Language Warning:
This chapter contains offensive language and vulgarity. Reader's discretion is advised."Ano 'yung sabi niya? Daig pa raw ako ng bata? Ay, ewan ko nalang talaga! Hindi ko naman sinabi sa kaniyang siya 'yung magdasal dun sa harap! K-Kaya ko 'yun, 'no! N-Nagulat lang ako!"
Nasa isang shopping mall na kaming apat ng mga pinsan ko't panay reklamo parin ako do'n sa lalake. Isang oras kaming in-orient doon sa room kanina, at isang oras din naming t-in-ake 'yung entrance exam. Ewan ko nalang dun kung ilan 'yung kuha ko. Pagkatapos do'n ay agad na kaming dumiretso dito. Maaga pa naman kasi.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga sinasabi mo, Yara? Kanina ka pa sa sasakyan, e." Natigil si Cassie sa pagpili ng mga dress at tiningnan ako. Naiirita na yata sa 'kin. Oo nga naman pala. Kanina pa talaga ako. Pero, kasi naman, e! Sino'ng 'di mao-offend dun?
"Matapos kang patulugin sa balikat niya, ganiyan na ang sasabihin mo sa kaniya ngayon?" panunukso pa ni Val.
"What the-- ba't 'di n'yo kasi ako ginising?!" Galit na ako ngayong naalala na naman 'yung kahihiyang ginawa ko.
"He said, hayaan ka nalang raw namin. Tulog ka na, e," Chleia uttered, at 'di man lang 'yun nakapawi sa hiya at galit na nararamdaman ko parin hanggang sa ngayon.
"Pero in fairness, may spark sa inyong dalawa habang tinitingnan ko kayo kanina. Bagay kayo!" Heto na naman 'tong si Val na kung sinu-sino nalang 'yung pinapares sa 'kin. B*liw na yata 'to!
"Hindi bagay!" hindi pagsang-ayon ni Chleia. Teka, parang mag-aaway na naman 'tong dalawang 'to ngayon. "Sa tingin ko, maka-Diyos 'yun. Samantalang itong Yara natin, maka… mandag 'to. Makad*monyo! Wala 'tong lugar sa puso ng poging lalakeng 'yun!"
"Sabagay." First time kong narinig si Val na sumang-ayon sa sinabi ni Chleia. Nakakagulat naman 'yung dalawa.
"Pero, pwede pa namang lisanin ni Yara itong mundong kinagisnan natin ngayon. I mean, change is always possible naman sa mga taong tunay na nagmamahal." Ayan na. Nagsalita na ulit si mommy Cassie. Nahawa na rin?!
Lisanin 'yung kinagisnan kong mundo para lang dun? Parang lang sa pagmamahal? Like, no more alcoholic drinks? No more bad words? Present ulit sa church every Sunday? Imposible yata 'yun. Pero, walang hiya! Ba't ko naman iniisip ang mga gan'tong bagay sa ngayon? Hindi ko gusto 'yung lalakeng 'yun, and I couldn't imagine myself from falling inlove with any Christian boys out there. Chleia was right. Wala akong lugar sa kanila.
"Ewan ko sa inyo! Sino ba naman kasi ang nagsabing gusto ko 'yung lalaking 'yun? Kayo lang nama--" Natigil ako nung may nabangga ako sa aking paglalakad. Nais ko kasi sanang lumayo sa mga pinsan ko. At sa pagmamadali ko'y hindi ko na ito napansin.
"Sh*t, sorry. Okay k--" Natigil ulit ako nung nakita ko na 'yung mukha ng lalakeng nabangga ko. Naku naman! It was him… again?! Totoo ba 'to? Pinupulot na niya ngayon 'yung mga nahulog na damit na napili niya.
"O-Okay ka lang?" pagtapos ko sa aking nais itanong. "F*ck!"
"Can't you stop yourself from saying bad words?" estriktong tanong nito pabalik sa 'kin. Seryoso yata ng buhay nitong lalakeng 'to. Hindi yata 'to ngumingiti sa tanang buhay niya. "I'm fine."
Tiningnan niya ako't parang tinatanong nung mukha niya kung okay lang ba ako. "I'm okay. C-Can I have your name?" Nakakahiya 'yun, pero atleast nasabi ko na. I just really wanted to know his name.
BINABASA MO ANG
Unbeliever's Point of View
Narrativa generaleI used to be called Christian before, pero simula nung na-backslide si mommy, tumulad na rin ako. Hindi pa matured sa pananampalataya, e, alam mo 'yun? Paiba-iba na 'yung aking tinatahak na landas. Bad words? Lagi na 'yung binibigkas ng bibig ko. We...