Kabanata 1

8 2 0
                                    

Kabanata 1 (UNEDITED)

Sinapo ko ang aking mukha habang nakatingin sa salamin. Nagpaalam ako kanina kay Avria pupunta sa restroom at gusto niya pang samahan ako pero sinabi ko huwag na dahil nag enjoy siyang nanuod sa kanila. I don't want to disturb her, atsaka alam ko naman kung nasan ang restroom.

Pumasok ulit sa isipan ko kung paano ako titignan ng lalaki habang kumakanta. Pilit ko kalimutan ang asul nitong mata at ang nararamdaman na parang may paro-paro lumipad sa t'yan ko.

It's my first time to feel that.

Binuksan ko ang gripo at napahilamos sa sariling mukha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapatanto kung bakit ako nakaganito.

Nahulog...

Nahulog ako sa kaniya.

“Hindi p'wede...” mahina kong bulong sa sarili.

Naiinis ako sa sarili dahil bakit ang dali ko ma-attach sa kaniya. Ito ang bagay kinatakotan ko sa buong buhay.

Sabi ko noon hindi ako mahulog kahit kanino pagkatapos piliin ng tatay ko ang kabit niya.

Ngunit dahil sa lalaking iyon, nag bago ang pananaw ko sa pag-ibig. I don't believe in ‘love at first sight’ pero parang gusto ko bawiin ang mga sinabi ko noon.

I can't believe I meet love out of nowhere.

Aaminin ko man na attract ako sa kapogihan niya kasi sino ba naman ang hindi, diba?

Pagkatapos ko mag aayos sa sarili ay agad ako lumabas sa restroom, baka hinahanap na ako ng kaibigan ko.

Naabotan ko siyang nakatayo mag-isa at mukhang nainip kahintay sa'kin. Nang makita niya ako naglalakad palapit sa kaniya, tumakbo siya direksiyon ko.

“Oh? Tapos na?” Tumango siya.

“Bakit ang tagal mo?” Kunot noo niyang tanong. Pinagmasdan niya ang kabuohan ko at hinawi ang hiblang buhok nakatakip sa mata ko.

Namuo ng pag alala ang kaniyang mukha. “Anong nangyari? Namukha kang sabog, Verda.”

“Tangina mo,” mura ko.

Na appreciate ko sana pag concern niya sakin kaso dinugtongan pa ang huling sinabi. Nakakasama sa loob.

Ngumiwi naman siya. “Ang bastos ng bibig mo.”

Umirap ako. Asus, akala mo naman 'di nasanay.

“Masaya ka n'yan? Umuwi na tayo, mag alas syete na mamaya at mag sisimba pa ako bukas.” ani ko at nagtitipa sa cellphone para i-text ang nanay ko.

To: Mama
+093********

Uuwi na kami, ma.

Nakita ko naman nabasa agad ni mama ang text ko. Pagkatapos ko basahin ang message niya ay agad ako napabusangot.

From: Mama
+093********

Khit wg na kyo umuwi.

“Si tita ba 'yan? Ano daw sabi?” lumingon ako kay Avria. Nakangisi siya at alam na alam kung ano agad nireply ni mama.

Binigay ko sa kaniya ang cellphone ko para mabasa niya. Bigla siyang humalakhak ng malakas kaya napatingin ang ibang tao sa tinayuan namin.

Bwesit ka, Avria!

Inis ako lumayo sa kaniya at bumulong sa hangin. “Hindi ko 'yan kilala.” 

“Hoy! Teka lang, hawak ko ang cellphone mo. Hintayin mo ako, Verda!” dinig ko ang sigaw niya napahinto sakin paglalakad para hihintayin ito.

Naabotan niya naman ako at inaasar pa rin. Nakakahiya talaga sa bunganga niya.

“Wait lang, miss!”

Sabay kaming napahinto ng kaibigan ko paglalakad at lumingon sa lalaki humihingal palapit sa amin.

“Kami po ba?” pagsigurado ko. Baka hindi pala kami tapos lumingon lang, edi nakakahiya iyon.

Tumayo ito ng matuwid at inayos ang kaniyang salamin bago tumango. “Yes, miss. Can I ask your name?” nakangiti niyang sabi at napakamot batok.

Naningkit ang mga mata ko. “Why?”

Hindi ko basta-basta ibigay ang pangalan ko sa estranghero. Wala akong pake kung namukha man akong mataray sa paningin niya pero ayoko talagang ibigay.

“Uhm. . . ano. . .” ginulo nito ang buhok para bang nabaliw kakaisip kung ano'ng susunod niyang sabihin.

Biglang kinurot ni Avria ang tagiliran ko at pinalakihan ng mata. Sinamaan ko ito ng tingin at umiling-iling.

“Ay, sir! Pasensiya ka na sa kaibigan ko, hehe. Her name is Niverda Everson.” lumiwanag ang mukha ng lalaki at ngumiti ng malawak.

“Oh, really? I'm Matthew, the manager of midnight band. May I know your name too?” pagkilala niya na kinalaki ng mata ng kaibigan ko at napatakip sa bibig.

Tumawa si Matthew sa kulitan ng kaibigan ko. Ngayon ko lang napansin may dimple pala siya. Ang pogi ni kuya at mukhang nasa 20+ palang.

“Omg! It's pleasure to meet you, sir. I'm Avria Lindsey Hudson. But why did you ask our name?” umabot sa tenga ang ngiti ng kaibigan ko.

Hello? Nandito pa ako. Gusto ko sabihin 'yan pero mas pinili kong mananahimik.

“Sorry but I can't answer your question because I don't even know why.” magalang niyang saad at tumingin sakin. “P'wede rin pahingi ng contact number mo?” nilahad nito ang kaniyang mamahaling cellphone sa harap ko.

“Huh?”

Pati ba naman number ko?!

“Beh, ibigay mo na dali.” bulong ni Avria sakin.

Lihim ako umirap dahil kailan ba ako mananalo sa babae 'to? Wala akong magawa kun'di tinipa ang number ko at ‘Pretty Niverda’ ang name niligay ko doon.

“Ihatid ko na kayo,” Ani Matthew. “Delikado sa babaeng kagaya niyo dahil gabi na at baka ano pang mangyari.”

Napakurap-kurap naman ako. “Po? Nakakahiya naman po, maghihintay na lang kami ng taxi.” Pagtanggi ko sa alok niya.

Pero umepal ang kaibigan ko at syempre walang hiya iyon, pumayag siya ihahatid kami ni Matthew. Kahit labag ang kalooban ko ay pumayag ako sa huli.

Lumabas ako sa kotse nito at nagpasalamat. Kumaway muna si Matthew bago pumasok sa kotse at umalis kasama ang kaibigan ko para ihatid sa bahay nila.

Pagbukas ko sa pintuan naabotan ko agad si mama sa sala nanuod ng tv.

“Magandang gabi po, Ma.” bati ko sa kaniya. Lumingon siya sakin at tumango lang bago binalik ang paningin sa tv.

Bumugtong hinga ako. Ang sakit ha, hindi man ako binati pabalik. Ang taray niya talaga.

Pumunta ako sa kwarto at agad binagsak ang katawan sa kama. Nakakapagod ang araw 'to pero worth it yung pagod.

Nakakita ng maraming pogi.

Naalala ko ang nangyari kanina. Isang himala dahil manager ng midnight ang mismong lumapit sa'min, tapos tinanong pa ang pangalan at number ko. 'Sus, para-paraan ang taong iyon.

Nag overthink ako ngayon habang yakap ang unan.

Sino kaya nag-utos sa kaniya? Ibig sabihin ay isang miyembro ng midnight gusto malaman ang name ko at humingin ng number?

Biglang pumasok sa isipan ko si Rence Blake Ichabod, ang guitarist nila. Nag iinit ang dalawa kong pisngi nang maalala ang eyes contact namin.

Why me?

Midnight Band 1: Rence Blake Ichabod Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon