ITS - EP 6

221 6 0
                                    




"Kumusta pakiramdam mo ngayon, Miss?" I looked at the Doctor when he approached me and he was holding a folder that had his checklist. "Masakit pa ba ulo mo?" Tanong nito. Tulala pa rin ako. Nakatingin lamang ako sa kaniya, hindi ako makapagsalita. This is so weird. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

But all I know is I badly want to find out kung sino yung nag salita at pumasok sa isip ko. Ano 'yun? Para saan iyon? I tried remembering pero napahawak ako ulit sa ulo ko dahil sa pag sakit nun.

"Don't force yourself." Said by the Doctor again. Tumingin naman siya kay Max na nakaupo ngayon at mukhang problemado at nag-aalala ang itsura. "Can I talk to you, Mr. Tyruze?" Tumango naman si Max bago sila lumabas upang mag-usap.

Bakit ba 'to nangyayari sa akin?

"I will never leave you, Ashalia."

"I will never leave you, Ashalia."

"I will never leave you, Ashalia."

My head started spinning again as I heard the voices in my head. Who is this person?! I closed my eyes tightly as I called Max's name. Anong nangyayari ba sa akin? Epekto ba 'to nung sinuntok ako sa tiyan nung lalaking 'yun or dahil kay Max?


UNKNOWN POV

"Idiots!" I shouted angrily as I threw the glass of wine on the wall, breaking it into pieces. "Paano niyo nagawang hindi makuha yung babaeng 'yun? She doesn't even know any martial arts or kung fu to defend herself."

"I was so close, boss. But this motherf*cker intervened. Naisakay ko na sa sasakyan ang babae pero nahuli ako nung lalaking kasama niya palagi," Gabriel explained, isa sa mga tauhan ko. Hindi ako makapaniwalang naisahan silang dalawa ng lalaking kasama palagi ni Ashalia. Masama akong tumingin sa kanila bago hinilot ang sintido ko dahil sa katangahan na ginawa nila. Max Hughes Tyruze... you really know how to play your cards, huh? Tingnan lang natin kapag nakuha ko ang babaeng sobrang mahalaga sa'yo.

Pinagmasdan ko ang dalawang tauhan ko na kung saan ay may bandage sa braso, kamay at paa dahil sa ginawa ni Max sa kanila. What an a*shole. Kitang kita ko kung paano sila masaktan dahil sa natamo. Tumingin ako sa cellphone ko at tinawagan ang number ng isang tao na mas lalo kong mapagkaka-tiwalaan.

"Hello, my nephew. How are you?"  I greeted him as I grinned.

"Uncle?" He called me. Mas lalo ako napangisi dahil doon. It's been so long, my nephew. I am back.


JASON GREY POV
(Ashalia/Nabi's manager)

I gathered all the information na nakuha ko sa mga nangyari lalong lalo na nung una palang na may nagpadala kay Nabi sa dressing room niya kung saan kasama niya that time si Chen. Nakausap ko na rin si Adina, Nabi's makeup artist. I asked her kung sino nagbigay sa kaniya nung box, but she told me na nakita niya lang daw iyon sa counter sa first floor, where you can ask the greeter or welcomer to have an appointment sa kung kanino.

I also asked the greeter sa first floor and she also told me na binigay raw iyon sa kaniya ng isang lalaki na hindi niya kilala, but the guy told her na kaibigan daw siya ni Nabi. We really need to be careful sa ganitong sitwasyon. Max and I, hindi na namin hahayaang mangyari pa ulit yon. Hinding hindi na. I contacted my friend's number hanggang sa tumawag ito. Nandito ako ngayon sa isang cafe malapit sa condo niya.

The doorbell rang as I glanced at it. Nakita ko naman agad si Uno kaya agad akong kumaway rito pero napansin kong kasama niya rin ang kaibigan niyang si Dos. Well, this will do. Nakita naman nila agad ako kaya naglakad sila palapit sa aking direksyon as they pulled a chair at naupo.

Idol: The Service (MSS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon