CHAPTER 8: TRy IT AGAIN...

2 0 0
                                    

December 25, 2022 'pasko na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

December 25, 2022 'pasko na..'

Umaga palang ay nag gayak na ako dahil madalas naman talagang sa umaga namamasko ang mga bata kapag araw na ng pasko, nagsuot ako ng white fitted croptop, loose pants na peach, at rubber shoes. 'yong sapatos at bag na gamit ko, bukod sa bago ay regalo rin sakin ng mama ko kaya iyon na ang ginamit ko. halos lahat ng Ninong at Ninang ko nakatira dito samin kaya hindi ako nahirapang mamasko, dito rin kasi ako pinanganak at lumaki e. Marami pa akong mga pamaskong natanggap galing sa mga katrabaho ni papa sa Meralco, minsan damit, wallet, gamit, madalas naman ay sobreng pula. kasama ko rin mamasko non ang pamangkin ko at mama niya, girlfriend ng panganay kong kapatid. baby pa non ang pamangkin ko e, tatlong buwan palang yata.

Maraming na cute-an kaya marami rin silang nakuhang pamasko. kinagabihan naman nagsimba kami nila mama, nagsuot ako ng brown checkered croptop tapos korean skirt na red. Nagsuot rin ako ng oversized brown longsleeve,black bag at long white socks tapos rubber shoes.

Saglit ko lang nakita si Azxier non dahil din sa marami kaming ginagawa non kaya hindi ko na siya nakausap. Pagkatapos non hindi ko na siya nakita ulit. Lumipas ang mga araw at bisperas na ng bagong taon.

'December 31, 2022..' pagkatapos ng simba, nagkaroon muna kami ng saglit na party bago mag-alas dose ng madaling araw. invited ang lahat ng mga kapitbahay at ako ang naghost dun sa party. nakasuot lang ako ng ternong white t-shirt namin nila mama na may nakalagay na 'thankyou 2022'. Mahilig kasi si mama pausotin kami ng mga ternong damit sa tuwing bagong taon. noong nakaraang taon nakasuot kami ng purple t-shirt, tapos ngayon white naman. sinuot ko lang yon tapos naka short-skirt ako, skirt yon sa harap pero short sa likod, overlapping din 'yong pattern. nagtali ako ng half ponytail at red big ribbon, terno-terno kami non nila mama, mommy ng pamangkin ko at ako.

Don nalang ulit kami nagkita ni Azxier, pagkatapos kasi ng pasko hindi ko na siya nakita ulit. sumali rin kasi siya dun sa party, may mga palaro rin kasi para sa mga bata.

Pagkatapos ng party, may mga ilang oras pa bago mag alas-dose kaya nasa labas lang kami nila botchok (nickname ng bunso kong kapatid) binabantayan ko lang siya habang nakikilaro dun sa palaro ng kapitbahay namin, dun yon sa kanto namin katapat ng bahay nila Azxier, Ninang ko ang nakatira dun sa bahay na yon tapos mga anak niya 'yong nagpapalaro sa mga bata. habang nandon kami syempre nakikita ko rin si Azxier dahil nandon nga kami banda sa harap ng bahay nila. tinatawag niya ako pero iniirapan ko lang siya, hindi naman yon seryosong irap, parang nilalaro ko lang ganon. nagtatampo kasi ako sa kanya dahil hindi ko siya madalas makita. "hindi tayooo batii ahhhh" sabi ko sa kanya and then I crossed my arms. "lohh, bakitt" tanong niya naman. "eh, hindi ka nagpapakita sakin eii, minsan lang kung magpakita ka dito." sagot ko. "HAHAHA, nagtatampo si ate sandra.." natawang sabi niya. "hmpp" at tumalikod na'ko. Hindi ko siya masyado pinapansin kahit anong ginagawa niya para mapansin ko siya. kinuhanan niya ko ng monoblock na upuan, nilalaro niya si botchok, sinasamahan niya akong magbantay pero hindi ko siya pinapansin. nung countdown na bago mag new year, nasa labas na halos lahat ng mga tao sa street, nag-iingayan na rin ang mga torotot at ilang mga paputok. 10-9-8.. 'wohoooooo!!! happy new year guyss!!!!!!!!!!' 7-6-5 'aackkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk hiiiiii 2023!!!!!!!' 4-3-2-1 "HAPPY NEW YEAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" lalong umingay ang mga torotot at nagsindihan na lahat ng mga paputok, sobrang ingay, sobrang saya. Nagtatalon na kami nila Fratisha, nakakatangkad daw ei HAHAHA, ilang taon ko na ginagawa yon hindi naman ako tumatangkad. "HAPPY NEW YEARR ATE SANDRAAA" Bati sakin nila Faith, "HAPPY NEW YEARRRR GIRLSS!!" sabi ko naman. napakaganda ng mga fireworks na umiilaw-ilaw sa ulap, habang pinapanood yon kasama ko sila Fratisha, Faith, Asha, Drei, Azxier, Kyle at marami pang iba, mga kalaro rin namin dito sa street. katabi ko sa kanang bahagi sila Fratisha at sa kaliwa naman sila Azxier. "sorry ate Sandra.. babawi ako" narinig ko ang sinabi ni Azxier habang nakatingala ako sa ulap. napalingon ako sa kanya at nginitian ko siya. "bati na tayoo" nakangiting sabi ko at tumawa rin siya. bati na nga talaga kami non. pagkatapos non napapadalas-dalas na ang pagpunta niya dito, talaga ngang bumawi siya pero hindi na niya ako pinapansin katulad ng dati, pinapansin niya naman ako pero hindi na katulad nung dati, nagbago siya. Mas naging masungit at focused sa mga tropa niyang lalaki. masaya na akong nakikita ko siya araw-araw kaya hinayaan ko na.

