CHAPTER 2

26 20 0
                                    

Maagang akong  nagising  kinabukasan. Pinilit kung itago ang kaba habang nag-aayos para sa pangalawang araw sa trabaho. Iniisip ko na ang mga lahat na dapat gawin upang mapabilib si Mr. Lucas Villaruel sakin. Nang matapos na ako sa mga ginagawa ko ay lumabas na ako ng apartment at naghintay ng masasakyan,ilang sandali pa  may taxi ng dating pinara ko at sumakay na patungo sa opisina, ilang minutong biyahe ay nakarating na din bago ako pumasok ay nag inhale exhale mona ako.

"This is it second day ko na good luck self kaya mona" sabay buga ng hangin at pumasok na sa loob
determinado na harapin ang anumang pagsubok na ibibigay sakin.

Pagdating sa opisina, ay  nakasaluubong niya ni Ms. Santos. “Good morning, Bea. Kumusta ang unang araw mo?”

“Okay naman po, Ms. Santos. Medyo nakakapagod pero masaya naman ako,” sagot ni Bea na may ngiti.

"Good to hear. Sige, maghanda ka na dahil maraming trabaho ang naghihintay sa'yo, at madami pa tayong trabahong tataposin” sabi ni Ms. Santos bago umalis.

Nang makaalis na si Ms.Santos ay pumunta na ako sa desk at sinimulan ang  mga gawain. Ilang sandali pa lang ang nakalipas ay lumapit si Mr. Lucas sa kanya, bitbit ang napakaramin dokumento.

“Bea, I need you to prepare a detailed report on these files. I expect it on my desk before lunch,” sabi ni Lucas nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

“Yes, sir. I’ll get it done,” sagot ni Bea, kahit pa medyo nag-aalangan sa dami ng trabaho.

"Shock's napakadami  naman nito,matatapos ko kaya ito before lunch?" bulong kung sabi sa sarili ko

" Bea kaya mo yan, diba gusto mo ma impress boss mo?ito na sagot sa hiling mo" sabi niya sa isipan nya at nagsimula na

Habang nagta-trabaho, napansin ni Bea na mas marami ang detalyeng kailangang pagtuunan ng pansin. Patuloy siyang naglaan ng oras at pagsisikap upang matapos ang kanyang report. Hindi niya alintana ang oras; ang tanging nasa isip niya ay ang magampanan ang kanyang tungkulin.

Bandang alas-onse ng umaga, tinawag siya ni Mr. Lucas sa kanyang opisina. “Bea, kumusta na ang report?” tanong nito nang siya’y makapasok.

“Malapit na po, sir. Konti na lang po at matatapos na,” sagot ko na may kasamang kaba.

“Good. I need it as soon as possible,” sabi ni Lucas bago siya pinaalis.

Pagbalik ni Bea sa kanyang desk, nag-double check siya sa kanyang mga ginawa. Sigurado siyang nais niyang maging perpekto ang report na kanyang isusumite. Ilang minuto bago magtanghali, tapos na siya. Agad niyang dinala ang report sa opisina ni Mr. Lucas.

Kumatok mona ako bago pumasok sa opisina ni Sir Lucas

"Hi Sir good morning,Ito na po ang mga documents sa report  na pinagawa nyo" sabi ko sa kanya.

“Here’s the report, sir,” sabi ko sabay lagay nito sa table niya.

Kinuha ito ni Lucas at binasa nang tahimik. Habang nagbabasa, hindi niya maiwasang mapansin ang maayos at detalyadong pagkakagawa ng report. “This is impressive,Bea. You did well,” puri ni Lucas matapos basahin ang report.

“Thank you, sir,” sagot ni Bea na may ngiti sa labi.

“Keep up the good work. I’ll have more tasks for you this afternoon,” sabi ni Lucas bago siya pinaalis.

Pagbalik ni Bea sa kanyang desk, hindi niya maiwasang mapangiti. Sa kabila ng kaba at pagod, naramdaman niyang unti-unti siyang nagiging parte ng kompanya. Alam niyang marami pa siyang haharaping hamon, pero handa siyang harapin ang lahat ng iyon.

Alam niyang bawat pagsubok na dadaanan niya ay magpapalakas at magpapatatag sa kanya.

Habang naglalakad papunta sa pantry para kumain ng tanghalian, napaisip siya sa mga sinabi ni Lucas. Kahit mahigpit at seryoso ito, naramdaman niya ang genuine na pag-aalaga nito sa mga empleyado. Isang bagay na nagpapaalala sa kanya na hindi lang ito basta-basta na boss, kundi isang leader na kayang magpalago ng kompanya at ng mga taong nagtatrabaho rito

My Sassy Boss Where stories live. Discover now