Chapter 7

5 0 0
                                    

"Pa'no kung 'di umabot si Raven kagabi, Yara?! Pa'no kung naibaba mo na 'yung bandila, tapos nakuha 'yung likas mong yaman?! Naisip mo ba 'yun?!"


Tumodo na sa pag-sermon si Cassie sa 'kin. Daig pa niya 'yung mommy Divina ko. Sobra ko pala talaga silang pinag-aalala. Hindi ko sila napatulog ng maayos kagabi. Panay 'sorry' nalang ako dahil aminado naman akong mali ko talaga ang lahat.


"Kung sinabi mo lang sana kung asan ka kagabi, sumunod na sana ako't may kasama ka na sanang uminom," hirit ni Chleia na masama na ngayong tinitigan ni Cassie. "Keme lang, Cass. Mahal kita!"


Kahit parang galit sila sa 'kin, hinintay parin nila akong matapos sa paghahanda. Binil'han pa nga nila ako ng mainit na sabaw sa baba para lang may mahigop ako't makatulong umano ito upang hindi magka-hangover. Sila na rin ang nagplantsa nung susuutin ko, dahil kung ako pa ang gagawa nun, tiyak late 'yung bagsak ko.


Nakapasok ako on time sa klase ko. Hindi ko nga naramdaman 'yung sakit ng ulo dahil sinunod ko lahat ang sinabi ni Raven. Uminom ako ng maraming tubig, at dala pa ngayon 'yung tumbler niya na may laman rin siyempreng tubig, ininom ko 'yung bili niyang gamot, 'yung Gatorade, kumain ng sakto, at 'di na rin naligo. Naging better pa dahil dun sa sabaw na nahigop ko. Kaso 'yung pagkaantok, halos 'di ko talaga kayang labanan.


My first 2 classes in the morning were already done, kaya pumasok na muna ako sa study room hindi para mag-study; I just really wanted to take a sleep! 45 minutes naman 'yung break bago ang aking 3rd subject, kaya gamitin ko nalang muna 'to para matulog.


Pagpasok ko sa air-conditioned na study room, naghanap agad ako ng aking mauupuan. I took a sit at nilapag sa 'king tabi 'yung bitbit kong bag, nilagay sa mesa 'yung dala-dalang tumbler, then my phone na may naka-set nang alarm. When I was done positioning all of my things, pinosisyon ko na rin 'yung aking mga kamay sa mesa't 'yun ang ginawa kong unan. I napped, then closed my eyes! Wala naman sigurong makakaistorbo sa 'kin dito kasi bawal mag-ingay dito sa loob. Halos lahat ng estudyante dito, nagbabasa. Pero ako, matutulog lang ako kasi alam ko namang we're born unique!


Napakahimbing nung tulog ko. Kung 'di lang sana ako inistorbo ng alarm kong ang tunog ay background music ng Graduation March, ayoko pa sanang magising. Nakaka-inspire kasing bumangon kung ganun 'yung tunog.


Pagkatapos ng ilang segundong pagiging lutang, do'n ko pa napansing nasa harap na pala ng tenga ko galing 'yung tunog ng aking alarm. Pa'no?! I put my phone earlier sa mesa, pero ba't gan'to na kalapit 'yung tunog nito ngayon?


I got up from napping down the table, then I surprisingly saw Raven beside me. He was watching me habang tinutok sa 'king tenga 'yung speaker ng phone ko. I took my phone from him, at pinatay na 'yung alarm. Kainis! Kanina pa pala tumutunog 'tong alarm ko!


"Dito na ako umupo para malapit sa 'yo 'yung alarm mo. It looked like parang 'di ka na gigising, e. Your alarm was already repeated… 5 times," Raven said.


"Naku, no!" my reaction for what he just said. "Nakaistorbo ba ako?!"


"Nope. In fact, they made some fun of your alarm," then he looked around while smiling a bit.


Nilibot ko ng tingin ang lahat ng nakapalibot sa 'min. Some of them were now holding their laughs, some were hiding their faces, ang iba'y tumalikod na sa 'kin, at ang iba nama'y biglang bumalik sa pag-upo na parang galing pumila sa pagmartsa sa gitna. Naku naman! Were they just acted like it was a Graduation Day because of my alarm?! Ano na naman ba 'tong ginawa ko?! Nakakahiya talaga!


"Ba't pangiti-ngiti ka diyan?!" I madly asked Raven, the reason why he immediately held it.


"Mauna na ako," then I stood up. Nagulat pa ako nung pagkuha ko sa tumbler, puno na ang laman.


Unbeliever's Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon