Chapter 1: Devil's Love
·
·
·
Isa lamang akong simpleng babae na may simpleng ambisyon sa buhay. Gusto ko lamang makapagtapos ng pag-aaral at buhayin ang sarili ko.
Mag-isa na lamang ako, palaging mag-isa. Maaga akong naulila at hindi nakamtan ang pagmamahal ng isang magulang. Ng mawala ang aking mga magulang dulot ng aksidente sampung taon na ang nakalipas, lumaki ako sa piling ng aking lola na syang pinaramdam sakin ang parehong pagmamahal ng isang ama at ina. Sa kasamaang palad iniwan na din nya ako dalawang taon na ang nakalipas dulot ng kanyang karamdaman.
Walang may balak na makisama sa isang tulad ko. Isa lamang akong hangin na di nila nakikita, di nila pinapansin. Sanay naman na ako, sanay na akong mag-isa. Itinadhana na siguro na ganito ang mangyari sakin.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong na nagpabalik sa diwa ko. Nilingon ko sya, hindi ako kumibo at tumayo na lamang at aalis na.
"Sandali!" sigaw nya na nagpahinto sa paglakad ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya
"Anong pangalan mo?" tanong nya pero di na lamang ako kumibo at tumakbo papalayo sa kanya. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harapan ng aming library, hindi na muna ako papasok. Tutal kahit naman na pumasok ako o hindi, wala namang may pake, Wala kahit na isa.
Lumakad ako papasok at naghanap ng libro na maaaring magustuhan ko. Naglakad lamang ako ng naglakad hanggang sa mapahinto ako ng dahil sa librong nakaharang sa harapan ko, Pinulot ko ito at pinagmasdan
"Devil's Love." pagbasa ko sa pamagat nito. Isa ba itong nobela? Ngunit bakit ito nandito? Sinimulan kong buklatin ito at basahin. Wala man akong interes sa mga kwentong tulad nito ngunit nakakamanghang basahin.
Napangiti ako, nakamamanghang pagmamahalan sa pagitan ng tao at bampira
"Nagustuhan mo ba?" bigla kong nabitawan ang libro ng dahil sa bulong na narinig ko. Nagsimulang tumaas ang mga balahibo ko, lumingon ako sa paligid ngunit wala akong nakita ni isang anino.
Pinulot ko na lamang ang libro at muli sanang magbabasa ngunit kinalibutan ako ng maramdaman ang mabilis na pagtama ng hangin sa harapan ko. Kinalibutan ako sapagkat wala namang hangin na pumapasok sa loob ng silid na ito. Agad akong nagmadaling umalis sa kinalalagyan ko at nagpunta sa counter.
"Hihiramin ko po ang librong ito." sagot ko na halata ang pagmamadali. May ispirito ba dito? May multo? Kinakalibutan na ko!
Yinakap ko ang sarili ko at hinaplos ang mga braso kong nakataas parin ang mga balahibo.
"Walang librong ganito ang inilalagay sa library." sagot nya na nagpagulat sakin.
"Pe-pero dito ko po yan nakuha." sagot ko, pero umiling sya.
"Baka nahulog lamang yan ng iba dito." sagot nya na nagpakunot sa noo ko. Ahh bahala na!
"Sige po kukunin ko na lang 'to. Kung may maghanap man po sabihin nyo na lang sakin." sagot ko at ibinigay ang cellphone number ko. Aalis na sana ako pero muli nya akong tinawag pabalik
"Iha kung ako sayo, hindi ko na sisimulang basahin pa iyan. Huwag mo ng buklatin pa yan at tapusing basahin." babala nya, hindi na lamang ako kumibo at naglakad na papalabas. Simpleng libro lang naman ito, anong mali kung basahin ko man 'to?
Naglakad lang ako kahit san man ako dalhin ng mga paa ko, dinatnan ko na lamang ang sarili ko sa likod ng school na nasa harapan ng lumang kwarto na naging bodega dala na rin ng dahil sa sunog dalawang taon na ang lumipas. Dumiretsyo ako at pumasok sa loob, wala naman sigurong makakakita sakin dito? Pinagmasdan ko ang buong paligid, inabandona na ito ng halos dalawang taon kaya puno ng sukal at medyo madilim ang paligid. Umupo na lamang ako at sumandal sa isang poste at nagtago sa likod nito. Nagsimula na akong muling magbasa.
——
Napangiti ako ng malamang malapit na ako sa katapusan. Inabot ako ng ilang oras sa pagbasa nito, binuklat ko ito at sisimulan na sanang basahin ang katapusan ngunit nagulat ako ng punit ito.
"Anong nangyari? Bakit punit? Ano ang katapusan?" Inis na tanong ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dugo na umaagos galing sa libro, bigla kong nahagis ang libro dahil na rin sa takot. Sinubukan kong tumakbo papalabas ngunit nanlaki ang mga mata ko ng malamang wala na ang daanan palabas.
"Nagustuhan mo ba?" muling pagkakarinig ko sa boses na yun na nagpakilabot sakin.
"Gusto mong malaman ang katapusan ng kwento?" tanong nya, napaatras ako ng dahil sa takot at kilabot na nananaig sakin ngayon.
Nanginginig ako sa takot ng makita ang mga dugo na nakapalibot sa akin at patuloy sa pagdaloy. Napaatras ako at kinalibutan sa takot ng malamang nasa likod ko sya.
"At saan ka naman pupunta." para akong naistatwa sa kinalalagyan ko at naramdaman na lamang ang kamay nya na humahaplos sa bewang ko papataas sa aking leeg.
"Balak mo ba kong takasan?" hindi ako nakakibo. Lalo pa akong nanginig sa takot ng maramdaman ang hininga nya na tumatama sa leeg ko. Gusto ko syang itulak pero natatakot ako.
"W-wag mo kong sa..saktan." nanginginig na banggit ko.
"Di kita sasaktan, Papaligayahin kita." sagot nya na lalong nagpakilabot sakin.
"Si-no ka ba? A-anong kailangan.. mo sakin?" napaupo ako sa takot ng malamang nasa harapan ko na sya. Unti-unti syang lumalakad papalapit sakin, gusto kong tumakbo! Gusto kong sumigaw! Pero natatakot ako
"Simple lang ang gusto ko, Mahalin mo ako." lumapit sya at hinalikan ako. Pinilit ko syang itulak pero ang lakas nya. Napangisi sya ng di ko namalayang kusang gumaganti ang labi ko sa halik nya.
"Akin ka lang, Shina."
——
*Salamat sa suporta! Alamin natin ang katapusan ng kwento na hinahanap ni Shina. Sama-sama tayo hanggang sa dulo ng Devil's Love😁 KamSaranghae😘
YOU ARE READING
Devil's Love
VampireAy isang kuwento na nagpapakita ng kakaibang pag-ibig sa pagitan ni Shina, isang babae na may masalimuot na nakaraan, at ng isang bampira. Ang kuwento ay nag-umpisa nang makaranas si Shina ng hindi pangkaraniwang karanasan, kung saan siya'y kinakaba...