CHAPTER 2 : FIRST MOMEnTS and gLIMMERS

15 0 0
                                    

Dahil wala pa naman akong sariling kuwarto madalas ako sa roof top tumambay, mahangin at maaliwalas rin kasi don. Third floor 'yong bahay namin tapos nasa bandang gitna ng street. 'yong bahay naman nila Azxier nasa unahan, corner lot. Lagi kong nakikita si Azxier na palabas ng bahay nila kaya kapag nakikita ko na siyang palabas, lumalabas narin ako pero minsan hindi ko nakikita si Azxier kaya hindi rin ako lumalabas.

Pota, grabe na ata tama sakin non ah.

'yong second floor namin may maliit na terrace pero wala pang harang kasi 'di pa tapos ipagawa, sumilip ako ron saglit para tignan 'yong mga bata sa labas tsaka para tignan kung lumabas ba si Azxier, sumilip ako ron nang may nakasabit na tuwalya sa balikat ko. Pagkasilip na pagkasilip ko nakita ko siya, naka upo sa shomai cart sa tapat ng katabing bahay namin.

Napatingin siya sakin at sinabing, "Ligo kana, hinahanap kana nila Fratisha."

dali-dali akong naligo at nag-ayos, nagsuot lang ako ng short shorts na black tapos t-shirt na oversized na pink, nagsuot ako ng kwintas, hikaw, relo, nagpabango at nagliptint. maliit palang ako mahilig na talaga ako mag-ayos ng sarili ko. Noong 2 years old nga ako nagsusuot nako ng matataas na heels at rumarampa sa labas.

Pagkalabas ko, nakipaglaro na'ko sa mga kaibigan ko syempre kasama don si Azxier. Naglaro kami ng binggo at nung si Azxier na 'yong pipili ng susunod na titira, kinindatan niya ako. Ganon kasi 'yong rules, bawal magsalita kapag pipili ng susunod na titira, mas madali kasi makatapak ng kalaban kapag 'di niya alam kung sino 'yong susunod na titira kaya dapat alisto ka.

'ang bilis ng tibok ng puso ko..' mahihimatay yata ako sa sobrang guwapo niya kumindat. "ate lessandra, ikaw nadaww" kalabit sakin ni Fratisha.
Agad akong tumira at kinindatan si Azxier pabalik para siya naman ang tumira.

Natapos ang araw at puro laro lang ang pinagagagawa namin, nakakapagod tuloy.

Kinabukasan, nandon ulit ako sa roof top namin at nakita ko si Azxier na naglalakad sa street kaya sinigawan ko siya, "Azxier!!! Hiiiii" tapos kumaway rin siya pabalik, "san kaaa?" tanong ko. "bumili langg, lalabas ka mamaya ate lessandra?" tanong niya pabalik. "ouuuuu" sagot ko naman at umuwi na siya.

alasingko na ulit at lumabas na ulit ako, kasama ko si Fratisha at Asha. "Hoy Shannia Asha C. Vera" tawag ko kay Asha. "Ano nanaman ate Elishianna Lessandra Amore V. Zalde??" sagot niya pabalik. "Haba talaga ng pangalan mo 'teh" dugtong niya. "nakilala mo naba 'yong bagong bata na guwapo na pinakilala ko kay Fratisha nung nakaraan?" tanong ko. "ah si Azxier, oo kilala ko nayon" sagot niya naman.

Nagtiktok lang kami ni Fratisha sa tapat ng bahay nila habang naka-upo naman sa motor sa tapat ng katabing bahay nila Fratisha si Azxier.

'sinasadya ko ba talaga magpapansin dyan sa azxier nayan?? grrrr'
nanonood lang siya samin ni Fratisha habang sumasayaw kami. tapos inaasar pa ako ni Fratisha "yiiii, nandyan si Azxier oh". "nyenye, crush mo nga yan e" sagot ko naman.

Lumipas na naman ang isang araw na wala kaming ibang ginawa kundi magpapansin kay Azxier.

kinabukasan gabi na ulit at nasa labas pa kami ng kapatid kong bunso, naglalaro sila ng kalaro niya tapos ako naman nakaupo dun sa shomai cart habang si Azxier naman naglalaro ng yoyo tapos naenganyo akong itry kaya hiniram ko sa kanya pero 'di ko alam kung pano gamitin pero noong medyo maliit pa ako marunong naman ako noon. "Paanoo" HAHAHAA" sabi ko habang tumatawa. Kinuha sakin ni Azxier 'yong yoyo at inayos niya, inikot ikot niya ulit 'yong tali nung yoyo saka binigay sakin. "Dalire" seryosong sabi niya sakin, ibigay ko daw 'yong dalire ko sa kanya, at sinuot niya sakin na para bang sinusuotan niyako ng singsing. napatitig ako sa kanya habang sinusuot niya sakin 'yong yoyo. AAAAAAAAAACKKKKK ang sarap tumili kaso gabi na tsaka ayokong ipahalata yun noh. pero sino ba naman kaseng 'di kikiligin don.

---------------------------------

"Crush niya din daw akoooo ackkkk!!!" kuwento samin ng kaibigan kong si Asha. "ikaw pala 'yong mga tipo ni Azxier eh, maganda, tahimik lang tsaka mabait" sabi ni Fratisha. never nagkagusto si Azxier sa kahit na sinong babae, "Ikaw first crush niya" sabi ko naman.

Nagulat ako noong malaman kong m.u na sila ni Asha, ang bilis kasi e parang nakaraang linggo lang kinikilig ako kay Azxier, o baka ako lang talaga naglalagay ng malisya pero wala naman talaga yon kay Azxier. Hindi naman ako masyado nasaktan dahil happy crush ko lang si Azxier pero nagulat talaga ako. Hindi rin naman ako pwede magalit kay Asha noh, kaibigan ko yun e tsaka wala naman siyang mali. there are also times na sabay-sabay kami nagpapansin kay Azxier pero si Asha ang napansin so walang dapat sisihin.

"lagi kami naglalaro ng online game kaya napapadalas 'yong bonding namin, tapos lagi ko siya binibigyan ng diamonds kasi masaya siya don e, 'di lang talaga kami masyado nagpapansinan sa personal kasi nahihiya kami pareho"
pag k-kuwento samin ni Asha,

"ayy wehh, haay sanaol nalangg" sabi ni Fratisha, "AHAHAHA, kawawa diba crush mo din yon?" pang-aasar ko naman. "nyenye, crush ko nga yon pero 'di ako seryoso masyado noh tsaka may isa pa akong crush kaya okayy langg" sagot niya naman. "ikaw yataaa nagseselos ate Lessandra eiii!!" dugtong niya. "hindii ah, bakit naman tsaka ayoko don, bata e" pagtanggi ko naman. 'psshh 'di naman sila bagay, parehas pa mahiyain, mag w-work kaya sila? grr' hindi nga talaga ako nagseselos, haayy.

Lumipas ang mga araw at hindi ako masyado dumidikit kay Azxier gaya ng dati, syempre didistansya ako may ka m.u na eh. pansin ko rin na lumalayo siya kaya hinayaan ko na.

Pagkalipas ng isang linggo, nalaman ko nalang na wala na sila. NYWUAHAHHA sabi ko na 'di yon mag w-work eii. Hindi naman sa sobra akong natuwa pero parang ganon na nga, may chance na ulit ako eii, HAHAHAA. baliw na baliw kay Azxier amp.

Lumipas ang mga linggo na puro lang laro, tambay, at tiktok ang mga pinaggagawa namin. hanggang sa isang araw chinat ko si Azxier sa tiktok dahil bawal pa siya magkaroon ng facebook account kaya tiktok tiktok muna.

'haloooooo' first move ko.
'Hiiiii' reply niya naman.
'kumain kanaa?' tanong ko.
'oo, ikaw ba?' tanong niya pabalik
' 'di pa nga eii, nag c-crave ako ng fries kaso tinatamad akong bumili' reply ko.

meron namang tindahan ng frappe at fries 'yong kapitbahay namin pero tinatamad talaga ako bumili kaya titiisin ko nalang.

'labas ka saglit' chat sakin ni Azxier.
pagkalabas ko, siya ang bumungad sakin. May dalang fries at Frappe para daw sa cravings ko.
"kumain kana, masama nagpapagutom." sabi niya at umalis na.


AFTER THE SUN SETS..Where stories live. Discover now