Alice's Pov:
"Okay, that's all for today.Goodbye class!" Pagpapaalam ko sa mga estudyante ko.
"Goodbye ma'am Alice, thank you for teaching us today."
Pagkalabas ko palang ng silid-aralan, ay matinding damdamin ang pumasan muli sa akin.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, pero sigurado akong pagod lang ito.
Nang pumasok na ako sa faculty, ay bumati naman sa akin co-teachers ko.Ngunit nginitian ko lamang ito saglit, at agad na umupo.Kinalabit ako ng katabi kong si ma'am Raquel."Bakit bagsak na bagsak mood mo ngayon?Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Tanong niya sa akin.Umiling naman ako at chinat si Risa.
I'm shocked too, why did I said that?!
Bugso lang siguro ng damdamin, hehe.
Tatlong oras pa bago ang out, wala ako masyadong klase ngayon dahil karamihan sa mga teacher ay nagkakasakit.
Habang nage-edit ng mga lesson sa aking mini laptop, napapapikit ako dahil nagluluha ang aking dalawang mata dahil sa init.Hinayaan ko na lamang ito dahil kailangan kong matapos agad ang ginagawa ko.Hanggang sa tumatagal ay nahihilo na ako, at nararamdaman ko naman ang init ng aking katawan.
Napansin ako ni ma'am Raquel dahil tinatamlay na ako.
"Alice, okay ka lang ba talaga?" Nag-aalala niyang tanong at hinipo ang aking leeg.
"Nako, nagliliyab kana ma'am.Tawagan mo kaya si senator?"
Nagdadalawang isip ako kung tatawagan siya, ngunit ang tanging na sa isip ko lamang ay busy ito at baka maistorbo ko.
"She's busy, ayokong guluhin siya.I'm okay lang naman, sobrang init lang kasi."Patuloy kong gaslight sa aking sarili at inaayos ang sarili.
Lumapit na sa akin si sir Dong Calugay, at tinatapik ang likod 'ko."Baka iba na 'yan ma'am Alice, ihahatid nalang kita."Pagmamakaawa niya sa akin.
"Okay lang po ako sir Dong, kailangan ko munang pumunta sa banyo." Nang tumayo na ako ay umiikot ang na sa paligid ko habang unti-unting nandidilim ang paningin 'ko.Hindi ko na nakayanan, at nang nawalan na ako ng malay ay naramdaman kong sinalo ako ng co-teachers 'ko.
Author's Pov:
Labis ang pag-aalala ng mga katrabaho ni Alice sa kaniya, dahil sa biglaang nawalan ng malay.Hindi na nila ideneretso sa clinic, sinakay na ni sir Dong si Alice sa service niya.Sumunod rin si Raquel, para alalayan si Alice habang na sa byahe.
Naisipan ni Raquel tawagan ang asawa ni Alice, ngunit hindi naman siya sinasagot nito.
"Bwiset" Bulong ni Raquel sa sarili.
"Bumili muna tayo ng gamot ni ma'am, tyaka sa bahay niya nalang na'tin siya ideretso."Utos ni Raquel kay sir Dong.
Nakabili na ng gamot si sir Dong, at mabilis na nakarating sa bahay nila Alice.Binuhat niya si Alice papasok, at nakaalalay naman si Raquel habang dala-dala ang mga gamot na binili.
Nilagay niya na ng dahan-dahan si Alice sa couch, at inutusan si Raquel na maghanda ng bimpo na ipapahid kay Alice.Nakalipas ang ilang minuto sa pag-aasikaso kay Alice, nagpahinga ang dalawang guro at binabantayan lamang ito.
Napansin nilang nagkaroon na ng malay si Alice, ngunit lumuluha ito habang binabanggit ang pangalan ng senator.Hinimas naman ni Raquel ang noo ni Alice, at pilit na pinapakalma ito.Habang unti-unti nang kumakalma si Alice, pinagluto na ni Raquel si sir Dong ng hapunan.Dahil 6:50PM na rin.
Ilang oras lamang ay naluto na ang sinigang na hipon.Inalalayan ni Raquel si Alice umupo para makakain kahit onti.Wala pa rin sa wisyo si Alice kung anong nangyayari.Nakarinig ang tatlo ng sasakyan sa labas, at inaasahan na nilang ang senator na yun.Napa-buntong hininga ang dalawang guro nang pumasok na si Sen.Risa sa bahay.
"Alice?!" Nag-aalalang sigaw ni Sen.Risa, at hinihipo ang leeg ni Alice.
Ipinaliwanag ng dalawa ang buong nangyari, at binanggit din ni Raquel na sinubukan niya na siyang tawagin ngunit hindi sinasagot.Humingi naman ng paumanhin ang senadora, at nagpasalamat sa dalawa.Nagpaalam na ang dalawang guro sa mag-asawa.
Binuhat ni Sen.Risa si Alice, papunta sa kwarto at hiniga.Pinalitan niya na rin ito ng damit, at dahan-dahang dinadampi ang malamig na bimpo sa mainit na bahagi ng katawan ni Alice.
Humawak si Alice sa kamay nito, at sinusubukang mag-salita.
"I-im sorry honey sa-sa sinabi ko."
Hinalikan ni Sen.Risa ang noo nito at hinagkan ang asawa.
"I'm sorry baby, hindi ako nakarating agad.Hindi na kita masyado naalagaan sa pagiging abala rin natin sa trabaho.I am, really really sorry.I love you so much."Naiiyak na pagkakasabi ni Sen.Risa habang nakayakap pa rin ito.
"I do understand, honey.Don't say sorry.I know you're always tired too, ayokong mapagod pa iyang isipan mo kakaisip sa akin.Pero iyon naman gawain ng mag-asawa.Maayos na ang kalagayan ko kapag yakap kita.I missed you, and I love you senadora ko.I love you."Mahinang tugon ni Alice, habang dahan-dahang hinihimas ang likod ng asawa.
"Magpahinga na tayo.Halika na rito sa tabi ko, honey.Please."Habol niya.
Inayos muna ni Sen.Risa ang mga pinag-gamitan.Tumabi na siya kay Alice.
Yakap-yakap nila ang isa't isa hanggang umaga.
"I love you"
"I love you more, my baby."
YOU ARE READING
Teacher Of My Life
Fanfiction4 parts a day! 💕 Hello, huwag pong seryosohin kung ano man ang mababasang makabuluhan.Kung ayaw magpapigil, edi GO!!! HUHU VOTE PO KUNG NAGUSTUHAN! 😝😝 Hehe, hayaan nalang po mga maling kenemerut-bombom sa mababasa ninyo.Salamat!!