LUCAS POV
Lunes ng umaga, pumasok ako sa opisina nang mas maaga kaysa sa dati. May bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Ilang araw na akong abala sa trabaho, ngunit ang totoo, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. Hindi ko maiwasang isipin si Bea.
Noong weekend, nagkataon na nakita ko ang mga larawan niya sa Tagaytay. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ganun kasaya. Iba ang ngiti niya, parang walang iniintindi. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba akong nararamdaman. Matagal na kaming magkatrabaho, at lagi ko siyang nakikita bilang masipag at seryosong tao. Pero itong si Bea sa mga litrato, ibang-iba—napaka-relaxed at masayahin. Hindi ko maiwasang mag-isip: Sino kaya ang kasama niya? Ano kaya ang pinag-uusapan nila? At higit sa lahat, bakit ako interesado?
Pagdating ko sa opisina, diretso ako sa aking desk at sinimulan ang araw na parang normal lang. Subalit habang inaayos ko ang mga dokumento para sa meeting namin mamaya, hindi ko mapigilang mag-alala. Ano kaya ang sasabihin ni Bea tungkol sa Tagaytay? Dapat ko bang itanong kung sino ang kasama niya?
Maya-maya, pumasok si Bea sa opisina. Laging kalmado at maayos ang kilos niya, ngunit ngayon ay parang may dagdag na kislap sa kanyang mga mata. Agad siyang nakipag-usap kay Jake, at nakita ko kung paano siya ngumiti nang ibigay ni Jake ang isang tasa ng kape. Nagkuwentuhan pa sila bago siya naupo sa desk niya.
Sinubukan kong balewalain ang nararamdaman ko. Marahil, bahagi ito ng pag-aalala ko sa proyekto namin. Ngunit habang lumilipas ang oras, lalo lang tumindi ang pakiramdam na hindi ito simpleng professional concern.
Pagkatapos ng ilang oras, nag-email ako kay Bea para mag-set ng meeting mamayang hapon. Kailangan kong linawin sa sarili ko ang mga iniisip ko. Sa meeting, tungkol ba ito sa trabaho? O may iba pa akong nais iparating?
Flashback...
Habang nag-i-scroll ako sa Instagram, aksidente kong nakita ang mga larawan ni Bea na ipinost niya mula sa Tagaytay. Kitang-kita sa mga larawan kung gaano siya kasaya at nag-e-enjoy sa bawat sandali. Ang mga ngiti niya, ang kanyang mga mata—grabe, talagang nakakaakit.
Pagdating ng hapon, kumatok si Bea sa pinto ng opisina ko. Pinapasok ko siya, at sinubukan kong maging kalmado habang nag-uusap kami tungkol sa mga updates ng proyekto. Ngunit habang sinasabi niya ang mga progress, tila naglalayag ang isip ko—iniisip ang mga ngiti niya, ang boses niyang malumanay ngunit may kumpiyansa.
Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, bigla kong nabanggit ang nakita kong post niya sa social media.
"I saw your pictures posted on Insta, and it looks like you had a great time in Tagaytay," sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Nagulat siya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi, pero nakita kong nag-blush siya nang kaunti.
"Ah, oo, Sir. Sobrang saya po talaga. It was a much-needed break," sagot niya.
Pinilit kong ibalik ang usapan sa proyekto, pero hirap akong itago ang mga nararamdaman ko. Hindi ito tama, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang lumalalim ang atensyon ko kay Bea.
Pagkatapos ng meeting, bumalik si Bea sa desk niya at ako naman ay nanatiling nag-iisip. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may bumabagabag sa akin tungkol kay Jake. Ano kaya ang napag-usapan nila kanina? At bakit parang iba ang nararamdaman ko tuwing magkasama sila?
Hanggang sa dumating ang gabi, patuloy kong iniisip ang mga bagay na ito. Alam kong may deadline kami sa proyekto, pero tila hindi ko kayang balewalain ang mga nararamdaman ko. Kailangan ko itong alamin. Hindi ko alam kung paano, pero gusto kong magpatuloy na maging propesyonal kay Bea habang nililinaw ko sa sarili ko ang mga bagong emosyong nararamdaman ko.
Nang mag-isa na ako sa opisina, naputol ang malalim kong pag-iisip nang bigla akong nakatanggap ng tawag.
RING...RING...RING
Agad ko itong sinagot.
"Hello, Kuya?"
"Yes, Sab? Napatawag ka?" sagot ko.
"Nasa office ka pa ba, Kuya? Papunta na ako diyan, sabay na tayo mag-dinner. Hindi ka naman busy, 'di ba?" tanong ni Sabrina sa kabilang linya.
"Yes, andito pa ako. Hindi naman masyadong busy," sagot ko. "Wag na, susunduin na lang kita."
"Wag na, Kuya. Malapit na ako diyan," sabi niya.
"Oh, sige. Sa baba na lang kita hihintayin," sagot ko habang inaayos ang sarili ko.
Pagkatapos naming mag-usap, lumabas na ako ng opisina at dumiretso sa elevator. Habang nasa elevator ako, hindi ko pa rin maiwasang isipin si Bea. Nang makarating ako sa lobby, dumating din ang taxi na sinakyan ni Sabrina.
"Tumawag ka na sana ng maaga para nasundo kita," sabi ko nang makababa na siya.
"Ayos lang, Kuya. Baka kasi maabala ka pa. Baka madami kang gawain," sagot niya.
"Sab, kahit na. Dapat nagsabi ka."
"Kuya, wag ka nang makipagtalo. Nagugutom na ako!" sagot niya, bahagyang nagtatampo.
"Hays... kahit kailan talaga," sabi ko, sabay ngiti at pat sa ulo niya.
"Hintayin mo lang ako dito, kukunin ko lang 'yung sasakyan," sabi ko sa kanya.
"O, sige, Kuya," sagot niya, at agad akong nagpunta sa parking area. Ilang sandali pa, binalikan ko na si Sabrina at pumunta kami sa isang cozy na restaurant. Pinapark ko muna ang sasakyan at pinapasok ko siya sa loob.
Pagpasok ko, nakita ko si Bea kasama si Jake sa hindi kalayuan. Kitang-kita ang saya nila habang nagkukuwentuhan. Sa bawat tawa at ngiti ni Bea, parang lumalalim ang tanong sa isip ko. Sobrang saya nila. Sino nga ba si Jake para sa kanya?
Habang kumakain kami ni Sabrina, hindi ko maiwasang tanawin sila paminsan-minsan. The way she laughed and smiled, parang wala silang ibang iniintindi kundi ang isa't isa. Pilit kong tinutok ang atensyon ko kay Sabrina, pero parang may ibang bagay na pilit humihila sa akin pabalik kay Bea at Jake.
Hanggang sa umuwi kami, nagpatuloy ang ganitong pakiramdam. Pagkarating namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto, ngunit hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga nakita ko.
Nagda-date na ba sila ni Jake? Huli na ba ako? Wala na bang chance para sa amin ni Bea?
Nagpapakawala ng mga tanong ang isip ko na tila hindi ko kayang sagutin. Pero kailangan kong malaman ang totoo—sa tamang panahon, sa tamang paraan.
YOU ARE READING
My Sassy Boss
RomansaBea Mendoza, a fresh graduate, lands a dream job at the prestigious L&H Corporation. Determined to prove herself, she encounters Lucas Villaruel, her demanding yet strikingly attractive boss. Despite his strict demeanor, sparks fly between them, cre...