CHAPTER 7 : SECoND GLANCE

8 0 0
                                    

'ang tagal ko siyang hindi nakita.. akala ko nakalimot na'ko..'

"ate sandra" nakangiting tawag niya sa pangalan ko habang nasa harap ko siya. hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung paano ako mag r-react. sobrang saya ko na nakita ko siya ulit pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. napakaraming tumatakbo sa isip ko ngayon.. kamusta na siya, paano siya nabuhay habang malayo sakin, paano siya gumigising sa araw-araw habang hindi kami nagkikita't nag-uusap, paano siya kumakain, paano siya nabuhay nung mga panahong malayo kami sa isa't isa.

Parang bumalik lahat ng mga ala-alang binuo namin at lahat ng mga bagay na naranasan namin nang magkasama.. lahat ng mga pagkakataong parang kaming dalawa lang, mga pagkakataong tumatawa kami, mga pagkakataong umiiyak kami, mga pagkakataong sobrang saya ng mga puso namin at mga pagkakataong nahihirapan at nasasaktan ito.

"ang tagal kitang hindi nakita!" sabi ko nang marealize na nandito na siya ulit sa harap ko!, nakita ko na ulit siya, nakausap ko na ulit siya, at nandito na siya ulit. Bumalik nga siya, hindi niya ko binigo. Napakasaya ng puso ko!!

saglit lamang ang pag-uusap na yon dahil kailangan narin naming umuwi dahil gabi na. Hindi manlang kami nakapag-usap at nakapagkamustahan, pero okay lang yon ang mahalaga naman sakin ay nandito na siya ulit, hindi na siya ulit aalis sa tabi ko. pagkauwi na pagkauwi ko ay nagpost agad ako sa tiktok ko dahil nabalik ko na ito. umakyat ako sa taas at pumunta sa pangalawang kuwarto, yon 'yong kuwartong dapat para sakin kaso hindi pa tapos ipagawa at natigil ang construction kaya wala pang harang 'yong terrace at wala pang magandang pinto kaya hindi pa ako pwede don. Ang pangalawang kuya ko ang gumagamit nung kuwarto nayon ngayon pero dahil wala pa naman siya, dun muna ako nag tiktok, nag lip-sync lang ako at cinaptionan ko ng 'nakita ko siya ulittt' tanging ang mga kabigan ko lamang ang makakakita non dahil matagal na panahon na mula nung nawalan kami ng connection sa tiktok, hindi ko nga alam kung may tiktok account pa yon o wala na.

Pagkatapos ng araw na iyon, akala ko makikita ko na siya ulit kada hapon kaya bago mag alasingko ay naligo na ako at nag-ayos, nagsuot lang ako ng shorts na blue na high waist tapos white t-shirt, hindi ko tinalian ang buhok ko at nagsuot lang ako ng kwintas, hikaw, at bracelet, hindi naman yon masyadong grande, mga pambahay ko lang na alahas yon. mahilig lang talaga ako mag-alahas kaya lagi ako nagsusuot non. Pagkalabas ko ay pumunta muna ako sa mga kaibigan ko, kila Fratisha at Faith habang hinihintay si Azxier, naikuwento ko sa kanila na nagkita kami kagabi at bumalik na siya. Umabot ng dalawang oras ang paghihintay ko pero hindi siya dumating, inabutan na'ko ng curfew ko at umuwi na pero hindi ko parin siya nakita.

'akala ko makikita ko na siya ulit kada hapon, akala ko lang pala yon.'

Nalungkot ako at nasaktan dahil umasa ako pero hinayaan ko nalang at 'di na umasa, hindi na rin naman na ako masyado lumalabas mula nung nag grade 7 ako dahil masyado na rin akong busy sa school, president ako ng klase at naghahabol ng high honors kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti.

Pagkalipas ng tatlong araw dun lang siya nagpakita ulit.

Dahil sa madalas naming pag-usapan si Azxier at ayaw namin niyang malaman na pinag-uusapan namin siya, naisip ni Asha na gawan siya ng nickname, inaasar nila yon na mangga kaya gusto nilang mangga ang itawag pero ako ayoko dahil baka mahalata niya, mcdonalds nalang daw sabi ni Asha pero ayoko ulit hanggang sa naging 'ee' na 'yong napagdesisyunan naming itawag sa kanya, Mula non laging 'ee' na ang sinasabi namin kapag pinag-uusapan namin siya para kahit nandyan siya hindi niya mahahalata na siya 'yong pinag-uusapan namin.

" 'te sandra nandyan si ee, nakita ko kanina." sabi sakin ni Fratisha kaya lumabas ako nung hapon na. nandon nga si Azxier, nagkausap kami, nagkamustahan.

"bakit ngayon kalang nagpakita? akala ko pa naman makikita na ulit kita kada hapon mula nung bumalik ka." panimula ko. "marami pa kasi akong inasikaso ei, kailangan ako ni mama kaya hindi ako masyado nakakapunta dito." sagot niya. "sa salon ni lola nagtatrabaho si mama ngayon tapos si papa nagtitinda ng fishball, sideline niya." dugtong niya. "kamusta kana?" tanong ko. "okay lang ako, medyo busy lang kasi ako lang naasahan ni mama ngayon e, grade 4 na'ko. nandon sa phase 2 located 'yong parlor ni mama pero dun kami nakatira sa Mary Cris ngayon. Kaya din ako hindi masyado nakakapunta dito kasi minsan naiiwan ako don sa Mary Cris, maaga kasi palagi umaalis sila mama e." pagk-kuwento niya. "ikaw? kamusta ka?" tanong niya pabalik. "grade 7 na'ko ngayon, ako 'yong president tapos ganon parin naman buhay ko, minsan masaya madalas magulo." sagot ko.

Azxier: nakikita ko palagi si Fratisha sa school. tapos ang daming nagpapansin sakin, 'yong iba nga sinasabi crush daw nila ako."

Lessandra: talagaa? HAHAHAHA, guwapo ka daw kasi e.

nakakatawa 'yong mukha ni Azxier habang nag k-kuwento, mukha siyang naasiwa na hindi mo maintindihan.

Lessandra: may..naging kaba habang wala tayo?

Azxier: crush meron, si Nathalie, kaklase ko.

Lessandra: ahh.. anong nagustuhan mo sa kanya?

Azxier: maganda, mabait.

Lessandra: ah.. anong itsura niya?

'sus, 'di naman ako pangit ah, sabi nila mabait din daw ako hmpp'

Azxier: maliit, maikli buhok, maamo mukha.

Lessandra: anong fb? gusto ko makita mukha niyaa

Azxier: Nathalie B. Suson

Lessandra: paano mo ba nagustuhan yon?

Azxier: wala, umamin siya e tapos kinukulit ako pag recess pota.

Lessandra: oh eh bakit ayaw mo na ngayon?

Azxier: eh, ayoko na don

'sabagay.. unfair yon kung magagalit ako dahil nagkaron siya ng ibang crush nung wala ako, ako nga nagkajowa nung wala siya e, aytss'

dumating na 'yong motor ng papa niya na magsusundo sa kanya kasi uuwi na sila sa Mary Cris kaya nagpaalam na siya sakin.

------------------

"nathalie?!?!, nathalie suson???, jusko teh masama ugali nyan, hinahamon nga ako niyan ng away eii" reaksyon ni Fratisha nung ikinuwento ko sa kanila 'yong tungkol kay nathalie. "pangit yan sa personal teh, nakikita ko yan e" dugtong pa ni Fratisha. "maganda siya oh" turo ko sa picture, "jusko, kapit filter lang yan teh mas maganda pa nga ako dyan eii tsaka masama ugali nyan, maldita." sabi ni Fratisha.

pagkatapos nung pagkikita namin na yon, nawala ulit si Azxier ng medyo matagal, siguro isang buwan o mahigit pa, 3rd quarter na nga kami sa school e.

'wala na naman siya.. ang tagal ko nanaman siyang hindi nakita..nasan na kaya yon? ano kayang nangyayari bakit putol putol 'yong connection namin..'

'miss ko na siya..'

-----------------------------------------------------------

'matagal na kaming wala ni ate sandra, ikaw na ang gusto ko ngayon, Nathalie.'

'gusto rin kita.. Azxier.'

'halaa ang swerte ni nathalie!! siya 'yong natipuhan ni Azxier, ang dami pa namang nagkakacrush dyan kay Azxier.'

'sana all huhuhuhu'

'wala na talaga kaming chancee kasiiii umamin na si Azxier, aaaaaaackkkkk!!'

AFTER THE SUN SETS..Where stories live. Discover now