Kabanata 2 (UNEDITED)
Kasama ko ngayon si mama naglalakad tungo sa pasilyo ng simbahan. Suot ko ang puting dress at sandal na maliit lamang ang takong na binili ko sa shopee. Dahil sa suot ko nagmumukha ako isang magandang anghel bumaba sa lupa.
Inaantok pa ako. Tangina naman.
"Ma, masakit na ang mga paa ko." pag reklamo ko sa kaniya. Hawak ko ang paypay niya at water bottle.
"Tiisin mo 'yan, malapit na tayo." iyan ang lumabas sa bibig niya. Ngumuso ako at tumabi sa kaniya sa paglakad.
"Edi kawawa ang magandang anghel na tulad ko, Ma," ani ko sa malungkot na boses.
Binatukan niya naman ako at sinamaan ng tingin. "Kailan ka pa naging anghel, ha? Tumahimik ka nga d'yan, ang ingay mong bata ka, " masungit nitong sabi.
Natanaw ko na ang malaking simbahan nang tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ko ay bumungad ang message galing sa unknown number.
From: Unknown
+098********Hello, good morning.
Happy sunday and God bless you :)Replayan ko sana ito pero tinawag ako ni mama para pumasok na kami sa simbahan dahil nagsimula na ang misa.
Ngunit pagpasok namin ay hindi ko inaasahan makita dito ang tao na dahilan kung bakit ako kulang sa tulog kagabi kakaisip sa kaniya.
Naka-sideview siya at kilala ko agad kung sino. Napadasal ako sa isipan.
Lord, patawarin mo ako kung pogi agad bumungad sakin dito sa simbahan at isa pa, ang pogi niya kapag naka-polo.
Bagay na bagay sa kaniya. Bumakat ang malaki niyang biceps at nakasuot siya ng mamahaling relo sa pulsohan. May katabi itong babae na nasa junior high pa ata tapos isang lalaking matangkad merong hawak na bata.
Hindi ako sanay kahit kahapon ko lang siya nakilala. Parang hindi ito guitarist ng midnight kun'di normal na tao lumaki sa mayamang pamilya. Rich kid gano'n.
Iniwas ko ang paningin sa kaniya at sumunod kay mama na naghahanap ng upuan. Nanlaki ang dalawa kong mata sa pinili ni mama ng upuan.
Sa harap nila!
Gusto ko mag reklamo sa nanay ko kung bakit d'yan pa talaga. Mukhang na pansin ni Rence ang presensiya namin, lumingon siya dito at nagtama aming mata.
Suminghap ako sa hangin at madaling tumabi kay mama at hindi pinansin ang dalawang pares na mata nakatutok sakin.
Napalunok ako sa kaba at simulang pinagpawisan kahit nasa itaas namin ang malaking ceiling fan.
Tahimik lang ako sa tabi ni mama at seryoso nakikinig sa misa hanggang tumapos na. Madali akong tumayo at unang lumakad palabas sa simbahan habang ang nanay ko naman ay may kausap na matanda.
Mas mabuting hintayin ko nalang siya dito. Ayoko makita ang mukha ni Rence at lalo na mukhang familiar ako sa mata niya.
Basta, hindi p'wede.
"Hello po!"
Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin. Nanlaki ang dalawa kong mata kasi siya itong katabi ni Rence!
"H-Hello," nahihiyang sambit ko. "May kailangan ka po ba?"
She shook her head and handed me the fan.
"Naiwan mo kanina sa upuan ang paypay mo," mahinhin niyang saad.
Nahihiya kung kinuha ang paypay. "Thank you. Lagot ako neto sa nanay ko kung hindi mo nakita sa upuan." tumawa siya sa sinabi ko. Ang ganda niya talaga tumawa.
Grabe naman, 'pag ako tumawa ay sobrang lakas tapos hindi pa mahinhin ang boses.
"Actually, I'm not the one who found this, my kuya did. Inutusan niya lang ako ibigay 'to sayo." pagpapaliwanag niya. Natigilan naman ako.
Kuya?
Please, sana mali ang inisip ko. Ayaw ko makita ang mukha niya at iniwasan ko na nga kanina tapos magkita na naman kami ulit dito sa labas ng simbahan?
Nung umulan ng kamalasan, sinalo ko lahat.
Parang gusto ko tuloy umiyak sa harap ng kapatid niya ngayon.
"Ah. . . gano'n ba? What's your brother name?" pilit ngiti kong tanong kahit alam ko naman kung sino.
Unti-unti bumukas ang kaniyang bibig upang sabihin ang pangalan ng kuya niya, ngunit agad iyon napatikom nang may nagsalita sa likuran ko.
"Rence. . . Rence Blake Ichabod," a cold voice whispered in my ears. "That's my name."
Dahil sa gulat napaatras ako at napasandal sa matigas niya ng dibdib. Madaling pumulot ang matigas ng braso sa maliit kong bewang para suportahan pagtayo kung sakaling matumba ako.
Naramdaman ko ang hihinga niya sa leeg ko. Namumula ang dalawa kong pisngi at madaling tumayo ng matuwid.
"C-Can you please remove your hand?" naiilang saad ko.
Tangina, ba't ako nauutal? Kapag siya ang kaharap ko, tiklop agad.
He chuckled.
"Oh, right." agad niya naman sinunod nang mapansin hindi ako comfortable.
I look at his sister. Kumikinang ang mata niya at malaki ang ngiti habang pinagmasdan kami.
Napalunok ako at binalik ang paningin kay Rence. Nakakapanghina ang namumungay niyang mata at malambot na mukha nakatitig sa'kin.
"Uhm. . . thank you pala. I will treat you a coffee if we met again."
There's no next time, please don't let our path cross again. I just don't want to fall. . . deeper. Natatakot ako.
"Okay," he said, then smiled at me. "I appreciate it. Hope to see you again."
"Anak, uuwi na tayo." biglang sulpot ni mama sa katabi ko. Napahinga ako ng maluwag at nawala ang kaba sa dibdib ko.
"Sino ba itong kausap mo?" nakangiting wika ni mama at inabot sakin ang water bottle. Madali ko iyon kinuha at hindi pinansin ang tanong niya. Lumingon ako sa babaeng kapatid ni Rence.
"Sana magkita rin tayo ulit. Aalis na kami, bye-bye."
Nung sumakay kami sa trycicle, pinagalitan ako ni mama ba't ko raw siya hinila, hindi pa nga niya kinausap ang dalawa kuno.
Nahagip ko ang isang coffee shop. 0 Ang sarap magkakape ngayon. Bago pa lumagpas ang trycicle ay nagsalita ako.
"Teka lang po, manong, ibaba mo po ako dito." hininto naman ni manong ang trycicle.
"Ma, magkape lang po ako and don't worry po uuwi agad ako pagkatapos." ngumiti ako ng matamis para pumayag siya. Tumaas ang kaliwang kilay niya at bumugtong hinga.
"Dati ka bang ice coffee, Verda? Kasi ang adik mo sa kape," masungit niyang saad. "Sige, pagkatapos mo magkape uuwi ka agad ha?" dugtong pa ni mama.
Tumango naman ako parang bata at lumabas sa trycicle. Kinawayan ko siya at hinihintay mawala ang trycicle sa paningin ko.
"Wait for me, my baby." bumungisngis ko. Wala, natuwa lang ako. Bukod sa strawberry cake, favorite ko rin ang ice coffee.
I think this is where I shall take him.
BINABASA MO ANG
Midnight Band 1: Rence Blake Ichabod
RomanceFor the first time in Niverda's life, she fell in love at first sight with Rence Blake Ichabod, the guitarist of the midnight. It was dangerous for her heart so Niverda believed they would not meet again, but the fate meant to let their paths crosse...