CHAPTER 6

15 10 0
                                    

Kinabukasan, habang nasa higaan pa ako, tinignan ko ang phone ko kung anong oras na. Pag tingin ko, magte-ten AM na at may mga missed call na din mola kay Ms.Santos kaya napabalikwas akong bumangon at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na  ako.

Tinignan ko muna saglit ang laptop ko kung may mga email ba na binigay si Sir Lucas para sa ibang projects namin. Kaya inopen ko muna ang mga email, at pag open ko, nakita ko ang email ni Sir Lucas.

Pagbasa ko ng email galing kay Sir Lucas, nakasulat:

"Ms. Bea Mendoza,

Since we had a successful client meeting yesterday, you are rewarded with a 1-day off. You have been doing an excellent job and your hard work has not gone unnoticed. Enjoy your day off and take this time to relax and recharge.

From: villaruel_lucas"

Pagkabasa ko ng email, napangiti ako. Hindi ko inaasahan ang reward na ito. Agad akong nagplano kung ano ang gagawin ko sa aking day off. Makakapagpahinga ako kahit papano at makapag-gala. Sinara ko ang laptop at bumalik sa higaan, nagpasya na ipagpatuloy ang araw ng may ngiti sa aking mga labi.

Buti na lang at naisipan ko si Carla kaya agad ko siyang chinat para yayain gumala at kumain sa labas. Marami na din akong i-chichika sa kanya.

Pero bago muna ako gumala ay naglinis muna ako ng apartment ko, hindi ko na kasi nabigyan ng oras sa paglilinis. Kaya bumangon na ako sa kama at nagsimulang mag-ayos ng gamit sa kwarto.

Pagkatapos ko sa kwarto ay agad na akong naglinis sa sofa at sa kitchen. Nang matapos na ako sa paglilinis ay nag-ayos na agad ako at lumabas ng apartment, naghihintay ng taxi. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din ako. Agad akong pumasok sa coffee shop at hinanap si Carla.

"Bea! Over here!" sigaw ni Carla habang kumakaway.

"Hi, Carla!" pagbati ko sa kanya sabay yakap.

"Kanina ka pa ba dito naghihintay?" tanong ko sa kanya sabay upo.

"No, hindi naman. Kakarating ko lang din. So, kumusta ka na? It's been awhile, miss na kita. Hindi na tayo nagkikita," sabi niya habang nag-po-pout ang mukha at may tampong boses.

"Sorry bhie, alam mo naman na sobrang busy ko sa trabaho," sagot ko sa kanya habang nagpo-puppy eyes.

"Oo nga, halata sa mukha mo stress na stress. Pero in fairness, kahit stress blooming pa din, and I smell something hmmm," sabi niya na may panunukso sabay tawa ng mahina.

"Hay nako, Carla. Ang dami kong gustong ikwento," sagot ko habang humihigop ng kape. "It's about Mr. Lucas and Jake."

"Aba, mukhang interesting 'yan. Spill the tea!" sabi ni Carla na may excitement sa boses.

"Okay, eto na nga. Si Mr. Lucas, our CEO, is very strict and serious. Pero sa kabila ng pagiging mahigpit niya, nararamdaman ko na may malasakit siya lalo na sa mga empleyado. Pero hindi naman sa assumera, pero minsan kasi nahuhuli ko siya tumitingin sa'kin. Tapos kapag kausap niya ako, titig talaga sa mata. And then there's Jake, our new Marketing Director, na laging masayahin at supportive. I feel comfortable around him," kwento ko sa kanya.

"Hmm, sounds like you're caught between two great guys. Ano naman ang nararamdaman mo sa kanila?" tanong ni Carla na seryoso na ngayon.

"Yun nga ang problema, Carla. Hindi ko din alam, pero iba-iba ang dating nila sa akin. Si Mr. Lucas, parang may mysterious charm. Oo, aaminin ko, nagwagwapohan ako sa boss ko. Si Jake naman, very approachable and caring," sabi ko.

"Ang ganda talaga ng beshy ko, ang haba ng hair," pabiro nito at tumawa.

"Carla naman eh, seryuso kasi" tampo kung sabi.

"HAHAHAHHA, Pano naman kasi isang Hot Daddy na CEO, tas isang Prince pa. Diba? "Biro niyanh sabi

"Alam mo hayaan mo na sila,wag mona pansinin mas ma-stress kalang lalo niyan.At wag kanang mag-alala dyan. Basta Be honest with yourself and with them.Sa huli, ang mahalaga ay masaya ka," sabi ni Carla na may kasamang ngiti.

"Salamat, Carla. I really needed to hear that," sabi ko habang niyayakap ang kaibigan.

"Anytime, Bea. Alam mo namang nandito lang ako para sa'yo. Sige na, let's enjoy our coffee and talk about other things. Baka ma-stress ka lang lalo," sabi ni Carla na nagpatawa sa akin.

Pagkatapos namin mag-coffee, naglakad-lakad kami sa mall. Pumasok kami sa iba't ibang tindahan at sinubukan ang mga bagong damit. Bumili kami ng mga accessories at ilang bagay na magagamit sa araw-araw. Tawa kami ng tawa habang naglilibot, parang bumalik kami sa mga araw na wala pa kaming masyadong responsibilidad.

Habang naglalakad, nadaanan namin ang isang bookstore. Agad kaming pumasok at naghanap ng mga bagong babasahin. Mahilig kaming dalawa sa mga libro, kaya't naging excited kami sa dami ng pagpipilian. Bumili ako ng isang bagong novel na matagal ko nang gustong basahin, habang si Carla naman ay kumuha ng ilang self-help books.

Pagkatapos sa bookstore, dumaan kami sa isang ice cream parlor. Umorder kami ng iba't ibang flavors at naupo sa isang tabi habang nagku-kwentuhan pa rin.

"Bea, naisip ko lang, bakit hindi tayo mag-out of town next weekend? Para naman makapag-relax ka talaga," suhestiyon ni Carla.

"Ang gandang idea mo, Carla. Sobrang kailangan ko talaga ng break. Pero saan naman kaya tayo pwede pumunta?" tanong ko sa kanya.

"How about Tagaytay? Malamig doon at maraming magagandang spots na pwedeng puntahan. Tsaka, malapit lang din," sagot ni Carla.

"Sounds perfect! Sige, set na natin 'yan. Tataposin ko mona lahat ng mga trabaho ko,para wala ng iisipin" sabi ko habang nag-iisip na ng mga dapat i-prepare.

"Great! Excited na ako. Marami tayong pwedeng gawin doon, tulad ng food trip at sight-seeing. Siguradong ma-re-relax ka," dagdag ni Carla na may malaking ngiti sa mukha.

Natapos ang araw namin na puno ng kwentuhan, tawanan, at saya. Habang pauwi na ako, napaisip ako sa mga sinabi ni Carla. Tama siya, kailangan ko ring alagaan ang sarili ko at magbigay ng oras para magpahinga. Pagdating ko sa apartment, nagplano na ako para sa aming weekend getaway. Tinext ko si Carla na excited na akong pumunta ng Tagaytay at nagsimula nang maglista ng mga bagay na dadalhin.

Kahit na puno ng responsibilidad ang trabaho, naisip ko na importante rin ang magkaroon ng balanse sa buhay. At sa mga araw na ito, sa piling ng  kaibigan ko mas natutunan ko ang halaga ng pagpapahinga at pagbibigay ng oras sa sarili.

Nakatulog ako nang may ngiti sa labi, puno ng excitement para sa mga darating na araw.

My Sassy Boss Where stories live. Discover now