Language Warning:
This chapter contains offensive language and vulgarity. Reader's discretion is advised."Shot pa tayo! Mga mahihinang nilalang pala kayo, e!"
An'dami nang mga bote ng Arbor Mist sa mesa na wala nang mga laman; iba-iba 'yung flavors nito. May mga basura pa nung mga pagkaing pinulutan namin. We were still here sa VIP area ng mini-bar ng aming resort kasama ang mga pinsan kong mahihina. Around 6 to 9 percent lang naman ang alcohol by volume ng ininom namin, nakatulog na agad sila sa mesa. May 'di pa nga nabuksan, e. Kami lang meron dito kasi close 'to sa mga guests kapag Sunday.
"Chleia? Cassie? Val?" Inalog-alog ko sila lahat upang magising at samahan pa akong uminom, pero walang umimik. "P*tik naman, oh! Ubusin ko na nga lang 'to mag-isa!"
Bubuksan ko na 'yung huling bote ng Blackberry Flavored na Arbor Mist nung biglang nagsalita si Cassie; she was still napping on the table. "Tama na 'yan, Yara. Mag-e-entrance exam pa tayo bukas." Lasing na lasing na 'yung pagkasabi niya.
Entrance exam mo mukha mo. Sabihin niyo, ang hina-hina niyo lang talaga!
Inubos ko mag-isa 'yung isang boteng natira dahilan upang makadama ako ng labis na pagkahilo. Bigla ko ring naramdaman 'yung antok, at ang init na ng katawan ko. Nilagay ko ang huling bote ng Arbor Mist na ininom ko sa mesa't pinikit ang aking mga mata. I napped on the table, hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako pagkabukas dahil sa ingay nung mga naglilinis sa paligid nung resort. An'sakit nung ulo ko pagkagising ko, at nasa mesa parin ako. Wala na 'yung mga walang-hiya kong pinsan, at wala na rin 'yung mga kalat dun sa mesa. Naku naman, parang kakaidlip ko palang, tapos gigising na ulit?! Agad-agad?!
Tumayo ako't lumabas na sa bar. Bigla akong pumasok sa loob ng bahay na nasa loob lang din ng resort area nung may nakita na akong mga taong pumapasok at nagbo-book-in na sa may main entrance. Nakakahiyang ipakita sa kanila 'yung mukha kong parang may amats pa. Dali-dali akong pumunta sa banyo't doon na nga naligo. Entrance exam nga pala namin ngayon sa isang sikat at talagang kilalang public university school dito sa lugar namin.
Natagalan ako sa banyo dahil nakatulog pa ako ulit doon sa loob ng ilang minuto. Pagkalabas ko, andun na agad sa kwarto ko 'yung mga pinsan kong tapos nang magbihis; pinapakialaman na ngayon 'yung mga make-up kits ko na parang pagmamay-ari nila. Talaga nga naman! Ako pa tuloy 'yung nahihiyang kumuha kahit ako naman 'yung may-ari.
"Bilisan mo na diyan! First batch tayo ngayon na magte-take," sabi ni Val na nakaharap sa salamin; nagme-make-up na siya.
"Hangover pa 'yan!" wika naman ni Chleia na nakikipag-agawan na ngayon kay Val sa salamin. Nung 'di nakuha ni Chleia ang salamin, she tried to put some make-ups nalang sa mukha ni Val. At dahil napikon si Val sa ginawa niya, nagbabawian na ang mga may t*pak ngayon!
"Bilisan n'yo na diyan kasi baka ma-late na tayo! Naglalaro pa talaga, e!" sermon ng mommy Cassie namin. Sa aming apat, siya 'yung medyo matured talaga. Huminto agad sila Val at Chleia, at nagsalo nalang dun sa salamin; inaayos na ulit nila 'yung mga mukha nila. Nagmadali na rin ako sa pagpili ng susuutin ko, at sabay na kaming apat na pumunta sa dining area pagkatapos. I just wore my crop-top shirt, and my high-waist trouser. Then of course, my white shoes.
Nagmadali akong kumain kasi baka magalit na si mommy Cassie namin. Nagpaalam agad ako sa tunay kong mommy na busy na ngayon sa labas entertaining guests na pumapasok sa resort. Kinuha ko sa kaniya 'yung susi ng sasakyan, then as usual, she gave us some pieces of advice and warnings about driving bago kami umalis. Si Val 'yung pinag-drive ko ng White Toyota RAV4 namin kasi I was still fixing myself. 'Di ko kasi 'to nagawa kanina sa bahay sa labis na pagmamadali.
BINABASA MO ANG
Unbeliever's Point of View
General FictionI used to be called Christian before, pero simula nung na-backslide si mommy, tumulad na rin ako. Hindi pa matured sa pananampalataya, e, alam mo 'yun? Paiba-iba na 'yung aking tinatahak na landas. Bad words? Lagi na 'yung binibigkas ng bibig ko. We...