'putangina mo, lagot ka sa mga kuya mo.'
'landi-landi mo.'nalaman ni mama na nag-uusap kami ni Azxier. wala namang mga iloveyou don tsaka imissyou, wala ring callsigns, wala naman kasing kami pero yon 'yong inisip nila. The worst part is I never had the chance to explain and defend myself. I was just so destroyed. I feel like I am nothing but a worthless bitch. they call me names, kinuwento pa nga nila 'yong nangyari sakin sa buong street e. I am an embarassment. nasira ng sobra 'yong mental health ko. I am so lost. I don't know what to do, I don't know where to start, I don't know how and what to fix. all I know is that I am nothing and I am so broken.
'I used to be a sunshine and now just a shadow.'
'I was once a beautiful melody and now just a broken chord.''sirang sira na nga ako.'
Kinuha nila sakin 'yong phone ko, bawal akong lumabas at araw araw nilang pinapaalala sakin 'yong ginawa ko. araw-araw nila ako inaasar, araw-araw nila pinapamukha sakin na malandi ako, araw-araw. ayoko na nga gumising sa umaga e. pakiramdam ko pagtulog nalang ang tanging paraan para makatakas sa reyalidad. pagtulog nalang ang nakakapagpaginhawa ng pakiramdam ko. 'matulog na kaya ako habang buhay? masaya siguro yon.' hindi na'ko nakakaramdam ng saya. nakalimutan ko na ngang tumawa. dati hindi ako nakikita ng mga tao na hindi nakangiti, ngayon hindi ko na alam kung paano ngumiti at sumaya.
Ilang linggo rin akong ganon. distracted ako sa pag-aaral pero hindi ko pwede ipahalata, president pa naman ako. alam kong hindi lang ako ang nam-mroblema sa mundo, kailangan ko ring intindihin ang mga kaklase ko, kailangan ko ring isipin at solusyunan ang mga problema sa classroom. Pero kahit anong tago ko, hindi ko parin maiwasang mawala sa sarili. Minsan hindi ako nakakasagot sa mga teachers ko, minsan hindi ako nakakausap ng maayos ng mga kaklase ko, minsan lagi lang akong nakatulala tsaka hindi narin ako tumatawa katulad ng dati. dalawang buwan rin akong ganon hanggang sa maging medyo okay na'ko. Hindi madali mag heal, lalo na't araw-araw pinapamukha sakin ng pamilya ko na kahihiyan ako at malaking pagkakamali ang nagawa ko. kahit hindi naman yon ang pinaguusapan bigla bigla nalang nila isisngit. gabi gabi umiiyak ako, hindi ako mapakali, inaatake ako ng anxiety, madalas lang ako sa roof top, nakatulala, iiyak nang hindi ko alam ang dahilan. kinakausap ko ang sarili ko, nagmamakaawa ako sa pader, kinakausap ko ang langit. dumating pa ko sa punto na tumatawa na'ko mag-isa tapos mamaya iiyak nanaman. Humawak narin ako ng kutsilyo at nagtangkang uminom ng Moriatic Acid. Ganon ko kagusto mawala nalang sa mundo para matapos na ang pinagdadaanan ko.
Ilang linggo pa ang lumipas at medyo um-okay na'ko. hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat sa puso ko pero kailangan kong mabuhay. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, kailangan ako ng mga taong malapit sakin. kailangan ako ng mga kaklase ko, kailangan ako ng mga kaibigan ko, kailangan ako ang sarili ko. hindi dito magtatapos ang buhay ko. kahit mahirap, kahit sukong suko na'ko at duguan na ang tuhod ko sa pauli-ulit na pagkakadapa at pagkakabigo, hindi ako susuko. Hindi ito ang magiging katapusan ko. Inayos ko ang sarili ko at hindi nakinig sa mga pinagsasabi sakin ng pamilya ko. Nag-aral akong mabuti at sinubukan ko ulit sumaya. nabawi ko ang grades ko at nakisalamuha sa mga tao. Hindi ko na kailangang umiyak gabi gabi para lang makatulog ako.
Maganda ako, masipag, maunawain at mabait. yon ang sabi nila sakin. marami rin akong manliligaw. araw-araw iba-iba ang nagp-presintang ihatid ako pauwi, pwede naman daw akong magpaligaw, 'wag lang akong mag b-boyfriend kaya kumilala ako ng mga bagong tao. Grade 7 palang ako non kaya gustong gusto ko ang nag eexplore, dahil sa katigasan ng ulo, sinagot ko ang isa sa mga manliligaw ko at naging boyfriend ko siya. siya ang first boyfriend ko. okay naman siya, greenflag, gentleman, at matalino sa math. kahit hindi niya mapapantayan si Azxier, gusto ko pa rin siya. pinipilit ko naring kalimutan si Azxier kaya okay na'ko kay Jomitch.
Pagkatapos ng isang buwan, nabasa ni mama 'yong convo namin at galit na galit nanaman siya. sinumbong niyako kila papa at kuya, galit na galit ang kuya Lejiff ko, 'tanginamo landi landi mo, pokpok ka talaga.' 'alam mo bang napakarami kong kilala dyan sa Mascardo? kayang kaya ko ipabugbog 'yang
Jomitch nayan.' 'putangina ka ah, papahanap ko yang Jomitch nayan tamo.' 'pa ila-iloveyou kapa, grade 7 kalang. malandi ka talaga e noh pokpok.' mga masasakit na salitang narinig ko galing sa kuya ko. kinuha ulit sakin 'yong cellphone ko at hindi nanaman ako pwede lumabas. dinelete rin nila 'yong tiktok at instagram ko. sira na naman ako ng ilang buwan tapos um-okay ulit pagkatapos non. kahit okay na'ko dala dala ko padin 'yong trauma at lahat ng pinagsasabi nila sakin. kahit tuloy wala akong tinatago nagugulat padin ako at nanginginig ng sobra kapag gugulatin nila ako ng 'hoyy ano yann'. hinahayaan ko nalang wala naman akong magagawa, ito ang kapalaran ko e.kalahating taon narin mula nung huli kong nakita si Azxier, kamusta na kaya siya? naalala ko lang bigla.
-----------------------------
Linggo non tapos pauwi na'ko galing simbahan kaya gabi na. nasa street na'ko naglalakad habang nag c-cellphone. naka Purple polo shirt ako non at fitted paldang hanggang ankle, naka heels rin ako at naka tote bag dahil dun kasya 'yong folder kung san nakalagay 'yong mga kinakanta namin sa simbahan. habang nag c-cellphone may biglang humarang sa dinadaanan ko.
'ate sandra' nakangiting sabi niya.
YOU ARE READING
AFTER THE SUN SETS..
RomanceBASED ON TRUE STORY | It's all about how Elishianna and Azxier started over and over again just like how the sun sets and rises over and over again.