Alice's Pov:
Nagising ako at wala sa tabi ko si Risa.Naramdaman ko namang okay-okay na pakiramdam ko.Bumangon na ako at lumabas ng kwarto.Nang bumaba ako ay nakita ko ang aking asawa nakabihis at hawak ang maliit na bag nitong nakasabit sa braso nito.Hindi ko siya pinansin at dumeretso na ako sa kusina para mag-timpla ng kape ko.
"Okay kana?"
Tumango na lamang ako, nilagay ang kape sa mesa.
"Uminom ka pa rin ng gamot.Para matuluyan na mawala."
Lumapit siya sa akin upang magpaalam na, papasok na siya.Ngunit nang hahalik siya sa akin ay umiwas naman ako.
LOL kikiss mo ko, dimo pa nga sinasabi hinihintay ko.
Umalis nalang agad siya, at isinarado ang pinto ng bahay.Sumilip naman ako sa bintana, pinanood itong nagpaandar ng sasakyan at lumayo.
Huminga na lamang ako, kinuha ang kape at umupo sa couch. Nag-cellphone na lamang ako.Mag-isa akong tumatawa dahil sa mga meme videos/photos na nadaraanan.Habang ine-enjoy akong nanonood, nag show up naman sa akin mensahe ni Risa.Hindi ko nabasa ng mabuti ang mensahe nito.I'm too lazy to check it.
Ilang oras na akong tutok sa cellphone at namalayang 11AM na.Hindi pa ako nakakapagluto ng kakainin ko.Pumunta na ako ng kusina, at napansin kong na sa lagayan ng plato ang baunan ni Risa.
"Huh? Hindi siya nagbaon?" Tanong ko sa aking sarili.
Agad kong binuksan ang phone ko at dumeretso sa message niya.
OH SHUXXXXXX
Agad kong nilapag ang phone, at nagluto na ng pagkain.
11:30AM na akong natapos.Nilagay ko na muna ang pagkain sa plato bago ilagay sa baunan.Papalamigin ko muna.Naligo na agad ako.Nang matapos na ako, ay sinuot ko lamang ang pink shirt ko at nagpantalon.Nilugay ko na lamang ang buhok ko.Dumeretso na ako sa kusina at nilagay na sa baunan ang pagkain.
At nagmadaling lumabas ng bahay, at sumakay sa kotse ko.Mabuti na lamang ay hindi traffic kaya nakarating na ako kaagad sa tapat ng building nila.Bumaba na ako ng kotse, binati ang security guard.While walking sa hallway ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Senator Jinggoy.Ngumiti siya sa akin at ngumiti na lamang din ako.Tinanong niya naman ako kung saan ako pupunta.
Tanga, hindi ba obvious e nandito asawa ko.
"Oh si Senator Risa pala." Natatawa niyang sinabi at tumawa nalang din ako.
"Ihahatid ko lang po sa kaniya yung, lunch niya."Tumango na lamang siya sa sinabi ko at ngumiti kami pareho.Ngunit nung papalayo na ako ay tinawag niya ako.Lumingon naman ako sa kaniya.
"Mrs.Alice?Ayain sana kita lumabas, after mong ibigay sa asawa mo iyan."
Napahinto naman ako saglit sa sinabi niya.
"Sabay po tayong lalabas dito sa building? Yes sure po."
Napakamot naman siya ng ulo sa sinabi ko at natatawa.
"I mean, date tayo."
Mabuti ka pa nagyayaya ng date, pero ikaw lang ang nag-ayang ayaw ko.
Tumaas naman ang isa kong kilay.Nang magsasalita na ako ay, may biglang nagsalita sa likod.
My Senator pala i2.
"Excuse me, senator Jinggoy?Aayain mo ng date ang taong may asawa na?Parang hindi ko makita sa mukha mo ang kahihiyan." Seryosong sumbat ni Risa habang lumalapit kaonti kay Sen.Jinggoy.
Hindi ko mapigilang ngumiti ng umalis bigla si senator Jinggoy.Habang sinusundan ang pag-alis nito, naramdaman ko namang hinawakan ni Risa ang kamay ko upang pumunta sa opisina niya.
Na sa loob na kaming dalawa, at agad siyang umupo sa swivel chair niya.Mukhang bad mood ito at patuloy na inayos ang mga papeles na nasa mesa niya.Habang ako naman ay nakatayo sa harap ng table niya at hawak-hawak pa rin ang pagkain.
"Why you're here?" Napakagat labi naman ako ng tumingin siya sakin ng walang kaemo-emosyon.
Nilapag ko muna ang pagkain sa mesa niya at tumingin naman siya rito.
"Kaysa bumili kapa sa labas, nagluto ako sa bahay."
"Thanks."
Ngumiti naman ako ng kunin niya ang pagkaing dala ko.Huminga muna ako ng malalim bago magpaalam sa kaniya."Alis na ako, hon.Hinatid ko lang naman yan."Aalis na sana ako ng opisina nang pinahinto niya ako.
"Huwag ka munang umalis.Baka hinihintay ka no'n nang punyetang Jinggoy na yun.Kumain kana ba?"
"Kaya nga ako uuwi, para kumain.Dinalhan lang kita ng pagkain na sakto lang sa iyo.Wala naman na siguro si senador Jinggoy.Marami pa akong gagawin sa bahay."
Pagmamapilit ko.Tumayo siya at lumapit sa akin.Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay.
"Nagtatampo ka pa rin ba?"
"Your honor, hindi ko po ALAM."
Natawa naman siya sa sinabi ko.
luh? bati tayo?
Nagulat naman ako nang, I-lock niya ang pinto ng opisina. Hinawakan niya naman ang waist ko at dahan-dahan akong isinandal sa dulo ng table niya.
Napakagat labi naman ako at kinakabahan sa gagawin niya.Gurl nakakahiya kaya, nasa opisina kami.
"I'm sorry, my baby." Mahinhin niyang sinabi.
Napangiti naman ako.Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa dalawang pisngi niya, at sinabing, "Okay, bati na po tayo."
MARUPOK 🫵🏻
Dahan-dahang nagdikit ang aming labi at hinagkan namin ang isa't isa.Dahil na miss kong magpalambing.
Biruin mo, dika lang natawag na "baby" pakiramdam ko mamamatay na ako sa tampo.
YOU ARE READING
Teacher Of My Life
Fanfiction4 parts a day! 💕 Hello, huwag pong seryosohin kung ano man ang mababasang makabuluhan.Kung ayaw magpapigil, edi GO!!! HUHU VOTE PO KUNG NAGUSTUHAN! 😝😝 Hehe, hayaan nalang po mga maling kenemerut-bombom sa mababasa ninyo.Salamat!!