ITS - EP 11

35 1 0
                                    



July 30, 2024 — STILL THE PREPARATION

It's been a week and two days simula nang matanggap ko na naman ang pang-babanta sa akin ng kung sino man. Until now, wala pa rin akong idea kung sino ang may pakana ng lahat at kung bakit ba gusto akong patumbahin nito. May nagawa ba akong kasalanan sa taong 'yun nang hindi ko namamalayan?

Is it one of my haters? But if them, are they really willing to k*ll me just because they don't like me? That is so f*cked up if that's their reason.

Hindi ko namalayan kanina pa pala ako kinakausap ni Jason dahil sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko ulit 'yun sinabi sa kanila na muli akong nakatanggap ng message from that number dahil ayokong mag-alala sila lalong lalo na si Max. Speaking of Max, he's been very busy since noong isang araw pa. Parang palagi ko siyang nakikita na may kausap sa cellphone at mukhang seryoso.

Is he okay? Anong pinagkaka-abalahan niya? May problema ba siyang hindi sinasabi sa akin? Sino yung lagi niyang kausap sa cellphone na tila'y lagi niyang tinatago kapag kasama ako? May tinatago ba siya?

Maraming tanong sa utak ko ang gusto kong masagot pero sa tingin ko ay hindi iyon masasagot hangga't hindi nakikilala kung sino ba talaga ang gustong magpatumba sa akin.

"Can I stay here for a while?" I asked to Jason. Nasa condo niya kasi ako ngayon dahil may kailangan pa rin akong asikasuhin sa papalapit kong concert sa Paris. Kinakabahan ako na excited.

"Of course— Wait. Let me take this call." I watched Jason walked out from his workroom kung nasaan ako ngayon before he closed the door. I let out a heavy sigh as I looked at my phone, still waiting for Max to text me. Ilang oras na rin kasi na hindi siya naga-update sa akin and I am so worried.

I'm starting to worry.

Ilang minuto pa man ay agad na bumalik si Jason pero parang mabilis ang paghinga nito na tila ay pagod? Saan naman siya napagod? Or pagod nga ba talaga?

"Ayos ka lang?" Tanong ko matapos tumayo. He bends his knee half way habang nakatungkod ang kamay nito sa kaniyang tuhod na tila'y hinihingal sa pagtakbo.

"The guy..." Sinong guy? "The guys that almost got you... were found d-ad." My mind went blank when he said those words and I think my brain did not process it properly. Ha? The guys that almost kidnapped me? P-tay na sila? How?

"Ano?" That's where my brain finally sinks the information in. "Saan? Sino raw pum-tay? Saan nila natagpuan ang katawan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya dahil sa nalaman. Naupo naman ito sa single sofa na nandito sa work room niya hanggang sa inabot niya sa akin yung phone at napansin ko ang number nito na may nakalagay na name na Uno.

Who's Uno?

"Who is this?"

"They are the one who found the d-ad bodies of those men."

"Pulis ba siya?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Can I meet him then? I just want to know everything about the kidnappers."

"He and Dos doesn't have any idea who k*lled the kidnappers, Nabi. All they did was to help the policemen about the case that you are experiencing right now and I don't have any idea who told them about this... Maybe, they know Max?" Patanong niyang sinabi iyon. Kilala nga ba ni Max yung sinabi ni Jason na sina Uno at Dos? Kambal ba sila at ganoon pangalan nila? Nasaan kaya si Tres? Just kidding. I don't have time to joke around— I need this thing to get done.

Idol: The Service (MSS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon