Good friends are like STARS, you don't always see them but you know they're always there.
#BQK
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
ZACK POV
"San kayo nagkakilala ng twin sister ko?" Tanong ko ulit kay Hans... Actually kanina pa ako tanong ng tanong dito about sa kanila ng twin ko... I mean kung paano sila nagkakilala... hindi ko nga alam kung ilang beses ko na syang tinanong... pero eto, nandito na kami sa labas ng bahay, gabi na kaya kailangan na nilang umuwi pero hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kanya.. -____- ayaw magsalita.. napakasimpleng tanong eh ayaw sagutin..
"Wag mo ng alamin pre!" walang ganang sagot nito sa akin." Pa'no Uwi na kami.. kita kits na lang tayo bukas sa school.. Tara na Ced!" dagdag nito.. bago tuluyang naglakad papunta sa kotse niya.. Tinapik lang ako sa balikat ni Ced and then sumunod na ito kay Hans.
Inantay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan bago ako pumasok sa bahay...
Ang twin sister ko kaagad ang nabungaran kong sa sala pagpasok ko sa bahay..
"Sis!" tawag pansin ko kanya, lumingon naman ito sa akin. "Paano kayo nagkakilala Hans?" tanong ko.
"Paano mo naging kaibigan ang lalaking iyon?"
=____= tama bang sagutin ng tanong ang tanong ko... letsugas na babaeng ito.
"Sagutin mo muna ang tanong ko!" sabi ko.. umupo ako sa laharap niya.. Tiningnan ko sya... Well nakipagtitigan din sya sa akin.... Inantay ko syang magsalita..
>_> ~ <_<
>_> ~ <_<
>_> ~ <_<
"Wag mo ng alamin Zack!" maya mayang sagot nito.
muntikan na akong malaglag sa inuupuan dahil sa gulat... grabe ang dalawang ito.. parehas pa sila ng sinabi sa akin....
"So, Nagsalita na ako, ikaw naman sagutin mo yung tanong ko." sabi nito... with cross arm pa sya.. na akala mo may ginawa akong kasalanan then nag-aantay sya ng explaination ko dahil sa itsura niya.
"Eh hindi mo naman sinagot ang tanong ko!" Angal ko sa kanya, Pero tiningnan lang niya ang ng masama.... Tingnan mo itong babaeng ito... "Ok Ok Ok...Bakit mo pa tinatanong eh , kung kilala mo man si Hans, dapat alam mo na mag-kaklase kami... Common sense naman dyan Sis!"
"Ah Ok!" sagot nito " And sorry Bro, gumagamit ako ng utak----"
"bakit ka pag nagtatanong kung paa----"
"Simple lang... HINDI KO ALAM ANG SECTION MO!" mabilis na sabi nito.. bago ito umakyat sa hagdan...
O____O
Seriously? Yung ibang tao alam niya ang section, pero akong kapatid niya hindi nya alam?... takte... kambal pa niya ako... ka-year level ko sya.. section lang ang pinagkaiba namin... tapos simpleng section hindi niya alam?
Sinundan ko pa sya ng Tingin habang paayat ng hagdan!... nakita ko pang makakasalubong niya si Shaira...
"Ate Saeko, nakita mo po ba iyung classmate ni kuya?" Sabi ni Shaira dito. tumigil naman ito sa pag-ayat..
"Oo, And So?" sagot nito sa bunso namin. I'm sure may sapi na naman ito kaya ganyan ang attitude..
"Ang bait po at ang Gwapo ni kuya Hans noh?"
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo (You & I) On-going
Teen FictionIsang babaeng maganda ,Kikay, Maldita (Sometimes), Galawgaw parang kiti kiti,Di Matalino (Pero may alam naman kahit papaano at saka tamad kasi ),Childish , Makulit, Matangkad sa Height na 5 flat.. hihihi.. And Dead na dead Kay Changjo ng teentop at...