Alice's Pov:
4AM pa lang ay nagising na ako.Nilingon ko ang aking asawa na mahimbing na, natutulog.Ngumiti naman ako, at hinalikam ang noo niya ng marahan.Pinilit kong bumangon, ngunit biglang kumirot ang aking ulo.Sumigaw ako ng mahina, habang hawak-hawak ang aking noo.Mabuti na lamang ay hindi nagising si Risa.At dahan-dahan na akong umalis sa kama.Habang bumababa ng hagdan, nahihirapan ako sa aking paningin dahil nahihilo pa rin ako.
Nakapunta na ako ng kusina para magluto ng babaunin ko.Habang nagluluto ng ulam, hindi ko sadyang natabig ko ang aking kape na nakalagay sa babasagin na baso.Nang pupulutin ko na ang parte ng baso, mas lalong sumakit ang ulo ko.At tuluyang napaupo sa sahig.
Narinig kong may mabilis na naglalakad pababa sa hagdan, at nakaramdam naman ako ng kaba ng makita si Risa papunta sa akin.
"Oh my gosh, Alice.Ano nangyari?!" Ramdam ko ang pag-aalala niya sa boses.
Tinayo niya ako kaagad at pinaupo sa upuang katabi ng mesa. Blanko lamang ang utak ko, ngunit nag-aalala rin dahil baka mabubog siya.
"Baby, Alice.What happened? Tyaka ang aga pa-" Napahinto siya sa pagsasalita nang may na realize ito.
"Baby, don't tell me papasok ka pa rin sa work?" Dugtong niya, habang hawak ang dalawa kong balikat.
"Mamimiss ko mga estudyante ko e."Nakasimangot kong tugon.
What the heck na reason yan gurl?! halos maging bulkang taal iyang ulo mo sa kanila.
"I don't care kung ano man yang mga rason mo.Basta kung hindi maganda pakiramdam mo, walang magandang rason para payagan kita pumasok."
Sinamaan ko naman siya ng titig at tumaray.Nang maglalakad na ako, kumirot na naman ulo ko.
Lord naman, kumakatok ka agad.
Hinawakan ni Risa ang waist ko, habang masama rin ang titig niya sakin.
"Punyeta kangbata ka, kulit-kulit mo yan tuloy." Naiinis niyang salita, at inilapag na ako sa kama.
"FYI, for your information hindi na ako bata."Ganti ko sa sinabi niya, at agad nang humiga nakatalikod sa kaniya.
"Edi, I won't call you 'baby' na."
luh, ito naman hindi mabiro.
Humarap ako sa kaniya, habang siya'y nakatagilid.Niyakap ko naman siya ng mahigpit at lumapit sa leeg nito.
"Joke lang naman.I still wanna be your baby, oh.Call me 'baby' na.Please."
"Bahala ka diyan.Matulog kana ulit, inaantok pa ko."
Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay, at hinampas ang braso niya.
"Aray!"
"Mag-sorry ka sa'kin.Gamit yung 'baby'."
Hinihintay ko naman siya sa sasabihin niya.Ngunit umubo lamang siya, at hindi na naman ako pinansin.
Hays, weakness ko pa naman yung di ako pinapansin.
Bumalik na ako sa pwesto ko, at nagtakip ng unan.
Syempre, iiyak ako.Hindi ko siya bati.
Risa's Pov:
Naramdaman kong bumalik na siya sa pwesto niya, at gumaan naman ang loob ko.
Kulit-kulit kasi.
Hindi matuloy ang aking pagtulog nang narinig kong, humikbi sa likod ko sa Alice.
Punyeta, may napaiyak akong bata.
Humarap ako sa kaniya, ngunit nakatakip ito ng unan.Sinubukan kong hawakan ang braso niya, ngunit umiwas ito.Tumaas naman isa kong kilay sa ginawa niya.
"Stop crying, I can't sleep.May aasikasuhin pa ako sa senado."
Tinanggal niya ang unan sa mukha niya, at nakaramdam naman ako ng pagka-guilty.
"Hindi tayo bati."Nakasimangot siyang nagsalita.
"Okay, hindi talaga tayo bati." Bumalik na ako sa pwesto kong nakangiti.Natutuwa ako tuwing inaasar siya.
Kumalabit siya sa balikat ko, nang lumingon ako ay agad siyang humalik sa aking labi.Mga ilang segundo ay bumitaw na rin ito.
Pinasahan pa talaga ako ng sakit.
"Sweet dreams, Ana Theresia."Walang emosyon niyang sinabi.Ramdam ko na ang galit sa tono ng pagsasalita niya.
Liit talaga ng pinopoblema nito.
Magsasalita pa sana ako nang bumalik siya sa kaniyang pwesto, at ilang minuto nga lang ay nakatulog na.
...
Author's Pov:
Medyo OA ang sitwasyon here sa page na 'to, SORRY!
Na sa next page po ang karugtong, eme-eme nalang din.
Actually hindi ko nga alam next scene .Kaya GORA nalang sa kung ano-ano pumasok sa utak ko.Please vote ha!
YOU ARE READING
Teacher Of My Life
Fanfiction4 parts a day! 💕 Hello, huwag pong seryosohin kung ano man ang mababasang makabuluhan.Kung ayaw magpapigil, edi GO!!! HUHU VOTE PO KUNG NAGUSTUHAN! 😝😝 Hehe, hayaan nalang po mga maling kenemerut-bombom sa mababasa ninyo.Salamat!!