Simula
Bumuga ako sa hangin at walang magawa dahil nakakapit sa braso ko ang kaibigan ko. Baka raw tatakbohan ko siya. Eh? As if naman gagawin ko 'yan. Hindi ko nga medyo kabisado ang lugar ito.
Hetong katabi ko na mukhang linta. Bwesit.
Atsaka nakakainis naman dahil meron pa akong gagawin sa bahay. Ayaw ko sanang sumama sa kaniya kaso pinaalam niya ako kay mama at syempre pumayag naman ang nanay ko. Palagi na lang daw ako sa kwarto at lumalabas lang kapag inuutosan.
Sabi pa niya, ‘kahit huwag mo na siyang iuwi.’
Oh diba, parang 'di anak.
Pumasok kami sa isang cafe shop. Nilibot ko aking paningin at 'di mapigilan mamangha dahil aesthetic ang dating nito.
“Verda ko, dito muna tayo, mamaya pa raw sila mag gig,” malambing niyang sabi at pinaupo ako sa isang upuan.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Gig? Pinagsasabi mong bruha ka,” inis kong wika.
Napabungisngis 'to parang bata.
“Hehe, kinuha talaga kita sa bahay niyo para samahan ako manuod ng banda mamaya,” nakangiti niyang sabi. “Don't worry, Verda ko, ilibre kita.”
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Masarap talaga pag nilibre. Kapalan ko muna ang mukha ko kahit ngayon lang.
“Sige, samahan kita mamaya. Anong oras ba sila mag simula?” tanong ko rito at kinain ang strawberry cake na inorder niya kanina.
“Alas singko. Midnight is the name of their band. Hindi sila sobrang famous pero alam ko magiging sikat mga 'yon soon.” Tumatango lamang ako kahit hindi ko naman tinanong ang sunod niyang sinabi.
Pagkatapos namin kumain, pumunta kami agad sa mga taong nagtitipon malapit sa stage.
Lumapit sa'min ang dalawang babae na may hawak ng banner. She's cute. Naka-jumper siya at may salamin.
“Hello po! I'm Rhea at itong kasama ko ay si Joe. Fans din po ba kayo?” nakangiti niyang tanong. Yung kasama niya kung may ano kinuha sa puting bag.
Sasagot sana si Avria pero inunhan ko na baka ano pang isagot neto. Kilala ko pa naman siya.
“Uhm. . . actually, itong kasama ko lang,” awkward kong saad at tinuro ang katabi ko.
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Rhea. Napangiwi naman ako. Hindi ba siya napapagod ngumiti?
Bibigyan pa nila sana ako ng banner kaso tinanggihan ko. Pumilit pa sila pero sa huli tumigil na rin dahil sa katigasan ng ulo ko. Nag-uusap pa sila ni Avria at nagkikinig lang ako dahil 'di ako relate sa topic nila.
Sadyang 'di ko pa talaga sila kilala.
Nagsimula nang umingay ang paligid, ibig sabihin no'n ay nandito na sila.
Nakadikit ang dalawa kong kilay at busangot tumingin sa kay Avria. Nang makita niya ang mukha ko, humalakhak siya ng malakas.
“Gago ka! Hindi mo sinabi sakin ganito pala kaingay!” mahina kong sigaw saktong siya lang makarinig. Hinampas niya ang braso ko.
“Ano ka ba! Ganito talaga kapag banda. Masanay ka rin mamaya.” Inirapan ko siya at binalik ang paningin sa harapan.
Napansin kong nakatingin sakin ang isa nilang miyembro. Talagang sa akin ba?
Napaka-asumer ko naman, ehe.
Lumingon ako sa likuran ko baka dito siya nakatitig pero nagkamali ako dahil walang tao nakatayo. Binalik ko ang paningin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
Tingin-tingin mo? Hmp!
He looked away when his member call him. They're still preparing but their so-called-die-hard-fan is shouting like there's no tomorrow. Baliw na nga.
“Hoy, tumigil ka nga! Kanina ka pa, ha!” sita ko kay Avria. Ang likot ng babae 'to.
“Sino yung lalaki nakahawak ng pulang gitara?” I ask out of curiosity.
Napatakip ito sa bibig at sinindot-sindot ang bewang ko. Inaasar niya ako at nakakainis iyon.
“Asus, ang ganda mo talaga! Nakita ko iyon ha, nakatingin sa'yo si Blake!” Tili niya. Hindi ko ito pinansin.
“By the way, Rence Blake Ichabod ang name ng tinanong mo. Ang pogi, 'di ba? Narinig ko lang, kuya niya raw ay isang multi-billonaire. Ang yaman talaga ng mga Ichabod,” dagdag niya pa. Kumapit siya sa braso ko at tumalon-talon.
Pinakahuli kasi kami at itong kasama ko ay pandak kaya tumalon. Napailing na lang ako.
Naalala ko ang sinabi ni Avria kanina na hindi gaano kasikat ang banda nila. Multi-billionaire ang kuya, eh, p'wede na yan maging sikat ang banda nila.
Agad ako napalingon sa maliit na stage kung saan sila nakatayo nang maagaw pansin ang tunog ng electric guitar.
Namangha ako sa guitarist nila. Parang nilaruan niya lang ang gitara dahil sa mabilis at malikot ng kamay nito. Kaagaw pansin din ang kaniyang puti at mahabang daliri. Nakita ko sa mukha niya nag e-enjoy ito at anlaki ng ngiti.
I think he loves music a lot. He shine and enjoy on stage with his band mates.
Iniwas ako ang aking paningin at lumunok. Bawal dapat magkaroon ng crush kay Rence, kahit type ko siya, bawal pa rin.
Tumingin ako sa apat niyang kasama. Mga gwapo at mukhang mayaman.
Simula ng nagsalita ang nasa center nila.
“Hello guys, good afternoon!” malambing ang boses ng lalaki. “I would like to thank you all for coming here. For those who don't know us, I'm Kelvin, the vocalist of midnight.”
Mas lalong lumakas ang tilian ng mga kababaehan at kasama na rin ang kaibigan ko kanina pa nakahampas sakin dahil kinikilig.
“ang pogi ng bebe kelvin ko!” Tili ni Avria sabay takip sa bibig. Ngumiwi ako sa kaingayan ng babae 'to.
“And this is Blake, our guitarist.” tinuro niya si Rence. Ngumiti siya at kumaway.
“The drummer is Clyden, the bassist is Bruce, and our pianist is Julius.”
Masingkit ang mata ni Julius at mukhang inosente rin, animo'y hindi nakabasag ng pinggan sa bahay nila. Samantalang si Clyden naman ay mukhang badboy dahil sa panamit nito at may piercing sa pang-ibabang labi, at suplado tignan si Bruce.
Hindi na ako magtataka kung bakit crush ng kaibigan ko si Kelvin dahil moreno at mukhang may lahing mexican. Talagang ito ang tipo niya sa lalaki.
Tumapat sa bibig ni Kelvin ang mic at simulang kinanta ang unang likiro.
“Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan”“Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala”And it's Rence turn to sing.
“Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig”It's my first time to hear his voice!
Hindi ko akalain ganito kaganda ang kaniyang boses at para kang hinele sa lambot nito.
“At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala
Na ikaw lang ang s'yang inibig”Ang asul nitong mata ay tumapat sa akin at ngumiti ng matamis ikinalambot ng tuhod ko. Napahawak ako sa dibdib nang bumilis ang tibok ng puso ko at parang kinarera 'to.
“Ikaw lang ang iibigin
At sa iyong paglalambing
Ako ay nahulog din”_
Song: Ikaw lang // Nobita
BINABASA MO ANG
Midnight Band 1: Rence Blake Ichabod
RomanceFor the first time in Niverda's life, she fell in love at first sight with Rence Blake Ichabod, the guitarist of the midnight. It was dangerous for her heart so Niverda believed they would not meet again, but the fate meant to let their paths crosse...