THS 21

2 1 0
                                    

Narrator's POV.




They said if you want something dapat paghirapan mo, dahil hindi madali makuha ang lahat. Kahit na napakahirap man kunin ang gusto mo dapat mo pa rin itong ipaglaban, dahil lamang sa gusto o kailangan mo.




You just proved to them that you can do it, even your life will change. You can just sacrifice even your family was far away, and you'll get hurt not just physically but also emotionally and mentally.




Nakatulala lamang siya habang nakaupo sa kama, napabuntong hininga na lamang ito. Di niya mawari ang kaniyang kahinatnan sa kaniyang buhay, gusto niya nalang mawala kaysa mabuhay na puno ng kalungkutan kahit di niya alam kong buhay pa ba ang kaniyang pamilya at di rin niya alam kung may naghihintay pa ba sa kaniya.





Naalala niya na ang lahat, naalala niya kung paano siya pinaghirapan at ginawang tanga ng ilang taon. Matagal na siyang nakakulong, at alam niya kung sino ang puno't dulo ng lahat. Di niya rin mawari kung bakit ginawa ng kakilala niya ang maling gawain, ilang taon rin siyang nagpanggap upang di siya nito mahuli.






Alam niyang kaya niyang gawin upang makatakas lamang siya, pero parang may nag udyok sa kaniya na di muna siya dapat tumakas. Kahit di niya mawari kung bakit, kahit ilang taon pa siyang maghintay parang wala pa ring tulong o naghanap sa kaniya.





Tumayo nalamang siya at naglakad papunta sa bakal kung saan siya nakakulong, mabuti nalamang at may liwanag rin ang nasa labas at sa loob kaya nakikita niya ito pero Hindi buo dahil kongreto Ang kaniyang kinalalagyan kung kaya't tago lamang ito.





Napatawa siya ng mahina dahil lamang sa nasaksihan niya sa kaniyang sarili, kung bakit siya nagkaganyan at kung bakit siya walang magawa sa nagkulong sa kaniya na ilang taon na siya roon.





Sa katunayan, gusto na niyang lumabas di dahil gusto niyang makita ang liwanag kundi dahil gusto niyang makita ang pamilya nito. Nagbabakasakali siya kung buhay pa ba ang kaniyang pamilya na naiwan, kahit anong isipin niya nalulungkot pa rin siya sa kaniyang buhay.







Wala na siyang hihilingin pa kundi ang tumakas at maging malaya sa karanasan niya ngayon, pagod na siyang maghintay pero wala na siyang magawa kundi maghintay ulit na dadating at tutulungan siya upang makaalis sa impyernong tinirhan niya.






'Namimiss ko na kayo'




Sabi niya sa kaniyang isip at umupo ulit sa kama, nakatungo lamang at unti-unting umiiyak.






-----





Sa kabilang banda.



"Anong ginagawa mo dyan, hija? Pumasok ka na't kakain na tayo" Sabi nito.





Lumingon siya sa tumawag sa kaniya at bahagyang ngumiti, lumapit siya at niyakap. Nagtaka naman ang babae sa inasta nito, pero wala na siyang nagawa pa kundi suklian lamang ito.






Nasa may balkonahe sila, kahit pa lumabas pa siya ay walang makakita dahil malayo ito sa mga kabahayan. Malayo sa kalsada. At minabuti na rin yon para walang makakita sa kanila.... At sa kanya.






"Salamat po Nana, dahil sa 'yo nakaalis ako sa masalimoot na lugar. Maraming maraming salamat po talaga Nana" pagpapasalamat nito at humiwalay sa yakap.





"Wala 'yon, Basta ang importante nandito kana magagawa muna ang lahat ng gusto mo" ngiting Sabi nito.





Ngumiti naman ang dalaga sa kanya at walang alinlangang tumango ito. Nagtaka ang dalaga sa biglang paglungkot ng kaniyang Nana, kaya nagtanong ito.







𝖳𝗁𝖾 𝖧𝖺𝗅𝖿 𝖲𝗇𝖺𝗄𝖾 (On-going)Where stories live. Discover now