CHAPTER 11

165 7 0
                                    

REDELEFORD's P.O.V

"Tulog naba si Miss Aya?" Tanong ko habang nandito kami sa sala at nagmomovie marathon.

Dalawang araw ng wala si Fraizer at hanggang ngayon ay wala paring balita galing sakanya. Ano na kayang nangyari sa hinayupak na yun? Takts! Di kaya tinodas na sya kasi hindi effective ang acting skills nya? Putakte! Mababawasan ang mga mayayabang sa mundo pag nagkataon.

Pati si Mr. Blood di pa rin tumamatawag kaya relax relax muna kami habang wala pang commands.

"Ayun at nakatulog na sa kakahintay ng tawag at text ni Sir Blod." Sabat ni Sam habang nagsasalin ng tubig sakanyang baso na nandito sa lamesita sa gitna naming tatlo.

"Haist Sam. Tabi ka nga dyan, kita mo ng may nanonood. Ayan na, malapit na silang magtukaan! Tabi!" Si Lewis yan.

"Oo nga, epal ka naman. Bat kaba nakaharang kasi dyan?" Bulyaw ni Granger.

"Matulog ka na nga Samantha. Bakit ba kasi nakagising kapa?" Ako

Wengya! Lalo pa syang humarang at nagdipa sa harapan ng flat screen t.v. Kinuha pa ang remote at pinatay pa ito.

"Now. Explain to me everything assholes!" Sabi nya na naka cross arms sa chest nya at nakataas ang isang kilay. Nakasuot ng napaka ikling shorts at manipis na strap na sando.

Swerte nya at wala si Fraizer dito.

"Sam, sa susunod nga wag kang magsusu-suot ng mga ganyan kaiikling mga damit. Swerte mo lang at wala ang pinakamanyak na nilalang dito. Haha." Sabi ko ng tawa tawa.

"Well, unfortunately wala si fraizer the pervert dito. At pwede ba paki explain naman lahat ng nalalaman nyo? Two days na syang wala, two days na syang hindi nagpapakita, at two days nyo naring iniiwasang pag usapan sya. Can you guys please be honest with me? Akala ko ba team tayo? Pero bakit parang ako lang ang out of place dito?"

"Hindi namin masabi sabi sayo kasi lagi din naman nating kasama si Miss Aya. Baka makatunog sya kapag nakarinig sya. Alam mo naman si boss, malilintikan kami kapag may nalaman si miss Aya sa mga ginagawa natin." Si Granger.

"Tulog na si mam Aya ngayon, siguro naman pwede na." Sabi ni Sam na naka cross arms padin sa chest nya.

"Ok, pano ba to? Tsk! Ikaw na nga Lewis." Sabi ko.

"Ipinain ka ni Fraizer sa mga kalaban nung mga nakaraang dalawang araw. kung napansin mo, sinundan ka nya sa ladies room para sadyang dalhin sa basement ng mall na iyon. Hindi totoong may nakasunod sayo. Planado ang lahat."

"Eh walang hiya pala talaga yung manyak na pervert nayun eh!"

"Shh! Wag ka masyadong maingay." Sabi ko.

"Hindi ka nya gustong ipahamak o kahit ang sino man satin. Kaya nga tinawagan nya si Lewis para itrack kayo ng sa ganun may sumalo sayo kung sakaling may mangyaring hindi maganda." Patuloy ko pa.

"At si Fraizer din ang may gawa ng mga throwing stars na umatake sa inyo paglabas nyo nung elavator." Sabi pa ni Granger.

"Kaya pala ang weird nya. Why he didn't told me that early?"

"Kasi may microphone chip na nakalagay sa kanya at may mga nakatanim na CCTV Camera sa bawat daan na dinaanan nyo." Patuloy ko pa.

"Nakasagupa ko ang ilang ninja assasin ng Blue at ang karamihan sa kanila ay namatay na. Kaya nagmadaling umalis yung mga iba kasama na dun si Fraizer dahil ang paniwala nila. Sakanila na sya." Si Vince.

The Assassin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon