"Naku, shi-- shems! Sorry! Fu-- fatay na! Sorry talaga! Bwis-- AHHH!!!"
I tried so bad to fix everything. Pinunasan ko 'yung librong basang-basa na, natataranta, at 'di na alam ano ang susunod na gagawin. Raven looked like very mad at me. Sino ba naman kasi ang 'di magagalit dun sa ginawa ko? Gustung-gusto ko na talagang magmura! Ang tanga ko!
"Stop," Raven said; he wanted me to stop from what I was doing. Nakuha na namin ang atensyon ng iilang estudyanteng kumakain din sa loob.
"Bibil'han nalang kita ng katulad nito," tanging naisip kong solusyon sa lahat ng katangahan ko. Patuloy ko paring pinupunasan 'yung libro. "Sorry talag--"
"I said, stop… then leave." Ang tulis na ng kaniyang tingin sa upuang nasa kaniyang harapan; parang galit na niyang nginunguya ngayon 'yung kinakain niyang fries.
"Sorry talaga," patuloy kong paghingi ng tawad. Hindi ko na alam anong gagawin ko sa labis na hiya. "I'm so sorr--"
"Just leave!" Medyo malakas at may galit na 'yung pagkasabi niya, kaya mas dumami 'yung nabaling sa 'min 'yung atensyon.
I awkwardly walked away from him, kinuha 'yung bag sa table namin ng mga pinsan kong parang nakokonsensya na ngayon ang mga mukha, saka umalis palabas nang 'di man lang nagpaalam sa kahit isa sa kanila. I was about to cry dahil sa sobrang hiya, pero pinigilan ko 'yun dahil mas nakakahiya siguro 'yung makita ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko sa daan na umiiyak.
Mabilis kong nilakad ang main cafeteria papunta sa dorm unit namin ng mga pinsan ko. Nasa 6th floor 'to kaya medyo natagalan lang sa elevator.
First day na first day, I already decided to cut classes. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos saka bumaba sa may parking area at pinaandar agad ang sasakyan. Palabas ako upang maghanap ng mga local book stores; nagbabaka-sakali akong mahanap 'yung librong katulad sa kay Raven na nabasa ko. Alam kong kailangan na kailangan niya talaga ng ganun, kaya kinakailangang 'di na 'to malipasan pa ng araw. Kasalanan ko, kaya kailangan kong mag-sacrifice.
Dahil nga hindi naman ako mahilig sa mga books, pahirapan talaga para sa 'kin ang maghanap ng mga book stores. Naglibot na ako sa kahit saan, kaso talagang wala. Mahirap ding mahanap 'yung mga ganoong klase ng libro, kaya alam kong kahit makahanap pa ako ng book store ngayon, malabo paring may ganung libro.
Sa kakalibot ko kahit sa'n, naabutan na ako ng tanghali. I stopped the car sa harap ng isang pamilihan ng fried chicken. Gutom na ako, e, at paborito ko 'yun. Hindi na ako bumaba at nag-order nalang sa may bintanang malapit sa may driver's seat.
"Mamaya na muna kayo, ha? Uunahin muna natin 'tong si madam," sabi nung tindera matapos kong sinabi kung ilan ang gusto kong bil'hin.
Medyo 'di ko nagustuhan 'yun. Dahil ba magara 'yung sasakyan ko't nagmukha akong mayaman sa dating ko, e ako na agad 'yung dapat at kailangang unahin? Halos ganito talaga 'yung ayaw kong ugali ng mga tao, e. 'Yung dinedepende lang ang pagtrato sa kung ano ang estado mo sa buhay.
"Ate, unahin mo na sila," I said habang tinitingnan 'yung mga nakapilang 'di na maayos-ayos 'yung mga mukha dahil sa init ng sinag ng araw. "Sila po 'yung nauna sa 'kin, kaya unahin niyo na sila. Kaya ko pa naman pong maghintay dito."
"You're so kind!" Bigla kong napasyal 'yung tingin ko sa kahit saan nung narinig ko ang parang boses ng bata. Tumingin ako sa may baba, at andun lang pala 'yung napaka-cute na batang babaeng nakangiti na akong tinitigan ngayon. Kakarating lang nila kasama nung ginang na mama niya yata.
BINABASA MO ANG
Unbeliever's Point of View
General FictionI used to be called Christian before, pero simula nung na-backslide si mommy, tumulad na rin ako. Hindi pa matured sa pananampalataya, e, alam mo 'yun? Paiba-iba na 'yung aking tinatahak na landas. Bad words? Lagi na 'yung binibigkas ng bibig ko. We...