Shairene's Pov.
This is so huge, why this room is so huge?
Di ko matandaan na nakapasok na ako dito. Mas malaki pa pala itong kuwarto kesa sa kwarto ko, may malaking king size bed sa tabi nito at may malaking study table na nakalagay ang mga libro, at iba pa.
Tiningnan ko ang buong itsura dito sa loob, i can't believe it kaya pala niisa walang magtatangkang pumasok dito o di kaya maglinis. Paano kaya nilinis ni Mama itong malaking kwarto?
Kasya na ang sampung tao nito, weird eh. Napailing na lamang ako at sinimulan na ang paghahanap, kung may mahanap akong makapag- amin sa katotohanan.
I checked my cellphone and it's 8:25 in the evening, i need to finish this para mapadali ang paghahanap ko.
Inuna ko muna ang study table, binuksan ko ang mga drawer nito at may nakita akong mga papel na nakalagay dito.
9:35 pm.
Isang oras na ako nandito pero wala pa rin akong ibang napansin, lahat nang nandito ay wala ring kahina- hinala pati drawer o caja de oro ay wala rin.
"Tsk, sinungaling talagang Nicole na 'yon" bulong ko.
Sinimulan ko ng binalik ang mga kinalat kong papel sa mga lalagyan, at napagdesisyunan ko ng umalis.
Lalabas na sana ako ng may napansin akong picture frame na nakalagay sa maliit na table, katabi ng king size bed. Di ko ito napansin kanina eh, busy lang talaga ako sa paghahanap kaya di ko ito nakita.
Pumunta ako doon at umupo sa kama, kinuha ko ang frame kung nasaan ang mga larawan naming tatlo. Nakatayo kaming tatlo nila Mama at Papa at nakangiti, di ko lang matandaan kong saang lugar kami nagpapapicture.
Magkahawak kami ng kamay, nasa kaliwa ko si Mama at si Papa naman ay nasa kanan. I think i'm only 6 or 7 ako n'yan, pinagmasdan ko ng mabuti ang picture namin.
Napangiti na lang ako kahit di ko na masyadong naalala ito, kahit wala na si Papa ay may picture naman kaming nagkakasama. Habang tinitingnan ko ito ay parang may napapansin ako sa kamay ni Papa, ewan ko kung ano.
Para talagang may hinawakan siya, titig na titig ako sa kamay niya. Tatanggalin ko na sana ang picture frame nang nakarinig akong ingay sa ibaba, dali - dali akong tumayo at tiningnan ko muna ang kuwarto.
Nang makita ko na walang naiwang papel ay napagdesisyunan ko ng lumabas, i think nakauwi na si Mama.
Dahan- dahan kung pinihit ang doorknob at tumingin sa labas, nang walang tao ay dahan- dahan ko ring sinara ang pinto pagkatapos dali- daling pumunta sa aking kuwarto. Sa wakas nakabalik rin ako, nang may naramdaman akong papalapit dito ay dali- dali rin akong humiga sa kama at tinago ang dala kong picture frame sa unan ko at kinumutan ko ang katawan ko hanggang leeg.
Nakarinig ako ng pagpihit sa doorknob at binuksan ang pinto, nakarinig rin ako ng ingay ng takong sa sapatos na papalapit sa aking kama.
Naramdaman ko ring umuga ang kama ko, buti na lang nasa kaliwa ako nakaposisyon at pinikit ang mga mata. Nasa kanan kasi ang pintuan kaya di ako makikita, i heard my mom heavily sighed.
What's the matter of her?
I know there's a problem. Mahinang hinihimas ni Mama ang buhok ko, i miss this. I miss my mother na hinihimas ang buhok ko tuwing matutulog ako.
YOU ARE READING
𝖳𝗁𝖾 𝖧𝖺𝗅𝖿 𝖲𝗇𝖺𝗄𝖾 (On-going)
Short StoryThere are two girls born with different shapes, the one is a normal girl and the one is different. Their family kept what they saw a secret, and they hid it in a place where judgmental people could not see it. But others say that 'There is no secret...