CHAPTER10

181 5 0
                                    

SAMANTHA'S P.O.V

"Shit Fraizer! Ano ginagawa mo dito sa ladies room?"

Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Fraizer dito sa comfort room ng mga babae. Dito parin sa mall. Kasalukuyan kong inaayos ang sarili ko sa harap ng salamin ng biglang sumulpot sya sa may likuran ko.

Ihing ihi na kasi ako kanina kaya hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanila lalo na kay Mam Aya. Pero ang hindi ko alam ay sinundan pala ako ng uranggutan nato. Psh!

Ang pervert talaga!

"Shh! Wag ka maingay!" Sabi nya na nabasa ko lang sa buka ng bibig nya.

Nakaharap parin ako sa salamin ng comfort roo at mula doon ay kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha nya.

Seryoso.

At parang may natutunugan akong mangyayaring hindi maganda samin.

"Tara!" Mabilis nyang hinila ang kamay ko at sumunod na lang ako kung san nya balak pumunta.

Naglabas sya ng isang PPK German Police Pistol at inilabas ang iphone nya habang halos patakbo na kaming naglalakad. Huminto kami sa isang elavator at pumasok. Pagkapasok namin ay pinindot nya ang B1 o basement 1. Parking space iyon na nasa underground ng mall na ito.

"Fraizer. Pwede bang paki explain naman sakin kung ano ang nagyayari?" Inis kong tanong habang may dina dial sya sa phone nya.

"May nakasunod sayo." Itinutok nya ang iphone nya sa tenga nya.

"Track me Lewis." Sabi nya pa sa hingal na boses dahil narin sa kakalkad ng mabilis.

May sumusunod pala sa akin pero diko man lang yun napansin? Ang bobo mo talaga Samantha!

Tinampal tampal ko ang noo ko. Naiinis ako sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. "Bullshit talaga!"

"Tigilan mo na yang kaka torture sa noo mo. Wala namang maitutulong yan." Sabi nya sa seryosong tono.

"Maghanda ka Ms. Sexy, may naka abang satin paglabas ng elavator." Tiningnan ko sya at kumindat naman ang gago. Psh! Kala ko pa naman seryoso na tong uranggutan nato. Putee!

Tumango ako at ikinasa ang dalawang seniorita pistol na nakasalangat sa may hita ko na nakatakip sa mahabang paldang suot ko.

"Si Mam Aya. Baka mapahamak sya." Ako.

"Hindi yun. Nandun naman yung dalawang panget."

Makapanget naman to.

"Sa totoo lang, si Ligaya talaga ang main target nila. Pero may bawat isang taong naka assign satin na bantay nya at tayo ang uunahin at iisa isahin nila." Hindi ako papayag!" Ako.

"Ganun? Edi galingan mo." Torture talaga sakin tong taong to. Psh!

"Here they come."

Pagbukas ng elavator ay sumalubong samin ang sunod sunod na paghagis ng mga matatalim na Ninja rubber throwing stars.

Pero bigo sila dahil kahit isang daplis ay hindi sila nakatama.

Lumabas kami ng elavator at tumingin tingin sa paligid.

Walang tao.



Puro sasakyan.



Madilim.


The Assassin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon