Language Warning:
This chapter contains offensive language and vulgarity. Reader's discretion is advised.Sh*t, ba't ang sakit?!
Kahit na hanggang sa palakad na ako pabalik ay ang sikip-sikip parin ng dibdib ko. I cried, at parang nawawala na ako sa isip. Sobra akong nasaktan habang pinagmamasdan 'yung librong hawak ko't bigay ko sana kay Raven. Ano nga ba 'yung pagkaintindi niya sa mga ginagawa kong 'to? Iniisip ba niyang ginagawa ko 'to dahil may gusto ako sa kaniya? Ganun ba 'yun? F*ck! Gusto ko lang namang mapatawad niya 'ko sa kasalanang nagawa ko sa kaniya!
An'sakit naman! Akala ko talaga, 'di tatagos sa puso ko 'yung sakit ng katagang, 'Wala akong lugar sa mga tulad niya.' Pero, tagos na tagos pala kapag siya na mismo 'yung nagparamdam sa 'kin nun. He made me feel na kahit maging kaibigan lang niya, hindi talaga pwede.
Pero, sige! 'Di ko na siya guguluhin ulit. He said, I need to stop. At hindi na naman siguro ako bata para hindi pa 'yun maintindihan, 'di ba? Hindi ko na alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kaniya, pero kailangan ko na sigurong ihinto 'to. Kab*liwan lang ang lahat ng 'to!
Paakyat na sana ako, pero nakita ko pa si Raven sa may elevator. Mabilis akong nakabalik sa nilakaran ko't dun na muna tumambay sa may parking area.
Nakita ko 'yung sasakyan ko't pumasok agad sa isip ko ang uminom. Dahil na rin siguro sa gustung-gusto kong makalimutan muna 'yung mga nangyari, agad akong nagmaneho sa sasakyan palabas dahil dala ko naman 'yung susi nito. Pumaripas ako sa pag-drive at huminto sa isang bar na pinakamalapit mula sa campus.
Pagkarating ko sa loob, I immediately ordered 5 bottles of Bacardi Breezer with varied flavors saka umupo sa isang bakanteng table. Ito 'yung pinili ko kasi mababa lang 'yung amount ng alcohol. May pasok pa ako pagkabukas! Wala din kasi sana 'to sa plano, e!
"Tatlong bote pa dito, please!"
Hindi ko namalayang lumilipas na pala 'yung oras at dumadami na rin 'yung mga bote ng ininom ko sa mesa; wala nang mga laman 'yung iba. Naparami na rin 'yung in-order kong chips at popcorns. Hilong-hilo na ako't pakiramdam ko'y 'di ko na kayang tumayo mag-isa!
Sinubukan kong tumayo ngunit nasusuka lang ako't gusto ko nalang humiga dun sa upuan. Wala na talaga akong lakas! Ayoko na! Ang init!
Pahiga na ako sa upuan nung biglang may tumabi sa 'king lalake. 'Di ko na maklaro 'yung mukha nito dahil halos 'di ko na maidilat 'yung aking mga mata. Wala na akong ibang gusto ngayon kun'di ang sumuka, tapos matulog!
"Hey? Do you want to dance with me?" tanong sa 'kin nung lalakeng tumabi sa 'kin. Parang himas-himas na niya ngayon 'yung balikat ko. Ewan ko kung siya ba 'yun.
"Nasusuka na nga ako dito't pasayawin mo pa ako?" lasing na lasing ko na na pagkasabi. "G*go ka ba?"
"Gusto mo punta tayo ng CR?"
"May shot do'n?"
"Wait for me; babalik ako." Nakita ko pa 'yung pangngiti nitong parang may masamang binabalak.
Pagkaalis nung lalake'y nakita ko 'yung phone kong bigla nalang umilaw sa mesa; tumawag na sa 'kin si Cassie. Nahirapan akong sagutin ito nung una kasi 'di ko na nga halos makita 'yung screen ng phone ko.
"Ba't tawag ang Cassie ko?" tanong ko nito nung nasagot ko na ang tawag. Parang 'di na klaro 'yung mga pagkabigkas ko sa mga salita ko.
BINABASA MO ANG
Unbeliever's Point of View
General FictionI used to be called Christian before, pero simula nung na-backslide si mommy, tumulad na rin ako. Hindi pa matured sa pananampalataya, e, alam mo 'yun? Paiba-iba na 'yung aking tinatahak na landas. Bad words? Lagi na 'yung binibigkas ng bibig ko. We...