Chapter 3: Queen

5 0 0
                                    

Chapter 3: Queen
·
·
·
—Third Person—
Nagsimulang magsitawanan ang mga nilalang na nasa loob ngayon ng silid. Nagtipon-tipon sila at mukang may pinaplano.
"Sa loob ng limang daang taon! Sa wakas at nakalaya na rin tayo" sigaw ng kanilang pinuno. Nagsigawan ang lahat ng dahil sa tuwa
"Kailangan kong mahanap ang hinirang, dalhin nyo sya sakin!" Utos nito sa kanyang mga alagad at nagsimulang magsilisan. Bakas ang tuwa at pananabik sa kanyang muka
"Nasan ka na aking reyna." banggit nito at tumawa ng pagkalakas-lakas.
——
Shina's POV
·
·
·
Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng aksidenteng iyon. Hanggang sa ngayon hindi ko pa din maintindihan ang mga nangyari. Binasa ko lang naman ang libro na kahit sino pwedeng gawin. Bakit sakin pa? Bakit ako pa?!
"Shina! Shina!" sigaw na syang nagpabalik sa diwa ko.
"Kanina ka pa wala sa sarili mo, ayusin mo ang ginagawa mo." yumuko ako at humingi ng tawad. Dapat alisin ko na sya sa isip ko, ayoko! Ayoko ng maalala pa ang nilalang na iyon. Nagsimulang muli ako sa pagtatrabaho kung masesesante pa ako ngayong buwan di ko na alam ang gagawin ko.
——
Inabot na kami ng gabi ng dahil sa dami ng customer. Nagsimula na kaming magligpit ngunit muling bumukas ang pinto.
"Pasensya na po, magsasara na kami." pagsalubong ko sa mga bagong dating na customer. Napakunot ang noo ko ng ngumiti sila sakin at lumabas na. Bumalik na lamang ako sa pagliligpit dahil gusto ko na talagang umuwi at magpahinga.
"Magkita-kita na lang tayo bukas." sagot ng manager namin at nagsimula na kaming magsi-uwi. Habang naglalakad napansin kong may sumusunod sakin na syang nagpakaba saking dibdib. Binilisan ko ang paglalakad ko at huminto. Agad akong lumingon sa likod ko, ngunit wala akong nakita kahit na isang anino. Ngunit ng pagharap ko nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko na pawang hangin sa bilis.
"Sumama ka samin." banggit ng isa dito, Napaatras ako sa takot.
"S-sino kayo?" nanginginig na tanong ko. Naalala kong sila ang pumasok kanina sa restaurant.
"A-anong kailangan nyo sakin?" Di sila kumibo na syang mas lalong ikinatakot ko. Nagsimula akong tumakbo papalayo ngunit napakabilis nilang nagsiharang sa harapan ko.
"Kailangan ka namin." sagot nito, Napailing ako at nagsimulang mapaatras sa takot. Nanlaki ang mata ko ng may humawak sa balikat ko.
"Sa akin sya." rinig kong banggit ng pamilyar na boses. Nilingon ko sya at bigla na lamang bumuhos ang mga luha ko, Luhang nabuo ng dahil sa iba't ibang emosyon na hindi ko malaman. Nagsimulang mataranta ang mga nilalang na nasa harapan ko at agad na nagsilisan.
"Ligtas ka na." sagot nya at ngumiti sakin. Kusang kumilos ang mga kamay ko at niyakap sya ng mahigpit. Napahagulgol ako sa dibdib nya
"Sa susunod wag kang uuwi ng gabi at nag-iisa." sagot nya  na mas lalong nagpahigpit sa yakap ko sa kanya.
"S-salamat.." sagot ko at inalis ang yakap ko sa kanya.
"Jimin, Jimin ang pangalan ko." sagot nya at pinunasan ang luha ko.
"Sa susunod na mangyari ulit 'to. Banggitin mo lang ang pangalan ko at dadating agad ako." sagot nya, Napangiti ako at hinawakan ang kamay nya na nasa pisngi ko.
"Salamat.. Jimin."
——
—Third Person—
·
·
·
"Mga walang kwenta!" sigaw ng kanilang pinuno at hinagis ang mga bagay na kanyang mahawakan.
"Simple lang ang pinapagawa ko sa inyo hindi nyo pa nagawa!  Nasan sya?!" galit na sigaw nito sa mga alagad.
"D-dumating po kasi--" agad na sinampal ito ng kanilang pinuno na ikinabigla ng lahat.
"Wala akong pakialam kung dumating man ang bampirang 'yon! Ang sabi ko dalhin nyo sakin ang reyna ko!" galit na sigaw nito.
"Patawad." tugon nito. Ngunit biglang napangisi ang pinuno at pawang may naisip na plano.
"Kung gera ang gusto nya, pagbibigyan ko sya." sagot nito  at tumawa ng pagkalakas-lakas.
——

Devil's Love Where stories live. Discover now