Chapter 1

57 6 1
                                    

Hindi ko aakalain na makikita ko ang sarili ko na mabubuhay ulit sa loob ng isang estrangherong katawan! Hindi ko alam na mabubuhay ako at sa ibang mundo pa! Kung sana nag-reincarnate na lang ako sa mundong 'yon ulit no? Kasi do'n, alam ko pa ang mga daan! Pamilyar ang mga kanto at sa mga lugar na puwede kong puntahan! Eh dito? Nakalayo na ako sa lugar na 'yon pero hanggang ngayon pinapalibutan pa rin ako ng maraming puno at damo!

Walang katapusang gubat!

Para na akong baliw dito na sigaw ng sigaw pero parang wala naman atang tao rito! Tapos kung titignan, mukhang nasa gitna pa ako ng kagubatan! Ni hindi ko alam kung saan lulusot at kung saan lalabas! Nakakatakot pa kaunti kasi kapag tuwing sumisigaw ako, humahangin ng malakas!

Ano ba kasing klaseng lugar 'to Lord? Bakit naman sa lugar pa na hindi ako maalam? Nakakabaliw man isipin pero mukha ngang nabuhay ako sa ibang mundo! Hindi naman ito purgatoryo dahil malayung-malayo ang lugar na 'to sa deskripsiyon ng lugar na 'yon sa bibliya!

Hirap na hirap na nga ako sa pinagmulan ko tapos mahihirapan rin ako sa lugar ng bagong buhay na 'to? Buysit na buhay! Nabuhay nga ulit pero mukhang gano'n rin ata ang magiging kapalaran ko rito ah?

"Buysit na buhay 'to oh!" Sigaw ko na naman at halos mag-echo pa ang boses ko sa buong lugar.

Pero 'di bale, at least may itsura ako sa mundong 'to! Kahit mukha akong bakla sa sobrang kaputian ng balat ko, ayos na 'yon kaysa naman mabuhay na naman ulit ako na pangit! Itim! Matagyawat! Nakakasawa na! Sawang-sawa na ako sa mga tukso sa mga tambay sa amin! Psh! Kala mo naman nakatapos ng pag-aaral eh hindi naman! Mabuti pa 'ko ay nakatapos... pero pangit nga lang.

I can still remember what happened to my parents after I graduated in college. Nasa pedicab kami no'n nang mabangga ang sinasakyan namin at doon gumuho ang mundo ko sa pagkamatay nilang pareho. Ang malas nga dahil hindi pa ako nasama! Naiwan pa 'ko sa mundong 'yon na naghihirap at kailangan pang mas kumayod para mabuhay!

Malas sa pera! Malas sa trabaho! Malas sa jowa! Malas sa lahat-lahat! Kaya nga masaya ako nang mabangga ako ng truck na 'yon dahil kahit papaano ay makakahinga na rin ako ng maluwag! Makakapagpahinga na rin ako pero buysit! Pagod na pagod na ako ngayon at hindi ko alam kung bakit nabuhay pa ako!

"Nabuhay nga ulit pero mukha namang nakakulong sa gubat na 'to!" Inis kong bulong at naglakad ulit. Bigat na bigat pa ako sa suot ko! Hindi ko naman puwedeng hubarin dahil manlalamig talaga ako! Na para bang may proteksiyon ang suot kong 'to pangontra sa lamig!

Swerte nga ba ako? Swerte bang nabuhay ako ulit?

Mukhang may misyon pa ata ako kaya ako nabuhay.

Agad akong natigilan nang bigla akong may narinig na mga nag-uusap hindi ganoon kalayo mula sa kinakatayuan ko. Nilibot ko kaagad ang mga mata ko para hanapin ang mga nag-uusap na 'yon pero wala akong nakikita! Palakas ng palakas ang boses nila pero wala pa rin akong nakikitang mga anino o pigura ng mga taong nag-uusap!

"May mga Hunters kanina sa North Region at pinagpapaslang ang mga nando'n. Nakasuot sila ng mga itim na suot habang walang awang pinagtangkaan lahat ng mga mamamayan ng Halluciana City." Natigilan ako dahil sa narinig ko mula sa boses lalaki! Hinanap-hanap ko pa kung nasa'n galing ang boses nila pero wala talaga akong makita!

May kung ano akong naramdaman na kakaiba na siyang ikinatigil ko. Parang tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi ko malaman ang dahilan na para bang may panganib!

"Mga itim na suot? Nako! Kapag may nakita ako sa isa sa kanila? Kikitilin ko buhay niya!" Nagulantang ako sa malakas na sigaw na ito at aksidenteng napatingin ako sa suot ko. Ilang segundo bago ko napagtanto ay nanlaki na ang mga mata ko at agad nagtago sa isa sa mga malalaking puno!

His Villainous Song For The Crescent Moon [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon