Kabanata 3 (UNEDITED)
Tatlong araw ang nakalipas hindi na kami ulit nagkita ni Rence. Talagang tinupad ni Lord ang hiling ko, ngunit may parte sa akin na gusto siya makita at makausap ulit.
The more I don't want to see him, there's a other part of me longing for his presence, and I don't know why.
The bus stop infront of my school but before I get off, the song ‘dilaw by maki’ suddenly played.
‘mukhang delikado na naman ako
o bakit ba kinikilig na naman ako?
pero ngayon ay parang kakaiba
'pag nakatingin sa'yong mata,
ang mundo ay kalma’Napapikit ako sa inis at madaling bumaba sa bus. Malakas ng hangin dumapo sa aking mukha kinalipad ng mahaba't maalon kong buhok at mga tuyong dahon nagkakalat sa sahig.
Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri at patuloy lang lumakad patungo sa gate.
“Good morning,” nakangiting wika ng guard.
Nginitian ko siya pabalik at binati. “Good morning too, kuya.”
Naglalakad lamang ang ginawa ko hanggang huminto sa tapat ng classroom. May umakbay agad sa akin at kilala ko kung sino ito dahil sa pambango niya.
Ang bakla dito sa section namin.
“Bitawan mo ako, Linux,” mahinahong wika ko.
Lumayo naman siya sa'kin at mandidiring titignan. Ayaw niya kasi matawag ng Linux.
“How dare you! Lusha is my name, not Linux. Ew, kadiri ka naman.” napahalakhak ako.
Ang arte ng bakla 'to. Ang layo ng Lusha sa totoong pangalan niya at walang connect.
Masamang tingin pinukol nito sa'kin at hinila sa upuan ko. “Valentine's day ngayon, 'di ba?” kahit nagtataka ay tumango ako. Tumili si Linux ng malakas at hinampas ang desk ko.
Nagulat ang mga kaklase namin sa tili ng bakla at may sumaway pa na hinaan lang daw ang boses. Napairap ako sa hangin dahil sa kaartehan nila.
Eh, hinaan kuno pero halos mga bunganga ng ibang estudyante sa labas dinig na dinig dito sa loob ng classroom.
“I don't care, duh!” asik ni Linux at humarap ulit sakin. “Gala tayo tutal 'di papasok si Avria. Ang gaga 'yon talagang iniwan na tayo at pumunta sa cebu.”
“Tanga. Sinama siya ni tita mag visit sa bahay ng grandmother niya,” nakangiwing wika ko. Madramang humawak ito sa dibdib at pinalungkot ang mukha.
Kung wala si Avria, nandito ang bakla para bwesitin ako. Hindi ko nga alam kung pa'no ko ba sila naging kaibigan. Classmate ko sila nung grade 10 pero ngayon si Linux lang. Ang kakaiba lang ay si Avria dahil abm ang kinuha niya, samantalang humss akin at gano'n din si Linux.
Pagbaba namin ni Linux ay maraming mga booth bumungad sa'min. P'wedeng makapasok ang outsider sa loob ng school kaya ang daming tao.
“Sandali lang, naipit ako, Linux!” biglaang sigaw ko.
Mukhang 'di niya narinig dahil sa ingay at patuloy lamang paghila sa akin patungo sa isang mapaking tent na puro mga hand banner at poster ng midnight.
Napakunot ang noo ko sa nakita. Bakit may poster at hand banner dito?
Gusto ko sana tatanongin si Linux kaso lumapit siya roon sa isang babae.
“Hello sis, p'wede pahingi ng dalawa?” pabebeng wika ni Linux.
Kumislap ang mata ng babae at malaking ngiti inabot ang hand banner ng midnight kay Linux.
Nainis ako bigla kasi akala ko magtatanog siya. Lumapit ako sa kanila at nagtatanong.
“Bakit ma mga hand banner at poster ng midnight dito?” nakita ko naman may dumaang inis sa mata ng babae.
“May gig sila dito, hindi mo alam? Iyong may-ari ng paaralam mismo nag invite sa kanila. . . estudyante ka rito pero walang alam,” masungit nitong sabi.
My brows furrowed.
Ang bastos niya. Nagtatanong lang naman, eh.
“Oh my gosh, Verda, sabunotan talaga kita.” bulong ng katabi ko. “Pasensiya ka na sis, ha? Nagtanong lang naman ang kaibigan ko dahil hindi niya alam, pero 'wag mo siyang sungitan, sunugin ko itong banner ginawa mo.”
Bago pa man sila magsabunotan ay agad kong hinila si Linux palayo. Ang sama ng tingin ng babae kasi. Maraming nakatingin sa'min, siguro sa malakas na boses ng kaibigan ko.
“Hoy, bakit mo ako hinila?! Hindi pa nga ako tapos at sasabutan ko talaga siya kasi ang bastos!” galit nitong sabi at pinaypayan ang sarili gamit ang palad.
“Hayaan mo lang...” ani ko.
Ayaw ko makipag-away siya dahil sa akin atsaka valentine's day ngayon.
“Ayan ka na naman! Ang soft hearted mo 'no? Palagi mong hinayaan kapag ginaganon ka nila. P'wede ba maging tigre ka rin minsan? Jusko ka, nastress beauty ko sa'yo.”
Ang sama ng tingin ko pero 'di niya ito pinansin. Tangina. Sadyang ganito ako pinalaki ni mama, soft hearted na may samang loob nga lang.
“Tangina mo.”
Umaawang ang labi niya at aangal sana pero hindi natuloy nang may nagsalita sa speaker.
“Hello everyone! Go to gymnasium now because the midnight is already here. They will start now. Enjoy!”
My body froze for a second after hearing the name of the band wherein the hot guitarist who caught my attention last time.
Nagsitilian ang mga tao at madaling hinatak ang daan patungo sa gymnasium kung nasaan ang midnight. Sumigaw din si Linux at hinawakan aking kamay at biglang hinila patakbo.
Ang puso ko ay kinarera habang tumatakbo kasama ang kaibigan ko. Gusto ko pumiglas sa paghawak niya ngunit kusang tumakbo rin ang mga paa ko, tila'y ata na ata makita ulit si Rence.
“Bilisan mo, Verda!” sigaw ni Linux na may kasamang tili.
Natauhan naman ako at hingal napahinto nang dumating kami rito sa gymnasium. Tulala ako napatingin sa limang lalaki sa stage.
I'm not dreaming, right? The midnight is here.
And Rence is also here. . . looking for someone in the crowds—until his blue eyes finally found me. Isang matamis na ngiti sumilay sa kaniyang labi na ikinasinghap ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Band 1: Rence Blake Ichabod
RomanceFor the first time in Niverda's life, she fell in love at first sight with Rence Blake Ichabod, the guitarist of the midnight. It was dangerous for her heart so Niverda believed they would not meet again, but the fate meant to let their paths crosse...