thank you, sir. I will do my best," sagot ko na may ngiti sa labi.

Pag-uwi ko ng bahay, hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang mga nangyari sa buong araw. Sa kabila ng kaba at pagod, masaya ako dahil alam kong nagsisimula na ang aking bagong kabanata sa buhay. At kahit medyo mahigpit si Mr. Lucas, alam kong marami akong matututunan sa kanya.

My Sassy Boss Where stories live. Discover now