Isang hapon naglalaro kami sa labas, marami ring bata non kaya maingay at masaya sa street. palubog na non ang araw at may nauusong laruan, 'yong dalawang matitigas na bilog tapos may tali tapos pinapatunog, oo 'yong lato-lato. Nauuso yon ngayon kaya halos lahat ng bata may ganon at kanya-kanyang pagalingan magpatunog, mas matagal mas magaling. e dahil nahihilig rin ako don kahit hindi ako magaling lagi ako humihiram sa mga bata dito samin, hindi ako bumili ng sariling akin kasi hindi naman talaga ako marunong, nag eenjoy lang akong laruin. Hindi ko pa alam 'yong tawag don kaya 'ganon-ganon' pa 'yong tawag ko don, kapag hinahanap ko 'nasan 'yong ganon-ganon' ang sinasabi ko, buti nga naiintindihan nila Fratisha e. Gabi na at naglalaro ako ng lato-lato, tapos binigyan ko ng deal si Azxier kaya natigil siya sa pag s-scooter. sabi ko "kapag napatunog mo yan ng sampung beses, tatantanan na kita." tatawa-tawa kong sabi. "ano 'yong tatantanan?" tanong niya. HUWHAHA 'di pala niya alam 'yong word na yon, malalim ba masyado? HAHAHHSHS "tatantanan, ano lalayuan, titigilan, 'di na kukulitin ganon." biglang nag-iba 'yong mood niya pagkasabi ko non, nainis yata o nagalit o nagtampo o ewan, basta nag-iba 'yong mood niya. "kahit naman hindi ko magawa 'yong deal, pwede mong gawin yan." diretsong sabi niya at nag scooter na ulit. natigilan ako sa sinabi niya pero naglaro nalang din ako ulit ng lato-lato. ilang sandali ang lumipas at bumalik siya, "ako may deal sayo." panghahamon niya. "anoo" sabi ko naman. "Kapag nagawa mo yan ng limang beses, 'di na'ko magsusungit sayo tsaka..babalik na tayo sa dati." napatawa ako sa sinabi niya. "kapag nagawa ko?" tanong ko ulit. "oo." sagot niya. "weh? ako na ulit?" paninigurado ko, hindi ko nga alam kung nagegets niya ba 'yong sinasabi ko e. "oo nga, naiintindihan ko 'yang sinabi mo." paglilinaw niya naman. dahil sa sobrang pagkagusto kong bumalik kami sa dati, hindi ako sumuko nag try ako nang nag-try pero hirap na hirap ako. umalis siya saglit at pagbalik niya may dala na siyang soft drinks. dahil sa hindi ko nga magawa nagpabebe nalang ako, baka sakaling kaawaan ako ng taong 'to e. "o sige tatlo nalang" sabi niya. HAHAHA effective. tapos hindi ko parin magawa, napapatunog ko 'yong lato-lato isang beses lang tapos saglit pa, hindi ko magawang tuloy-tuloy. "o isa nalang." sabi niya. naawa siguro 'to sakin HAHA. Sobrang saya ko nung napatunog ko na 'yong lato-lato. "panissss" pagyayabang ko. "HAHAA, galeng, galeng" sabi niya naman.

'totoo kaya 'yong sinabi non tungkol sa deal namin sa lato-lato?' 'baka naman kasi sinabi niya lang yon pero 'di niya naman mean.' 'may kami na kaya ulit?' isip ako ng isip hanggang sa nakatulog na ako.

AFTER THE SUN SETS..Where stories live. Discover now