Napadalas ang pag-uusap namin at pangungulit ko sa tiktok hanggang sa nasanay na kaming dalawa na magkausap kami. dati ang madalas na tinatanong ko lang ay kung lalabas ba siya sa hapon pero ngayon nagtatanungan na kami ng kung anong ginagawa ng isat isa at nag-uupdate rin kami kahit walang linaw kung ano ba talaga kami. 'haay, mga kabataan nga namann'.
Dumating ang araw na napagdesisyunan ko nang umamin dahil nagtatanong rin siya ng kung sino 'yong crush ko. sa chat lang kami nag-uusap non,
"sino ba kasi 'yong crush mo?" - Azxier
"hulaan moo" - Lessandra
"eh hindi ko nga kilala pano ko mahuhulaan" - Azxier
"seryoso? 'di mo kilala sarili mo?" - Lessandra
napaisip yata siya kaya hindi nakapagreply agad.
"ay pota, HAHAHAHH" - Azxier
"yan aa kilala mo naa" - Lessandra
"may gusto rin ako sayo." diretsong sabi ni Azxier na siya namang ikinagulat ko ng husto. 'potaaaaaaa?!?!?!, HWUAHAHHAAHSMSHHAHA'
halos masira na 'yong kama ko kakatalon- talon at kakasigaw sa unan ko.
"ikaw haaa, gusto moo pala akoo eiii,, kelan pa?" reply ko.
"Gusto kita una palang, 'di ko lang tinaggihan si Asha kasi okay rin naman s'ya e, tsaka akala ko wala ka namang pake sakin."
Mas naging malapit kami sa isa't isa pagkatapos nung confession na yon at
mas naging maalagain rin siya. sinusunod niya 'yong mga gusto at ayaw ko. kahit 'di ko sabihin ng paulit-ulit, natatandaan niya parin 'yong mga sinabi ko nung unang beses kami nagkakilala. Hindi na siya naghuhubad sa kalsada, hindi na siya gaano nagmumura lalo kapag nandyan ako, iniiwas niya rin ako sa mga bagay na alam niyang takot ako or ayaw ko.
"wag ka dyan.." sabi niya nung natapat ako sa harap ng bike na naka park pagkatalon ko. "palit tayo, baka tumama ka sa bike."
(sa binggo kase, magsisimula muna kayo sa gitna tapos tatalon papunta sa gusto niyong pwesto habang sinasabi 'yong "BINGGGGGGGG-GO") pagkatalon ko, dun ako napunta sa pwesto na ang nasa likod ko ay bike na naka park, sabi ni Azxier 'wag raw ako don at nakipagpalit siya sakin ng pwesto. Nagulat at kinilig 'yong mga kasama namin sa laro. syempre pati ako kinilig, HAHAHA greenflag talaga.
naging maalagain si Azxier sakin, lahat ng mga ayaw at gusto ko sinusunod niya. lahat rin ng mga maliliit na bagay tungkol sakin, naalala niya gaya ng paborito kong kulay, paborito kong pagkain, paborito kong inumin, paborito kong biscuit pati 'yong mga bagay na ikinatutuwa at ikinagagalit ko. alam niya kung nagtatampo o galit ako, iniisip niya palagi kung komportable ako o hindi, palakuwento siya ng kung anong mga nangyayari sa kanya. hinahatid sundo niya ko sa simbahan kapag may schedule or serve ako. Inaantay niya rin ako palagi sa hapon at marami pang iba. napaka green flag niya para sakin kaya lalo ko siyang nagustuhan.
Nakilala rin ako ng lola niya at nalaman kong close pala sila ni mama noon. Noon palang pala may connection na ang pamilya ko at pamilya niya. tuwang tuwa ang lola niya sa mama ko mula noon hanggang ngayon. Tuwang tuwa rin sakin ang lola niya, madaldal ako at makulit, palangiti rin at naaliw sakin ang lola niya, nakakahiya pero pakiramdam ko gustong gusto ako ng lola niya, HWUAHSHSHSH
_________________________ weeks later...
"aalis kami, hindi na'ko titira dyan sa bahay nayan." - Azxier
talaga bang pares palagi ang saya't lungkot sa buhay ko?---------------------------
Ilang araw na akong wala sa sarili at 'di maipaliwanag ang mukha. It's been one week since he told me that he's gonna leave this place and he's gonna leave me. I don't know why it hurts more than I expected it to be, all I know is that He's going to leave me and is that I am so in pain.
Nandito pa naman siya pero hindi ko maiwasang isipin na aalis siya ano mang oras. Hindi ko nga alam kung magkakaroon pa siya ng oras para makapagpaalam sakin o hindi na.
"nandito pa naman ako 'te sandra, hindi pa ako umaalis."
"pero aalis ka. aalis ka rin."
"It's just a prank, I won't leave this place. I won't leave you."
hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi e, 'aalis kami, hindi na'ko titira dyan sa bahay nayan.' paulit ulit lang sa utak ko yon.
WEEKS LATER----------------------------------
Medyo naging okay okay na ako, magkasama naman kami araw-araw e. Pero syempre hindi ko parin maalis sa isip ko 'yong pag-aalalala na baka isang araw mangyari nalang bigla. Iwan niya nalang ako Bigla.
"Volleyball tayooo atee sandraa!!" aya sakin ni Azxier.
"Tinuruan ako mag vb ng kuya ko nung maliit pa ako pero matagal na yon kaya hindi na'ko marunong." tanggi ko naman.
"edi tuturuan kita." pamimilit niya.
...
"kapag sasalo ng bola, ganito dapat ang mga dalire mo." sabay hawak sa mga kamay ko at inayos ito. "sa susunod mag cyclings ka, mas madali kasing gumalaw kapag naka cyclings." payo niya.
Dun kami nag v-volleyball sa open court malapit sa bahay, may net at bola siya kaya dun nalang kami naglalaro pero hindi naman namin sinasakop 'yong buong court, may parte lang ron na ginagamit namin. may malaking puno rin pala ng santol don sa gilid kaya minsan natatamaan ng bola.
Isang linggo kami naglaro ng volleyball hanggang sa medyo natuto na ulit ako. kahit umuulan naglalaro kami, syempre habang naliligo sa ulan.
Hapon na non at kakatila lang ng ulan, sinundo niya ko sa bahay para maglaro ng vb. gaya ng sabi niya noon mag cyclings ako kaya nag cyclings ako na hanggang ilalim ng pwet at naka gray oversized t shirt at sports bra sa loob. dahil nga malaki 'yong gray t shirt, nakikita 'yong strap ng sports bra. nag rubber shoes ako, nag ponytail at liptint.
pagkarating namin don sa court may mga naglalaro rin ng basketball na kasing edad namin at halos lahat napapatingin sakin. sabi ko nga maliit lang ako pero maganda ang hubog ng katawan ko. nakita yon lahat ni Azxier kaya hindi siya lumalayo sakin habang naglalakad kami papunta sa pwesto namin.
"isuot mo yan." binigay niya sakin 'yong varsity jacket na dala niya.
"sa susunod, 'wag kana magsuot ng ganyan. ang daming tumitingin sayo."
seryosong sabi niya. "Pero sabi mo sakin noon ganito ang isuot ko kapag naglalaro tayo para mas madali ako makagalaw." pangangatwiran ko naman.
"hindi ko kayang kontrolin ang isip ng mga taong humahanga sayo. Hindi ko pwedeng ipikit ang mga mata ng mga taong tumitingin sayo. Hindi pa kita kayang protektahan sa mga taong nag-iisip ng hindi maganda sayo. Kaya tulungan mo kong ingatan ang sarili mo." sabi niya. hindi na'ko nakasagot at inisip ang bawat salitang sinabi niya. 'protektahan..' 'gusto niyakong protektahan?'
"ate sandra." tawag ni Azxier sakin.
"ha?" wala sa sariling sagot ko.
"ayos kalang ba? kanina kapa ganyan, sorry sa mga nasabi ko kanina kung yon ang ikinagugulo ng isip mo. pahinga ka muna." inabutan niya ako ng tubig at napagdesisyunan na naming umuwi pagkalipas ng ilang minuto.
kahit habang naglalakad kami ay wala ako sa sarili ko. hanggang sa makarating na kami sa bahay at nakapasok na'ko. Dumiretso lang ako sa kuwarto at gabi narin naman non hindi na'ko naghapunan.
'protektahan..' 'gusto niya kong protektahan?' 'bakit niya naman ako p-protektahan?' ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi parin pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi niya kanina. alam ko namang parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa pero hindi ba parang masyado na siyang seryoso.. o baka ganon lang talaga siya? o baka ako lang ulit ang nagbibigay ng malisya..
'protektahan....'
YOU ARE READING
AFTER THE SUN SETS..
RomanceBASED ON TRUE STORY | It's all about how Elishianna and Azxier started over and over again just like how the sun sets and rises over and over again.