"hindi ko gusto yon."
"pero pwede mong magustuhan."
"hindi ko magugustuhan yon dahil ikaw ang gusto ko." hinawakan niya ang pisngi ko then kissed me. It was gentle... and soft.
"ipagdamot moko kung gusto mo, wala akong pakielam sa kanila." he said after kissing me.
-----------------------
It was sunday night and I was outside for air, I was alone and my family's at the church. Hindi ako sumama kasi tapos na akong magserve nung umaga. While waiting for my family to come home, may nakilala ako tapos sana hindi ko nalang siya nakilala because the moment I met him dun magsisimula lahat ng saya, paghihirap, tuwa at iyak na dadanasin ko.
~~~~~~~~
"bago ka?" I asked. ngayon ko lang kasi siya nakita dito sa street namin e. "opo" he answered. "anong pangalan moo?" I asked again. nagpakilala siya at nagpakilala rin ako. Ako 'yong tipo ng tao na masyadong bibo, bata palang ako ganon na talaga ako, mapa sa school o sa bahay o sa kahit saan ako mapunta bibo talaga ako, makulit, friendly tsaka confident sabi nila. ako rin 'yong pinakamatanda sa magkakaibigan dito sa street, kakaunti lang din naman kami na natira since pandemic kaya hindi lumalabas 'yong iba.
"Elishianna Lessandra Amore V. Zalde, 11 years old, Grade 6" Pagpapakilala ko. "ikaw? anong pangalan mo?" "Azxier Sean B. Astian, pero 'yong azxier ko, 'azx' 'yong spell" sabi niya. "ayy wehh? ang galingg namann kakaiba 'yong spelling." sabi ko. "oo eh, galing raw kasi sa american 'yong name ko sabi ni mama" sagot niya naman.
9 years old lang siya non at 11 naman ako, grade 6 na'ko non pero g3 lang siya kasi late na daw siya nakapag-aral. tapos ako naman advanced ako ng 1 year kasi hindi ako nag kinder 2. diretso ako grade 1 sabi kasi ni mama ko kaya naman na daw ng utak ko sayang 'yong taon kung mag k-kinder 2 ako tsaka isa pa late kasi 'yong birthday ko.
Mestizo, bagsak ang buhok, bilog ang mata, matalino, matangos ang ilong, guwapo at matangkad si Azxier habang ako naman mahaba at wavy ang buhok, hindi ako morena pero hindi din ako maputi masyado parang saktuhan lang, medyo matalino, bilog ang mga mata ko at chubby cheeks, maliit ako pero maganda naman ang hubog ng katawan ko. makulit at palakaibigan din ako, ako ang pinaka bibo sa magkakaibigan at ako rin ang pinaka hindi mahiyain.
Noong gabing iyon inaya niya akong maglaro ng UNO at ako ang laging nananalo hanggang sa lumipas ang mga oras at nag kuwentuhan nalang kami habang nakaupo sa shomai cart sa tapat ng bahay ng kaibigan namin. nandon ako sa may bike ng shomai cart tapos nandon siya sa motor sa tapat nung shomai cart.
"bakit ngayon lang kita nakita dito sa street?" tanong ko.
"matagal na talaga kami dito, maliit pa lang ako nandito na'ko kaso nga lang hindi ako lumalabas, hindi rin ako maalam sa mga larong kalye, puro lang ako pizza, tv, cellphone sa loob ng bahay kaya ang daming nagsasabi na ang puti ko e" sagot niya. "ahh, ganon pala" sabi ko. "Saan ka nag-aaral azxier?" tanong ko ulit. "Sa Malagasang II Elementary School, ikaw ate Lessandra?" tanong niya pabalik. 'ate lessandra' HWAHHAAH ang kyutt "dyan sa dulong street, Memorare Academe of Cavite dun ako mula g2 ako" sagot ko. "nag-aaral kabang mabuti?" tanong ko na parang nanay, HAHAHA. "dati oo, kaso tinatamad na'ko kaya hinahayaan ko nalang pero 'di naman bumababa grades ko sa line of 8" sagot niya.Lessandra : "Ano bang pangarap mo?"
Azxier: "maging sundalo, or seaman" ikaw?"
Lessandra: "doctor." "gusto ni daddy eh, dream niyang maging doctor ako, pero gusto ko naman din yon nung bata ako kaya okay narin."Dun natapos ang pag-uusap namin dahil dumating na sila mama, pumasok na'ko ng bahay at kumain na kami.
'azxier sean....' sabi ko habang nakahiga sa kama ko, 'pogi...' hanggang sa nakatulog na'ko.
kinabukasan, alasingko nung lumabas ako pero wala siya kaya pumunta muna ako sa mga kaibigan ko, "Fratisha!!!" sigaw ko habang nag w-wave. yumakap naman siya sakin pagkadating ko sa tapat ng bahay nila. "nasan sila faith tsaka Asha?" tanong ko. "si Faith wala pa tapos si Asha naliligo daw" sagot naman ni Fratisha. magkatapat lang kasi ang bahay nila Fratisha at Asha tapos si Faith naman kahilera lang ng bahay nila Fratisha pero mga dalawang bahay ang pagitan tapos ako kahilera lang nila fratisha 'yong bahay ko pero mga pitong bahay ang pagitan pero nasa iisang street lang kami. "uyy may nakilala akoooo kagabeee sayang wala kayo, ackk ang pogii kaso bata pero pwede na, charr" sabi ko kila Fratisha "mamayaa kapag nakita ko pakilala ko kayo" sabi ko kila Fratisha. Kinagabihan nakita ko nga si Azxier at hinila ko si Fratisha papunta sa motor kung saan nakaupo si Azxier, dun banda yon sa tapat ng bahay namin. "Azxier!" tawag ko habang nakangiti at hawak sa kabilang kamay si Fratisha na para bang hiyang hiya kaya ayaw makipagkilala. ngumiti naman si Azxier nung nakita ako at napatingin sa kasama ko. "Azxier, si Fratisha kaibigan ko" pagpapakilala ko kay fratisha, "helloo" sabi ni fratisha habang natawa-tawa, "Fratisha Jane" sabay alok ng shake hands kay Azxier, "Azxier Sean" sabi naman ni Azxier at kinamayan si Fratisha, pagkatapos non inaya na'ko umalis ni Fratisha at bumalik na kami sa tapat ng bahay nila. pagkadating na pagkadating namin sabi agad ni Fratisha "AAAAAAA ANG POGIII 'TE" sabay tawa na para bang kinikilig, magkasing edad pa naman sila ni Azxier, crush na nga siguro ni Fratisha si Azxier.
' e ako? may crush narin kaya ako don kay Azxier...?' tanong ko bigla sa sarili ko.
-----------------------------
nakita ko si Azxier na nakikipagkaibigan dun sa mga lalaki naming kaibigan, tumatawa sila, tumatawa siya. hindi nga maipaliwanag ang kinang sa mga mata niya at napakaguwapo niyang tumawa.
'crush ko narin kaya si Azxier...?' ganon kabilis?! nah imposible naman siguro, baka nag-guwapuhan lang ako tsaka bata yun noh, ayoko pala.
Lumipas na ang mga araw at mas naging malapit samin si Azxier, kada hapon naglalaro kami. Binggo, ice ice water, bente uno, truth or dare, tagu-taguan at marami pang iba.
Isang gabi, naiwan nalang kaming dalawa dahil pinauwi na 'yong iba, nandon ulit ako sa shomai cart at nasa motor naman siya. napadalas 'yong ganong set up namin at mas lalo namin nakilala ang isa't isa, dahil sa palagi kaming magkasama naging mas malapit narin kami sa isat isa. nabanggit ko sa kanya na ayoko sa lahat 'yong mga umuugang bagay kasi feeling ko mahuhulog or matutumba ako tapos may isang pangyayari na nagalaw ng bata 'yong bike nung shomai cart kaya gumalaw 'yong shomai cart tapos nagulat ako "oh" reaksyon ni Azxier sabay hawak dun sa manibela para hindi na gumalaw. Hawak niya lang yon hanggang sa bumaba na ako at sumandal nalang. marami narin akong nabanggit sa kanya na mga bahay-bagay at ganon din siya sakin. Favorite color niya 'yong red and black tapos september 25 'yong birthday niya, apat sila magkakapatid, Alexandra May at Alyssa Marie 'yong dalawang babae at 'yong kuya niya Alexis tapos siya 'yong bunso, cs siya pinanganak, tapos may salon sila, may bahay din sa ibang bansa 'yong tita niya tapos never pa siya nagkacrush tapos noon pa man marami nang umaamin sa kanya. 'di rin siya nananakit ng babae kahit nagagalit siya, ayaw niya ng mga naka bikini na sumasayaw pati 'yong mga kumakagat labi, matured narin siya para sa edad niya.
"Lima kami magkakapatid, pang apat ako at nag-iisang babae, collage na ang mga kuya ko ako naman graduating ng elementary tapos 'yong bunso kinder. Favorite color ko ang pink at November 9 ang birthday ko. ang papa ko is Electrician, Lineman tapos ang mama ko full time housewife pero minsan nag b-business siya tapos titigil ulit tapos mag b-business ulit, ganon. ayoko sa lahat 'yong nagsasalita ako tapos biglang mapupunta sa iba 'yong attention ng kausap ko tapos 'di manlang magsasabi ng "wait lang" or "sorry" feeling ko kasi hindi ako importante or 'di ako binibigyan ng pansin. naawa kasi ako agad sa sarili ko e, ganon ako kalambot kahit lagi ko pinapakitang matapang at mataray ako.
Ayoko rin 'yong mga nag v-vape, nag y-yosi, nag h-hikaw tsaka nag t-tattoo. 'yong mga kuya ko nga hindi nag gaganon tapos makikipagkaibigan ako sa mga lalaking ganon? syempre ayoko kahit sila kyle at drei (kaibigan namin) hindi ko pinapayagan mag ganon, nagagalit ako pati narin 'yong mga naghuhubad sa kalsada, ayoko din tsaka isa pa ayoko rin 'yong mas matanda ako sayo tapos 'di moko tinatawag na 'ate'. takot rin ako sa mga aso na pagala-gala kaya ayoko talaga naglalakad mag-isa, takot ako sa dilim, ayoko rin ng mga mahilig mag-mura." pag k-kuwento ko kay Azxier habang nakatitig lang siya sakin.
Ilang segundo ang lumipas at may dumaang naka bike at huminto sa harap niya habang naka-upo siya sa motor, "tara Azxier, court tayo" sabi ng kaibigan niya. "wait lang ah" sabi sakin ni Azxier bago lumingon sa kaibigan niya at sinabing "yoko pre, kayo nalang muna" tapos umalis na 'yong naka bike at bumalik na sakin ang atensyon ni Azxier, "oh tuloy na, kuwento kana ulit" seryosong sabi niya pero sinagot ko siya "bakit ayaw moo pumunta sa court? pano mga kaibigan mo?"
"ayoko, wala kang kasama dito" sagot niya.
YOU ARE READING
AFTER THE SUN SETS..
RomanceBASED ON TRUE STORY | It's all about how Elishianna and Azxier started over and over again just like how the sun sets and rises over and over again.